Chapter 3 - Case 1 (Renato Reyes)

510 31 33
                                    

"REGINA  nasan si Dad?" Oh nandito pala si Noah at sinong dad naman sinasabi nya? "He was brought to the Hospital. Just follow him there." Teka...

Si Mayor ba tatay ni Noah?! Teka oo nga noh Vallesteros. Wait ang slow ko dun ah pero sige.

Agad namang sumakay ng kotse nya si Noah tsaka sinundan na yung ambulansya na kakaalis lang rin.

Maya-maya pa ay natapos na rin kami at nadala na rin lahat ng mga may injuries sa ospital. Thankfully ay walang namatay.

"Congratulations team on doing your best again. Keep it up!" Pagbati ni Regina samin ng nakangiti bago sya tumalikod at maglakad papunta ng sasakyan nya para umalis na ng site.

"Ah Regina pwede bang magtanong?" Sabi ko sakanya habang hinahabol ko sya maglakad.

Tumigil sya maglakad nung bubuksan na nya yung kotse nya.

"Sure, what is it?"

"Paano kayo nagkakilala ni Brian at Noah?" Tanong ko agad. "Si Brian partners kami sa case ng isang client ko while si Noah is childhood friend ko."

"If you're wondering why we became friends, yung ugali kasi ni Noah iba sa tatay nya. Playboy nga lang. But he's really kind and a supportive friend. He has a love and hate relationship sa father nya." Hindi ko naman tinatanong eh. Pero galit pala sya kay Mayor ah.

Ako rin.

"Ahh ganon ba Regina. Sige salamat sa pagsagot sa tanong ko ah. Ingat ka!" Sambit ko tsaka sya ngumiti sa'kin at pumasok na ng kotse nya.

Pag-alis ng kotse nya ay ang pang-aasar nanaman sa'kin ni Brian.

"Ikaw ah. Crush mo si Regina 'noh?" Pang-aasar nya sa'kin. "Anong crush? Baka ikaw!" Pagbalik ko ng pang-aasar nya sa'kin.

"Sus kunwari ka pa kilala kaya kita!"

"Baka ako crush mo Brian? Kanina ka pa kasi nang-aasar eh." Pagbibiro ko pa sakanya habang sinisiko ko sya.

"Yuck! Ikaw crush ko? Never! Sorry pero friend lang tingin ko sa'yo. Binabasted na kita." Loko talaga 'to as if magkakagusto ang isang kagaya ko sa kagaya nya?

"Uuwi ka na ba Narda? Hatid na kita." Offer nya pa sa'kin pagkatapos nya ako asarin.

"Pagkatapos mo'ko asarin aayain mo pa ako sumabay sa'yo? Sige na nga!" Malokong sabi ko pa dahil ayoko na rin naman maglakad ngayon dahil mainit at nagugutom na rin ako dahil non-stop yung trabaho namin kanina.

Sumakay na kami ng police car nya tapos nandito pala yung ninong nya.

Ninong na rin pala tawag ko sa ninong nya kahit di ko sya ninong kasi 'yun na rin nakasanayan ko nung bata ako since tinatawag sya ni Brian ng ganon.

"Ninong kain na muna tayo nila Narda ah." Sambit ni Brian kay ninong.

"Wag na Brian. Kakain nalang ako dun sa office may malapit naman na karinderya dun." Pagtanggi ko dahil baka na rin nakakaabala na ako sakanila.

"Sige sasabay na rin kami ni ninong sa'yo."

"Nako mukhang ayaw yata tayo ni Narda kasabay kumain ah." Nagtatampong sabi ni Ninong sa'kin.

"Hindi ho ninong baka kasi nakakaabala na ako sainyo pero kung free time nyo naman po ngayon sabay sabay na po tayong kumain." Sambit ko kaya ngumiti nalang silang dalawa.

Sa wakas ay nakarating na rin kami sa Karinderya na sinasabi ko. Pagkaupo namin eh saktong dumaan si Regina.

"Narda? Brian? What are you guys doing here?" Paunang tanong nya samin. "Dito kami kakain Regina. Ikaw, ano ginagawa mo rito?" Sagot at tanong ni Brian.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now