Chapter 28 - Beloved Regina

405 24 8
                                    

NOAH.

Warning:  This chapter contains words such as drugs, organs and etc.









































"OH ANONG GINAGAWA MO DITO?" Tanong ni Regina sakanya habang binubuksan nya 'yung gate.. "Remember? Bumalik kami ni Xandra dito after Narda and her fight?" "Ah yes, i remember." Sagot ni Regina. Pagpasok namin sa loob ng bahay nila walang tigil si Noah kaka-kwento kay Regina kaya nagpaalam na ako kay Regina. "Saan ako pwede matulog?" Tanong ko. "Don't you want to eat muna before going to bed?" Pabalik nyang tanong sa'kin. "Hindi na, just show me kung saan ako pwede matulog." Sagot ko naman sakanya.

Umakyat kami tapos iniwan namin si Noah sa baba. Dito nya pa rin ako pinatulog kung saan ako natulog last time na nandito kami.

Sa tabi ng room nya.

Bumaba sya after nya akong ihatid dito tapos ako naman tinabi ko muna 'yung maleta at bagpack ko dito sa may gilid, bukas ko na 'to aayusin.

Pakagising ko umaga na tapos nasa harapan ko ngayon si Regina. "Faster! Wake the hell up!" Sabi nya sa'kin habang dahan-dahan kong binubukas ang mga mata ko.

"Suit up, we have a meeting with mayor at 10:30." Ang aga-aga pa eh--- holy shit 9:30am na!

"Ano ba 'yan 10:30am na bakit ngayon mo lang ako sinabihan?!" Nagmamadali kong sabi. 123 nalang ligo ko nito since b-byahe pa kami at magbibihis pa ako.

Nakabihis naman na sya so ako nalang talaga kulang.

"Well sa pagkakaalam ko, it's not my job to wake you up." Mataray nyang sabi. Sya pa rin ba talaga nagagalit sa sinagot ko kagabi sakanya?

Anyways, imbis na makipag talo pa ako sakanya hahabulin ko nalang ang oras at bibilisan.

Pagkatapos kong magprepare 9:50 na and i think aabot pa kami since hindi naman ganon kalayo 'yun dito unlike sa pagpunta sa bahay namin.

Nadaanan namin 'yung mall ng Nueva Esperanza na maraming pulis ang mga nakapalibot kaya nag decide si Regina na ihinto 'yung kotse.

"Stay here." Utos nya sa'kin pero the moment na bumaba na sya ng kotse nya, bumaba na rin ako.

"Officer." Tawag nya sa pulis. "Attorney Vanguardia!" Tawag naman ng pulis sakanya tapos nagkamay sila. "What's going on here?" Tanong nya sa pulis.

"May nang hostage sa mga tao sa loob at napapalibutan raw sya ng bomba sa katawan nya. Hinahanap ka nya at kailangan lang raw nya na makausap ka para bigyan ng hustisya ang sarili nya." Pagpapaliwanag ng pulis kay Regina.

"Let me in." Maangas na sabi ni Regina. "I'm afraid we can't, attorney. Masyadong delikado sa loob."

"I said let me in." This time mataray na 'yung tono ng boses nya kaya parehas kaming pinapasok ng pulis.

Nang malapit na kami sa gitna kung nasaan 'yung nangh-hostage napansin nya na rin ako finally.

"What the hell?! I told you to stay in the car!" Galit nyang sabi sa'kin. "Wala ka nang magagawa nandito na ako. Ano gusto mo ba maligtas mga tao dito sa loob o mag-uusap nalang tayo dito?!" Pasigaw kong sabi sakanya kaya mabilis kaming naglakad papunta sa gitna.

Nang makarating na kami sa gitna pumwesto ako sa tabi nya tapos hinawakan nya 'yung bewang ko ng sobrang higpit.

Mukhang natatakot sya.

"Ako si Attorney Regina Vanguardia, anong kailangan mo?" Kalmado nyang tanong sa lalaki na may bomba all over his body. "Attorney!" Tawag nung lalaki sakanya.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now