Chapter 37 - Senior High Crush

420 28 33
                                    

"MASAYA AKONG MAKITA KA ULIT, DARNA."







































PAMILYAR ANG BOSES KAYA sinunggaban ko kaagad sya ng suntok pagkaharap ko sakanya pero napigilan nya at sinipa nya ako papunta sa direksyon ni Valentina. Sinalo naman ako ni Valentina gamit ang mga ahas nya gently tapos sinugod nya si Luna gamit rin ang natitira pa nyang mga ahas. "Aray!" Saad ko habang nakahawak ako sa tyan ko. Medyo na-damage ako dun sa pagkakasipa nya sa'kin dahil siguro hindi ako ready. "Are you okay?" Tanong sa'kin ni Valentina nang ma-reach ko na ang kamay nya at ngayo'y buhat-buhat nya na ako gamit ang mga kamay nya.

Tumango ako sakanya dahan-dahan tapos sumeryoso ulit sya ng tingin sa direksyon ni Luna habang inaatake nya ito.

"Kahit magkampi pa kayo dyan, hindi nyo ako matatalo!" Sigaw ni Luna na may kasabay na pagtawa.

Natuklaw sya ng ahas ni Valentina kaya napasigaw sya sa sakit.

Nakita ko na magc-colapse na sya kaya tumayo na ako.

Pero...

Pagtayo ko nawala na sya sa isang iglap.

"Ouch!" Sumakit rin 'yung tuklaw sa likod ko kaya napaluhod ako at nakita kong tumakbo sa'kin si Valentina.

"Darna!" Sigaw nya na may halong pag-aalala sa boses nya.

"Aray..." Mahinahon kong sabi na may pain rin sa boses ko. "S-sorry." Utal nyang saad then the next thing i knew, i passed out.

Nagising nalang ako na masakit ang katawan ko at feeling ko mainit ako.

Nasa kwarto ko ako dito sa bahay ni Regina.

Teka?!

I tried getting up pero hindi ako nag succeed. Napahiga lang ulit ako tapos si Regina pinapahiran nya ako ng bimpo na may maligamgam na tubig sa noo ko.

Nakita ko na nasa Darna form pa rin ako nung gumalaw ako at sumubok tumayo.

"Don't move. Mainit ka pa." Pati pala kahit nasa Darna form ako nagkakasakit pa rin ako? Teka bakit ba ako mainit okay naman ako kanina ah?

"Bakit nandito ako?" Tanong ko kay Regina. "I woke up in the middle of nowhere and i found you laying there beside me so i decided to take you here."

"Wag ka nga lang magulo since this is not my room. It's Narda's, my soon to be wife." Tangina kinikilig ako sa sinasabi nya ngayon. Mainit na nga 'yung mukha ko cause ng lagnat yata 'to tapos sasabayan pa ng blush ko?

"Lalo ka atang uminit?" Ay hinahawakan nya pala 'yung mukha ko dahil pinapahiran nya ako ng bimpo na may maligamgam na water sa noo ko.

Hindi ko sya pinansin at nag keep nalang ako ng straight face sakanya. "Honestly, you look weird sa ginagawa mo ngayon." She chuckled.

Ngayon ko lang ata sya nakitang ganto pag nakikita nya ako sa Darna form tapos palagi pa nya akong ginagamot pag nagkakaroon kami ng moments sa Darna form ko.

I found the necklace na nasa lamp table.

Wala 'to kanina dito ah?

Kinuha ko pero sinampal ni Regina 'yung kamay ko. "Aray naman!" Napatingin sya sa'kin kaya nilaliman ko boses ko. "Aray naman."

"That's not yours, that's my wife's." I felt my face got redder nanaman kaya i cleared my throat. "Ehem! Akala ko ba soon to be wife mo palang? Mukhang pati kayong dalawa di na nagkakaintindihan ah."

"That's none of your business. Pakialamera ka rin pala Darna, 'noh?" She rolled her eyes on me and i just 'tss' her.

What if chikahin ko kaya 'to like magtanong ako nang magtanong since hindi naman nya alam na ako si Narda at isa pa, baka maging close pa kami at hindi na sya magalit sa'kin.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now