Chapter 21 - Bite

470 29 4
                                    

"WHAT THE HELL IS THIS?!"































NARINIG NAMIN PAREHAS ang boses ni Regina mula sa likuran ni Lor kaya binitawan ako agad ni Lor at humarap sya kay Regina. "Ma'am." Tawag nya kay Regina. Parang slow-mo 'yung sumunod na nangyari, kung gaano kabilis sampalin ni Regina si Lor sa harapan ko, ganon rin kabagal sa paningin ko para hindi sya mapigilan. "Regina!" Sigaw ko tapos hinawakan ko si Lor at niyakap. "Ano ba?!" Pagalit kong tanong sakanya.

"Ano bang problema mo?!"

"What's my problem?! You Narda! You!" Tangina ano nanaman ginawa ko?! Umiiwas na nga ako sakanya kahit mahirap para sa'kin tapos ako pa may kasalanan?!

"Inaano ba kita Regina?!" Feeling ko sasabog na ako sa galit ngayon sakanya dahil sa ginawa nya sa kaibigan ko, si Lor.

"Whatever! Magsama kayo!" Galit na umalis si Regina sa office ko kaya pinaupo ko muna si Lor sa couch ng office ko.

"Dito ka muna ha? Susundan ko lang si Regina."

"Narda wag na." Pagpigil nya ulit sa'kin. "I have to." Tinanggal ko 'yung pagkakahawak nya ulit sa braso ko tapos binilisan ko 'yung takbo ko para maabutan si Regina na nakasakay na sa elevator.

Humabol ako ng pasok sa elevator bago magsara tapos kami lang ngayon 'yung tao dito. "Ano bang ginawa ko sa'yo?!" Pagalit kong tanong ulit sakanya.

"Just... Don't mind me Narda."

"Paanong hindi kita papansinin eh ikaw ang nagpapapansin?!"

"Ikaw ang papansin! Nilalandi mo pa 'yung Floryn na 'yun?! Do you even like her?!" Tanong nya sa'kin tapos bigla syang pumwesto sa harapan ko.

"R-regina..." Utal kong tawag sa pangalan nya habang nag-iinit ang buong katawan ko tapos umatras ako nang umatras hanggang sa naka pin na ako sa wall ng elevator.

"Tell me, do you like her?" Tanong nya ulit sa'kin. Hindi ako makasagot hindi dahil sa gusto ko si Lor, dahil 'to sa posisyon namin ngayon tapos biglang nagbukas 'yung mga pintuan ng elevator kaya nagkunwari si Regina na may kinuha sya sa harapan ko.

Pagpasok ng mga tao siniksik nila kaming dalawa sa gitna ng elevator.

Magkadikit kaming dalawa ngayon habang magkaharap pa rin kami tipong onti nalang magdidikit na mga mukha at labi namin. Pinipigilan ko 'yung sexual tension na nararamdaman ko ngayon dahil nirerespeto ko rin sya. Baka ma-offend nanaman sya kung hahalikan ko sya at isa pa maraming employee ngayon dito sa elevator para ilantad ang kabadingan namin.

Parehas kaming namumula ngayon, nakikita ko si Regina. Sa lapit ba naman ng mukha nya sa'kin imposibleng hindi ko mapansin.

Feeling ko gusto nyang tumingin sa iba pero masyadong masikip na para dun.

Pagbaba ng mga tao sa next floor naiwan ulit kaming dalawa kaya medyo nakahinga na kami pero naiwan samin 'yung awkwardness.

Pagkadating ng elevator sa lobby ng building bumaba na agad ako tapos nakipag separate ways ako sakanya.

Puta sobrang awkward non!

Walang nagsalita samin kahit marinig ko manlang hininga ni Regina wala. Basta napapaligiran ng katahimikan kanina 'yung elevator.

Mabibingi ka sa sobrang ingay.

Pero the way na tumitingin 'yung mata nya sa ibang sulok ng elevator kanina habang siksikan, para lang hindi kami magkaroon ng eye contact habang ganon pwesto namin.

Habang namumula sya at pati na rin ako.

Fuck.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta dahil kaya lang naman ako nag elevator para sundan si Regina but now i lost her on my sight.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now