Chapter 26 - Dream

399 24 14
                                    

"WHAT IF AKO SI VALENTINA?"











































ANO 'TO CONFESSION? "Ano ka dyan wag ka nga magbiro ng ganyan!" Sambit ko habang tinatawanan ko sya awkwardly thinking na binibiro nya lang ako. "Hindi nga, i'm dead serious. What if ako si Valentina?" Tanong nya ulit sa'kin. "Edi i'll ask you kung bakit mo ginagawa 'yung mga 'yun at pipilitin kong intindihin kung valid naman 'yung reason mo." Hindi ko kasi kayang kalabanin ka kung ikaw si Valentina kaya mas gugustuhin ko na intindihin at unawain ka kesa naman mawala ka sa'kin.

"Makes sense."

"Pano mo pala nakilala kung sino si Valentina?" Fuck here we go again! Another mistake!

"Ah ano diba sinabi mo na 'to sa'kin?" Buti nalang naalala ko 'yung moment na 'yun kaya na-convince naman sya agad.

"You really do have a great memory don't you?" She laughed cutely kaya sinabayan ko sya.

Bakit lahat ng ginagawa nya eh cute para sa'kin?

"Bakit mo pala natanong nanaman 'yan?"

"Wala lang, syempre i'm your bestfriend so if ever kaya mo ba akong tanggapin?" Ahh bestfriend tapos nag gaganunan?

"Oo naman pero syempre it'll take me some time alam mo 'yun?" Tumango sya sa'kin.

Simple conversation of ours pero sobrang deep. Feeling ko may tinatago pa rin sya sa'kin na mas malalim kesa dun sa engage na sila ni Era.

Baka hindi ko kayanin kung malalaman kong sya si Valentina pero alam ko naman na hindi sya 'yun since anlayo-layo nya sa babaeng ahas na 'yun.

5:30pm na nang ihatid nya ako sa condo ko, umalis na sya sa harapan ng pintuan ko at akmang isasarado ko na sana pero hinatak ako ni Ding papasok sa kabila.

"Hoy 'yung pintuan bukas pa!" Sigaw ko sakanya. "Kuya Brian sarado mo po 'yun." Oh bakit ang seryoso naman nitong loko na kapatid ko? May ginawa ba akong masama? Dapat ba akong kabahan? Hmmm.

Pagpasok namin sa condo nila pinaupo nila ako sa couch tapos 'yung upuan na ginagamit nila para kumain sa kusina dinala nila sa harapan ko at umupo silang dalawa.

"Ano ba kayo ni ate Regina?" Bungad na tanong ni Ding sa'kin. "Anong ano? Baliw ka may fiancé 'yung tao." Sagot ko sakanya. Hirap pa ako banggitin 'yun pero sana hindi nahalata.

"Engage na nga eh tapos may mga night outs pa kayo? May gusto ka ba sakanya?" This time si Brian naman nagtanong sa'kin na mukhang galit.

"Wala akong gusto sakanya, tsaka akala ko ba boto kayo sakanya?"

"Boto kami nung wala pa syang fiancé. Nako ate sinasabi ko sa'yo." Nagpapalitan lang sila ni Brian ng salita na parang pinag-usapan nila kung paano ako ia-approach.

"Tigilan nyo na si Narda, malaki na 'yan." Sambit ni lola na nagsasaing sa kusina. "Eh kasi la ayaw lang namin masaktan 'tong si Narda." Sagot ni Brian kay lola.

Di na umimik pa si lola pero nandito pa rin ako nakayuko habang iniisip mga desisyon ko sa buhay kung tama ba mga ginagawa ko o mali na.

"Ate ayaw ka lang namin masaktan." Tumingin ako kay Ding at ngumiti. Pati pala 'yung party na 'yun binalita sa tv 'noh? Nationwide pala talaga o baka mamaya worldwide pa.

"Alam ko naman ginagawa ko katulad ng sinabi ni lola malaki na ako." Sasagot pa sana si Brian pero nagsalita na kaagad ako bago pa nya mabuka bibig nya.

"Ayos lang ako." Kahit deep inside nasasaktan na ako. Kahit minsan hindi ko na alam kung tama pa ba ginagawa ko at ipagpapatuloy ko pa ba.

"Dito ka na matulog ate tabi-tabi tayo nila kuya dito ngayon sa sala."

Illicit AffairWhere stories live. Discover now