Chapter 31 - Drunk Regina

489 28 13
                                    

PLEASE GIVE ME STRENGTH PARA MATIIS 'TONG DALAWANG BATANG KASAMA KO.






























































SABI KO SA SARILI KO habang naka cross 'yung finger ko. Ako na nagpara ng tricycle kasi 'yung dalawa andami nang dumadaan na tricycle hindi pinapara. Mukhang wala silang alam parehas kung paano mag commute, kawawa talaga ako ngayong araw sa dalawang 'to eh. Pagsakay namin nag-agawan pa 'yung dalawa kung sino tatabi sa'kin sa loob kaya pinagtabi ko sila sa loob tapos ako dito sa likod ni manong driver. Ayan magtabi kayo parehas para matuto kayo.

Pagkadating namin sa palengke nakatakip na sila pareho sa bibig at ilong nila kaya tumawa ako.

"Diba gusto nyo sumama dito? Ayan." Tinatawanan ko sila habang naglalakad ako papasok sa loob kung saan nandun ang mga isda, manok at baboy.

"Why can't we just buy at the nearest supermarket?" Maarteng tanong ni Regina. "Mas bet ko dito, mura."

"I can buy it naman, can we just please go to the market?"

"Bumalik na kayo sa resort kung gusto nyo, ako nalang dito---" the next thing i knew pumapara na sila ng tricycle pabalik sa resort.

Grabe 'yung tawa ko ngayon habang sumasakay sila tapos nag middle finger sa'kin si Regina.

HAHAHAHAHA LT!

Sama pa kayo ah, ayan napapala ng mga makukulit na bata!

Well finally dun nagkasundo sila. Sabay pa nga sila sumakay sa loob ng tricycle eh.

Ewan ko nalang talaga kung anong magiging scenario nila pag nasa resort na sila.

Anyways, bumili ako ng pang barbeque at pang ihaw na isda pati na rin mga ingredients kasi baka mamaya wala silang ingredients dun sa resort edi babalik nanaman ako.

Pagkatapos kong mamili sumakay na rin ako ng tricycle pabalik tapos 20 pesos lang binayad ko since ako lang mag-isa at special.

Pagkadating ko dun iniwan ko muna sa lobby ng hotel 'yung pinamili ko since kami lang naman guest dun at sure akong walang ibang kukuha.

Halos isang oras rin akong namili eh so 2:30 na ngbtanghali ngayon at sure akong gutom na 'tong dalawang 'to.

Hinanap ko sila pero hindi ko sila makita. Siguro nasa labas 'yung dalawa.

Nag rent ako ng gamit pang ihaw dito sa resort, akala ko free na since nirentahan naman ni Regina 'tong buong resort pero sige okay lang.

Nang nagsisimula na akong mag marinate sa labas dumating na rin si Flo at Regina na hindi na medyo nag-aaway.

Wow at may dala-dala pang alak!

Kaya pala nagkasundo.

"Oh ano 'yan?" Tanong ko. "Can't you see what this is? Iinom tayo later." Napa face palm nalang ako. Dinamay pa ako sa mga kalokohan nila tsaka isa pa, sa tingin ba nila papayag si lola na uminom ako?

Kahit ganito na edad ko ngayon kahit lumuhod pa ako sa harapan nun baka hindi na ako pauwiin ng Maynila nun.

Bago pa man ako makapag salita sumunod na si Regina sa loob para ilagay na rin siguro 'yung alak sa lobby since merong table dun na pinaglagyan ko rin ng lulutuin ko ngayon.

"Narda!!!" Sigaw sa'kin ng pamilyar na boses kaya tumingin ako sa direksyon na 'yun at nakita kong tumatakbo papalapit sa'kin si...

"Lola!!!!" Sigaw ko rin tapos tumakbo rin ako papalapit sakanya tapos niyakap ko sya.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now