Chapter 7 - Amusement Park Date

509 31 61
                                    

HINDI KO SYA GUSTO.


















'YAN LANG YUNG pumapasok sa isip ko habang nagsasalita sya. Hindi ko na naintindihan yung iba nyang sinasabi kasi kinoconvince ko sa utak ko na hindi ko sya gusto. Siguro gusto ko sya pero hanggang kaibigan lang. "And we're here." Rinig kong sabi ni Regina. Agad? Parang kanina sabi nya malayo pa kami ah.

"Lola? Ding? Gising na po." Pag-gising ni Regina sakanila kaya kinalabit ko si lola at Ding sa likod at sinabing nasa airport na kami at kailangan nang pumasok sa loob.

Narinig kong tinatawagan ni Regina yung secretary nya sa station para ibalik yung kotse nya sa bahay nila since hindi naman namin masasama 'to on our way to Manila.

Hinintay lang namin 'yun ng konti since malapit lang naman ang bahay nun dito tapos pumasok na kami sa loob nung nabigay na ni Regina yung susi nya.

Minake sure rin namin na wala kaming nakalimutan sa loob ng kotse bago kami umalis.

Nang makasakay na kami sa eroplano hindi ko akalain kung sino yung makakatabi ko...

Si Regina.

Tapos si lola at Ding nasa likod namin.

Bakit naman ganito oh.

Pag-upo namin ni wala saming dalawa ang kumibo.

Until lumipad yung eroplano tapos nag suot na rin si Regina ng eye mask para makatulog na rin sya since wala pa ata syang tulog.

Sinilip ko rin si lola at Ding nakatulog na rin sila pagkatapos ni Ding mag picture picture. Ramdam ko rin sa mga pasahero na halos lahat ay tulog na maliban sa'kin siguro.

Maya-maya pa habang natutulog si Regina biglang sumandal ang ulo nya sa balikat ko.

Naramdaman kong nag-init nanaman ang buong mukha ko sa nangyayari ngayon.

Tatanggalin ko ba o hahayaan ko nalang?

Hayaan ko nalang muna siguro, nakakahiya naman sya gisingin dahil kanina pa sya gising.

Hinimas-himas ko yung buhok nya para mas lalong gumanda yung tulog nya at sa tingin ko naman gumagana yung ginagawa ko.

Nagulat ako habang hinihimas ko yung buhok nya bigla nalang syang nagising tapos sumigaw.

"AHHH!" Pumunta samin yung isang flight attendant tapos nagising yung ibang pasahero.

"Is there something wrong ma'am?" Tanong nung flight attendant. "Nothing, we're fine. I just had a nightmare."

"Can we get you anything?" Tanong ulit nung flight attendant pero tumanggi si Regina. Di manlang sya nagsorry sa mga pasahero.

"Sorry Narda." Pero sa'kin nag sorry?

"Wala 'yun Regina, ayos ka lang ba? Masama ba panaginip mo?"

"I'm fine, i just had a nightmare." Maya-maya ulit sumandal ulit sya sa balikat ko para matulog.

Antok na antok talaga si miss ma'am.

Buong flight namin natulog sya tapos kalagitnaan ng flight namin nakatulog na rin ako, pumatong ako sa ulo nya.

Nagising nalang ako na nakasandal na yung ulo ko sa balikat nya.

Probably nagising sya kanina pa.

"5 minutes nalang touch down na tayo Manila." Sabi nya sa'kin. Pagsilip ko sa likod ko gising na rin si lola tapos Ding.

Si Ding parang may ginawa nanamang kalokohan sa'kin kasi nakangisi.

After 5 minutes finally, nasa Maynila na kami. Ganon pala katagal ah.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now