Chapter 5 - Her Offer

508 34 77
                                    

POSIBLE  RIN kayang may iba pang katulad ko na napunta na dito sa mundo natin?























NILABAS KO na yung baon ko dahil lunch time na rin naman at wala na rin akong ginagawa. Onti nalang rin ngayon yung tao dito sa office kasi sa labas kumakain yung iba. "Narda di ka ba sasabay samin?" Tanong sa'kin ni Richard na kasama si Andre. "Hindi, nagbaon ako ng ulam. Next time nalang." Sagot ko sakanila. Pagkatapos ay umalis na rin sila ng office para kumain na rin sa labas. Parang tatlo lang ata kaming naiwan dito sa office.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na rin yung pinagkainan ko tapos nagpunta ako sa cr.

Pagpasok ko ng isang cubicle narinig kong may pumasok rin ng cr.

"Alam mo 'yang Narda na 'yan she's really getting into my nerves." Rinig kong sabi ng kaibigan ni Jerna.

"Same. I don't know pero kahit tignan ko lang sya umiinit na agad dugo ko sira pa araw ko." Sabay tawanan silang tatlo. Gusto kong umiyak pero alam ko namang walang magagawa 'yun.

Biglang may nagbukas ulit ng pintuan ng cr.

"I heard you three talking about Narda. Did she do something wrong with you?" Kilala ko 'yung boses na 'yun ah.

Si Regina.

"Wala po ma'am."

"Then why are you talking to her back and saying some stuffs na alam nyong makakasakit sakanya? Do you want me to fire you three?!" Pagbabanta nya sa tatlo. Di na rin nakasagot yung tatlo nang magsalita sya ulit.

"Take this as your last and final warning. Get back to work!" Pagsigaw nya sa tatlo. Narinig ko ang yapak nila at paniguradong umalis na sila sa cr nang may biglang kumatok sa cubicle kung nasan ako.

"Narda? I know that you're there. Are you okay?" Tanong nya sa'kin sa malambing nyang boses.

Hindi ako sumagot.

"It's okay if you're not going to answer me now but just tell me if anyone or anything's bothering you ha? I'm always here for you." She said then left the comfort room.

Kumalma ako sa sinabi nya at hindi na rin natuloy yung iyak ko.

She's really pure.

Binuksan ko na yung pinto ng cubicle tapos naghilamos ako sa sink. Lumabas na rin ako ng cr after that tapos bumalik na rin ako ng office seat ko. Pagdating ko andami nanamang files yung nandun na kailangan i transfer sa computer.

Trinansfer ko na sa computer lahat hanggang sa matapos ako. 6pm na pala nang matapos ako sa pag transfer ng files.

"Narda pinapatawag ka ni ma'am Regina sa taas." Sabi sa'kin ng secretary nya. Tumayo ako agad tapos nag ayos rin bago pumasok ng elevator.

Maya-maya pa nasa office floor na ako ni Regina kaya nilakad ko na papunta sa office nya. Himala at wala si Ali sa labas?

Pagpasok ko nandon si Regina nakaupo sa table seat nya tapos tumayo sya kaagad nung makita nya akong pumasok ng office nya.

"Narda." Paunang sabi nya sa'kin. "Pinapatawag mo raw ako Regina?" Tanong ko.

"Yes. I just want a drink with you."

"Sabi ko naman sa'yo kagabi diba? hindi ako umiinom." Pagtanggi ko ulit sakanya.

"I know but please just have one sip." Pagpilit nya pa sa'kin habang naglalakad sya papalapit sa'kin.

Parang may nararamdaman akong kakaiba ngayon kaya umatras ako nang umatras mula sakanya hanggang sa marating ko na yung sofa dito sa office nya.

"Why are you walking away from me?" Her voice sounds like she's in heat or something. Hindi ko rin maintindihan kung anong meron sa boses nya ngayon. Parang iba.

Illicit AffairDonde viven las historias. Descúbrelo ahora