Chapter 14 - The Event PH

375 28 29
                                    

SANA NGA HINDI SILA IISA.



























PERO ANO KAYA YUNG sinasabi ni Era na pilit pinuputol at mukhang iniiba pa ni Regina? Baka about sa business nila na sila lang nakakaalam. Top secret kumbaga. Hindi na rin ako nagtagal sa pool area at pumasok na rin ako sa kwartong binigay sa'kin ni Regina at natulog na. Kinabukasan, nagising ako sa ingay sa may sala area nitong bahay nila. Parang ang chaos.

Pagbukas ko ng pinto sumilip kaagad ako sa may hagdanan at nakita si Regina na nakikipag-usap sa mga tao na parang mga make-up artist at hairstylist.

Tinuro ako nung kausap nya by his mouth kaya tumingin si Regina sa direction ko.

"Oh Narda! You're finally awake!" Sambit nya at naglakad sya paakyat ng hagdanan para sunduin ako?

Pagkalapit nya sa'kin hinawakan nya agad ang kamay ko at inalalayan akong bumaba sa hagdanan.

"You should have a breakfast muna then after that, we can both shower na then aayusan nila tayo." Turo nya sa'kin. Ginawa ko naman ang sinabi nya pero sya hindi sya sumabay sa'kin kumain at itinuro nya lang sa mga hairstylists at make-up artists ang mga gagawin.

"Okay so you should do this to me and let her choose what she wants with her face. Kapag tumanggi sya, don't let her. This is an important event, understood?" Ang hot nya magsalita professionally.

Ang attractive in some way.

"Copy that ma'am Regina."

"Regina kumain ka na dito sabay ka na sa'kin!" Sambit ko habang sumenyas ako sakanya na sa tabi ko na umupo. "Sorry i can't, i'm busy." Pagtanggi nya sa'kin.

"Baby ma'am come sit here with me." She glared at me at galit na naglakad sa'kin at tumabi sa'kin.

Nakita kong tumigil sa pagt-trabaho ang mga hairstylists at make-up artists na nandito kaya tinignan namin sila parehas ni Regina at nagkanda aligaga silang lahat kumilos.

Dahilan para matawa ako.

"I told you that you should never call me baby ma'am!" Galit nyang pabulong sa'kin. "I don't recall you saying that last night, Baby ma'am." Asar ko pa sakanya.

Inapakan nya yung paa ko sa ilalim ng lamesa.

"Aray!" Sigaw ko dahilan para tumingin nanaman sa'kin ang mga tao dito. "Aray sakit talaga nito nakakapaso!" Palusot ko na kunwari'y uminom ako ng kapeng mainit kahit wala namang laman yung tasa.

Ewan ko pero feeling ko nagtataka na sila kung anong meron samin ni Regina, bawa't galaw at salita namin nakatingin na sila agad samin.

Ninakawan ko ng tingin si Regina at nakita ko syang nag s-smirk. Mukhang natatawa rin si baby ma'am ah.

Kumuha lang sya ng bread dahil ayaw nya raw ma bloated mamaya pagsuot nya ng gown nya.

Ala sais pa naman ang start nung party pero kung makapag ready sila eh parang mamaya nang alas dose.

Ganito siguro talaga pag mayayaman, dapat perfect lahat.

Pagkatapos namin kumain nauna na ako maligo kay Regina dahil di talaga sya mapakali kanina. Isang bread lang kinain nya tapos tumayo na sya para i-check kung okay na.

Lakad dito lakad doon tapos puro rin sya phone calls.

Pagkatapos ko maligo ako yung unang inayusan tapos naligo na rin si Regina. Nagtataka nga ako kasi ambilis nya maligo.

5 minutes lang ata sya naligo ngayon. Nagkukuskos ka pa ba?

Pagbalik nya naka robe na sya tapos pumasok sa kwarto kung san ako inaayusan tapos pinapanood nya ako.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now