Chapter 38 - The Last Fight

510 37 15
                                    

"HALAAA!!! ANG CUTE NAMAN NYAN!"






















NAGULAT AKONG MAY HAWAK-HAWAK si Regina na pusa at hinahalik-halikan nya pa like a cutie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAGULAT AKONG MAY HAWAK-HAWAK si Regina na pusa at hinahalik-halikan nya pa like a cutie. "Hehe hold her for me." Ang cute ng 'hehe' nya oh my gosh! Syempre binuhat ko 'yung pusa ng maingat tapos hinahalik-halikan ko pa sa pisnge. "Oh how about me? Ako nagdala nyan." Inirapan pa ako pagkatapos mag request na sya rin dapat eh. Syempre i kissed her on her cheeks pero nag pout sya. "Bakit sa cheeks lang?" Aba demanding pa, gusto sa lips? Syempre di ko sya binigyan ng kiss sa lips, tama na 'yung sa cheeks lang dahil ni-like zone nya lang ako kagabi. Tagal-tagal ko naghintay ng reply nya tapos like zone lang? Akala ko pa naman mahaba 'yung tinatype nya like poem for me tapos like lang pala?

Kagatin kita dyan eh.

Sinaraduhan ko sya ng pinto pagkatapos kong kunin 'tong cute na cute na pusa tapos humiga kami parehas dito sa may kama ko.

Surprisingly na hindi malikot 'tong pusa at malambing pa.

Good job, Reg.

"Wow! That's rude ha! Sige lang!" Sigaw pa ni Regina sa labas dahilan para tumawa ako ng mahina. "I heard you laugh! Mamaya ka lang!" Naririnig ko 'yung angry stomp nya kaya mas lalo akong natawa.

"Baby nagugutom ka na?" Tanong ko sa pusa as if naman sasagutin ako nito kaya binuhat ko sya palabas ng kwarto tapos bumaba ako papunta sa may kusina.

Buti nalang bumili na rin si Regina ng cat food kaya mapapakain ko na sya ngayon.

Bumaba rin si Regina kasunod ko kaya nilakasan ko pa 'yung boses ko sa paglalambing ko sa pusa.

"Kakain na ang baby mwamwamwa ang cute cute naman ng baby ko na 'yan!" Ansarap talaga mang-asar lalo na't nakikita ko 'yung mukha ni Regina ngayon na sinasamaan kami ng tingin ng pusa.

May binili na rin pala si Regina na pakainan ng pusa kaya hinugasan ko nalang muna bago ko lagyan ng cat food. "Ayan na ang baby antakaw takaw kumain!"

Naka pout na ngayon si Regina. "H-how about the big baby?" Tinitigan ko sya tapos pakunwari akong naghahanap kung sino at nasaan ang tinutukoy nya. "Huh? Saan? Wala naman eh, ito lang si Yna ang baby ko."

"Huh? Why Yna?"

"Regina pero 'yung 'Ina' is YNA." I spelled it out for her para ma-gets nya tapos i saw her smiling pero tinatago nya sa'kin.

"Now, give your big baby a hug." Naka pout na ulit sya kaya tumayo ako at niyakap ko sya. "Hehe." I heard her giggle kaya mas lalong cute. "wow, nag m-moment pala si slutty secretary pati na rin ang fianceé ko?" Lumayo kami sa isa't-isa at naputol ang pagyayakapan namin nang marinig namin pareho ang boses ni Era.

"Why do you care Era? Ikaw lang naman nagpupumilit ng sarili mo sa'kin." Mataray na saad ni Regina sakanya.

"I know you love me too Regina! This woman's just stopping you para sabihin sa'kin 'yung real feelings mo for me!" Grabe, buti nalang hindi ganito si Flo ka-gaga.

Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon