Chapter 6 - Regina's Sexuality

597 33 54
                                    

"DARNA!"













NILIBOT KO ang buong Nueva Esperanza para hanapin kung nasan yung sinasabi ni Brian na ambush sa mga sindikato, di rin nagtagal nakita ko na kaya bumaba ako mula sa pagkakalipad ko. "Sino ka?!" Tanong ng isang sindikato sabay tutok sa'kin ng Baril. "Darna." Mabilis ko lang rin silang natalo dahil may powers ako tapos sila wala. Lumipad agad ako bago pa ako makita ng mga pulis. Nakita ko sa kanila ang gulat kung bakit ganon na yung kanina'y mga kalaban lang nila na malakas pa. Umuwi na ako ng bahay pagkatapos nun.

"Narda." Mahina kong sabi at agad rin akong bumalik sa human form ko. Paglabas ko ng kwarto nakauwi na rin pala si lola at Ding. "Apo san ka nagpunta? Sinundo ko na rin si Ding pagkatapos ko mamalengke. Nag half day lang sya para kunin yung mga kailangan nya sa school." Sambit ni lola.

"May tinignan lang po sa labas." Pagsisinungaling ko.

This is it pancit na talaga, pupunta na talaga kami ng maynila bukas.

Alam ko naman ang itsura ng maynila dahil nakikita ko through social media pero ano kaya ang itsura dun kung ikaw na mismo ang nandon?

Maganda pa rin kaya at puno ng ilaw tuwing gabi? O expectations ko lang talaga?

Naligo na ako pagkatapos nun tapos pumunta sa station para magpaalam. "Dalawang araw ka palang dito prinomote ka na ni ma'am Regina ah." Sambit ni Andre pagkatapos nila akong yakapin dalawa ni Richard para magpaalam na rin.

"Malamang paborito ni ma'am at sipsip." Rinig naming sabi nung kaibigan ni Jerna.

Di nalang namin pinansin at tinuloy ko nalang yung pagbabalot ko ng mga gamit ko sa table ko.

"Pano na 'yan mukhang ito na yung last na pagkikita natin ah?" Pagbibiro ni Richard.

"Ano ba wag ka nga magbiro ng ganyan. Kahit kahapon lang tayo naging close bibisitahin ko rin kayo dito pag nagbakasyon ako." Assurance ko sakanilang dalawa sabay ngiti.

Nang matapos na ako mag impake ng mga gamit ko ay lumabas na ako pero nakita kong nakaparada na sa harap ng building yung sasakyan ni Regina na kanina naman pagpasok ko ay wala.

Bumaba yung bintana nung sasakyan.

"Narda do you need a ride?" Tanong ni Regina sa'kin pagkatapos nya ibaba yung bintana ng sasakyan nya.

"Hindi na Regina, lalakarin ko nalang 'to." Pagtanggi ko. "No hop in, that looks so heavy." Pag-aya nya sa'kin.

"Hindi na Regina kaya ko na 'to promise." Pagtanggi ko ulit.

"Isa pang tanggi dyan i'll cancel your flight for tomorrow." Agad kong binuksan yung pintuan ng sasakyan nya tsaka sumakay.

'to naman si Regina di mabiro.

She smiled at me tapos mukhang natatawa rin sya pagkatapos ay nag drive na rin sya papunta sa bahay namin.

Nang makarating na kami sa bahay namin tsaka sya nagsalita nung bababa na sana ako.

"Narda wait." Tinanong ko sya kung ano 'yun. "Why don't you guys sleep at my house para hindi kayo ma late sa airport tomorrow?" Another offer from her na nakakahiya.

"Regina sobra-sobra na yung ginagawa mo samin patutulugin mo pa talaga kami sa bahay nyo?"

"Yeah because i trust you so much so please sa bahay na kayo matulog." She won't let me get off the car until i say yes kaya pumayag nalang rin ako dahil napilitan na ako.

"Okay i'll wait you guys here outside." Anong wait? Ibig ba nyang sabihin mag-iimpake na kami ngayon?

Natulala ako sa sinabi nya tapos nagsalita sya ulit. "Go!" Kaya lumabas na ako ng sasakyan ng mabilis tapos pinaiwan nya yung gamit ko sa loob ng sasakyan nya since dadalhin ko naman daw yun sa manila.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now