Chapter 27 - Do You Like Me?

409 26 9
                                    

SINAMPAL NI REGINA SI FLO.

















































LAHAT KAMI NAGULAT sa ginawa ni Regina kaya agad kong nilapitan 'yung dalawa para di na sila magpang-abot pa ulit. "You bitch!" Pilit inaabot ni Flo si Regina habang si Brian at Ding nakaharang at hinihila papalayo si Flo kay Regina. Nakaharang naman ako kay Regina na baka mamaya dumagdag pa ng sampal kay Flo pero himalang kalmado sya after nyang gawin 'yun habang si Flo naman nag h-hysterical. "Brian dun muna kayo sa condo ko please. Kakausapin ko si Flo mamaya." Hindi ko naman ni-lock 'yung pinto ko sa condo kaya makakapasok sila.

Pagka labas nila pinaupo ko si Regina habang nagsasandok pa sya ng sinangag at itlog. "Teka lang! Can't you see na nagsasandok ako?" Taray ah!

"Ba't mo naman ginawa 'yun?" Si lola naman nakikinig samin habang nakaupo rin sya sa harapan ni Regina at kumakain. "Pasmado bibig nya eh."inirapan nya ako pagkatapos nya sabihin 'yun.

Well totoo naman wala namang ginagawa si Regina dito na masama and she even said na bestfriends lang kami so i'm assuming na never nya nang gagawin 'yung ginawa nya last time pati na rin 'yung ginawa namin sa condo nung gabing 'yun.

"Eh bakit kalmado ka pa?" Tanong ko ulit. "Gusto mo ba patulan ko? Papatulan ko." Tatayo sana sya pero hinila ko sya pababa para bumalik sya sa upuan nya.

"Regina." Tawag ni lola sakanya tapos sina-sign ko na si Regina ng "lagot ka." Kasi tumitingin sya sa'kin bago sya sumagot at nanlalaki rin 'yung mata nya sa takot siguro kay lola. "Po?" Sagot nya kay lola.

"Ano ba talaga kayo ng apo ko?" Holy shit i just choked in my own saliva sa tanong ni lola. Grabe biglaan? Ibang topic naman ata 'yan la!

"La!" Tawag ko kay lola and own way ko na rin para suwayin sya sa kung ano pang lalabas sa bibig nya.

"Po?" Diba maski si Regina napapa ulit nalang rin ng tanong kay lola. "Uulitin ko pa ba 'yung tanong ko iha?" Mataray na tanong ni lola sakanya pabalik.

"M-mag-kaibigan po kami ni Narda." Grabe bakit nandito pa ba ako? Para lang marinig 'yung indirect rejection nya sa'kin kahit hindi ko naman sya nililigawan?

"Ganon ba? Basta huwag na huwag mong sasaktan apo ko magiging ayos tayo lagi Regina." Sambit ni lola habang nakangiti sabay tusok ng tinidor nya ng madiin sa hotdog.

'Yung mukha ni Regina ngayon hindi maipinta, parang natatakot na ewan eh HAHAHAHAH!

Well, hindi na sya sumagot after that tapos iniwan ko na muna sila para puntahan si Flo sa kabila.

"Pupuntahan mo pa rin 'yung babaeng 'yun?" Medyo galit 'yung tono ng boses nya ngayon. "Kailangan Regina. Pagsasabihan ko na rin." Nakita kong tinarayan nya na lang ako gamit ang mga mata nya tapos sumubo na sya ng pagkain.

Pagpasok ko ng condo ko nakita ko na agad sila nanonood pa nga ng tv eh.

Pagkakita nila sa'kin pinatay nila 'yung tv tapos 'yung dalawang makulit din umalis para siguro bigyan kami ng privacy or ayaw nilang mapagalitan ko rin sila.

"Florence." Tawag ko sakanya. "Narda let me explain..." Malambing na sabi nya sa boses nya.

Kumuha ako ng upuan para umupo sa harapan nya at hindi sa tabi nya katulad nung ginawa sa'kin nila Ding kagabi.

Para syempre magmukha akong intimidating.

"Syempre alam ko naman kung anong ginagawa nyo and kung ano kayo, right?" Hindi ako sumagot at tumango nalang ako dahan-dahan.

Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon