Chapter 13 - Babaeng Ahas

386 29 6
                                    

NAKITA KO SI REGINA AT LOLA NA NAGLULUTO.


















"OH WOW BUTI NAISIP MO 'TO?" Pabirong sabi ko kay Regina. "Baka mamaya sunog nanaman 'yan ah." Sabay tawa ko. "Trust me on this Narda, that will never happen again." Sumingit naman si Ding agad sa usapan namin. "Uy uy anong nangyari? May dapat ba kaming malaman?" Pagtingin ko kay lola nakataas na yung isang kilay nya at parang di sya natutuwa.

"Wala ano ba! Kahapon ka pa Ding!" Bumalik ang atensyon ni lola sa pagluluto habang si Ding binuksan yung tv.

Napansin ko lang na andami palang nangyari nung isang araw sa island na 'yun at sa sobrang daming nangyari eh hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon ko nung gabing 'yun.

Hindi naman ako nagalit kay Regina eh, nagulat lang siguro talaga ako dahil dun.

Pro diba nga dapat magalit ako sa ginawa nya?

Ah basta, mabait lang talaga siguro ako at mapagpatawad.

Oo self proclaim ako ngayon.

Nang matapos na sila magluto finally nakita ko na rin kung anong niluluto nila kanina.

"Puta pancake lang pala 'to?! Akala ko naman kung ano at napaka busy nyo!" Inirapan ko sila tapos si lola tumatawa.

"What do you mean pancake lang?! Blood, sweat and tears inalay ko dyan para magawa 'yan 'noh!" Siraulo amputa blood, sweat and tears daw eh halos si lola na nga gumawa nito kanina tapos sya nanonood lang.

"Oh sya mga aso't pusa kong mga apo mag breakfast na tayo." Nakangiting sabi ni lola. Habang nag b-breakfast kami biglang tumunog yung phone ni Regina.

"Narda i just got reminded from my calendar, we need to make an overtime later because of the party tomorrow and also book us a flight to Seoul, South Korea later. We'll fly there by tomorrow after the party here." Buti nalang natandaan ko yung mga binilin nya ngayon.

Sa sobrang dami ba naman ng sinabi nya. Nakakatakot rin na baka makalimutan ko, baka magalit sya sa'kin pag namali lahat ng party bukas.

"Wow ate pupunta kayo South Korea?!" Nakangiting tanong ni Ding na parang mas excited pa sa'kin.

Tumango si Regina sakanya. "Ate Narda pasalubong ah!" Sinisiko nya ako. "Pag hindi ka tumigil kasisiko sa'kin wala kang matitikman kahit piso." Biro ko sakanya.

Nang matapos na kami parehas maligo at mag prepare, inaya nya akong sumabay kaya sumakay na ako sa kotse nya at nag-umpisa na syang magmaneho.

"Narda may i ask?" Baka ma uncomfy naman ako sa itatanong nya so i cleared my throat before answering. "Oo naman. Ano ba 'yun?"

"What did you and Noah did yesterday at your office?" Bilis makarating ng balita ah.

"Nagpasalamat lang si Noah sa'kin."

"At bakit naman sya nagpapasalamat sa'yo?"

"Actually hindi ko na matandaan kung bakit. Not important rin naman kasi."

"Nagpapasalamat pero binigyan ka ng bouquet of sunflower?" Diba nakasarado yung bintana nya? Pano nya kami nakita?

Isa pa, nauna syang umuwi sa'kin kaya nga di kami nagkasabay umuwi at nag bar pa ako eh so pano nya makikita?

Impossible naman na nung sinundo nya ako sa bar nakita nya eh naglalakad palang kami nila Floryn tinapon ko na 'yun.

"Sya nalang tanungin mo Regina, hindi ko kasi talaga alam. Tinapon ko na rin naman yung binigay nya nung paglabas ko ng office kasi red roses talaga ang gusto ko." Nung tinignan ko yung mukha ni Regina matapos ko 'yun sabihin parang na relieve sya sa sinabi ko.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now