Chapter 15 - N Seoul Tower

332 21 8
                                    

"I WANT YOU NARDA."

























AGAD KONG TINANGGAL yung kamay ko sa legs nya. Anong she wants me?! Wala sa usapan namin 'to ah! "Oh why did you remove your hands?" Tanong nya sa'kin as if hindi pa nya alam 'yung sagot ko. "Oh i mean not sexually! I want you to be with me forever like as a friend!" Grabe, random naman nun? Ganon pwesto namin kanina tapos bigla-bigla syang magsasabi ng ganon? Hindi ko na binalik yung kamay ko sa legs nya after that.

Bukod sa sobrang awkward na naman, mas lalong nag-init 'yung buong katawan ko nung sinabi nyang she wants me.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito before.

Sobrang tahimik dito sa loob ng kotse tapos napansin ko na pababa na kami ng skyway.

Pagbaba namin ng skyway traffic nanaman pero di rin naman nagtagal nakaahon na rin 'yung traffic.

"Let's go to the airport na. It's already 10:52." Malapit lang naman siguro dito 'yung airport kaya may confidence sya magdrive ng ganito kahit traffic.

"Why do you keep on looking at me?" Wow napansin nya pa rin talaga 'yun kahit naka focus sya sa pag d-drive? I'm impressed.

"Ha? Wala. May iniisip lang." Sya kasi iniisip ko like paano nya napaparamdam sa'kin 'yung mga things na never ko pang naramdaman sa tana ng buhay ko.

"Care to share?" Tanong nya sa'kin at nag quick glance sya sa'kin. "Wala 'to di naman malalim sobra." Ang totoo talaga malalim dahil hindi ko na kayang i-convince sarili ko na straight ako.

Na c-confuse na ako sa sexuality ko dahil sakanya.

"You know that you can always share your problems with me right?" Nakangiti nyang sabi sabay hawak sa kamay ko.

Pero kasi miss-ma'am ikaw nga 'yung problema ko!

Pano ko naman masasabi sa'yo kung ikaw mismo 'yung bumabagabag sa isip ko?

Hindi rin nagtagal dahil sa gabi na nga at wala na rin masyadong traffic sa dinaanan namin, nakarating na kami sa terminal 1.

Nang makapasok na kami sa plane nasa business class kami ng eroplano nakaupo and sobrang comfy.

Dalawa kami dito tapos yung pintuan sliding door.

Parang presidential suite na 'to ng hotel kung tutuusin. Pwede na rin akong tumira dito.

Ni-lock namin 'yung sliding door tapos kumuha si Regina ng wine.

Nag take off na 'yung flight pero comfortable naman.

Napansin siguro ni Regina na pumipikit-pikit na ako kaya nagtanong sya, "are you sleepy?"

Umiling ako.

"Hindi. Pagod lang siguro."

"That's the same thing. You can sleep naman na if you want. Here oh buti i brought my pillow neck with me." Inabot nya sa'kin yung pillow neck nya na kanina di ko napansin.

"Pano ka pala nagkagamit? Wala ka namang dalang bag kanina." Tanong ko sakanya. "Pinasunod ko 'yung hairdresser and make-up artist kanina. I told them to bring my things here kaya ayan." Wow may utusan pala 'to. Sana ganon nalang pala ginawa ko di 'yung dinala ko pa 'yung bagpack ko dun sa sasakyan nya.

Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako during our flight pero bago ako makatulog kanina nagpalit na muna ako ng tshirt at pants sa cr nitong plane, tapos ginising nya nalang ako maya-maya na mag l-landing na raw kami kaya kinuha ko na 'yung bag ko dun sa compartment sa labas ng cubicle seat namin ni Regina.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now