Chapter 9 - New Worker

433 23 33
                                    

KUNG ALAM MO LANG NA KAYANG-KAYA KITA PROTEKTAHAN GAMIT ANG BATO, REGINA.

















AFTERWARDS, NAKATULOG na rin sya kaya natulog nalang rin ako since may pasok ulit kami bukas. Pagkagising ko tulog pa rin si Regina sa tabi ko tapos nakayakap sya ng mahigpit sa'kin. She must've been so scared last night kaya ganon. Dahan-dahan kong inalis ang kamay nya sa pagkakayakap sa'kin para makapag toothbrush at hilamos na ako.

Pagkatapos kong maghilamos at toothbrush binuksan ko yung tv habang hinihintay ko syang magising para sabay na kami kumain kila lola sa kabila.

"Magandang Umaga, Pilipinas! Natagpuan ng pulisya ang isang bangkay ng isang lalaki na puno ng tuklaw ng ahas dito sa isang parte ng Maynila. Ayon sa autopsy, drug user ang bangkay pero ang nakapagtataka paano nagkaroon ng ahas dito sa parteng ito at bakit ganito karami ang tuklaw kung isang ahas lang ang gumawa nito? Posible kayang taong ahas ang gumawa nito?"

"Good morning, Narda." Pagbati sa'kin ni Regina saktong pagtapos rin ng report ng reporter.

"Gising ka na pala. Kamusta na second sleep mo?"

"It's fine na. I have no nightmares na in my second sleep." Nakangiti nyang sabi.

Pumasok sya sa loob ng cr at baka nag toothbrush at hilamos rin.

"Ano kain na tayo sa kabila?" Tanong ko sakanya paglabas na paglabas palang nya. Tumango sya sa'kin.

Pagpasok namin sa kabila, itlog at sinangag ang niluto ni lola while si Ding ay tulog pa kakalaro ng mobile games kagabi.

"Gisingin mo na po 'yun la anong oras na tanghali na."

"Hayaan mo na napuyat kasi kagabi. Mas mabuti na 'yan kesa kulangin ng tulog." Kaya namimihasa 'tong si Ding eh.

"Yeah lola's right. Wala pa namang pasok so just let him be." Okay miss ma'am sabi mo eh.

"Narda ihahatid lang kita sa building but i have to go rin agad since i have a meeting with my client." Sambit ni Regina habang nakain sya.

"Anong kaso?" Tanong ko.

"Corrupt senator. Umamin yung bodyguard nya sa illegal doings nya." Manghang-mangha kami kay Regina kasi pag alam nyang kriminal at sinadya talaga lalo na mga corrupt tinatanggihan nya pero yung mga kinulang sa boses na tao at naghahanap ng magtatanggol sakanila, 'yun ang tinutulungan nya.

Pagkatapos namin kumain naligo na ako agad tapos sya rin then nagbihis at bumaba ng lobby at sumakay sa kotse nya.

Ganon pa rin yung kotse nya, black four-seater car.

Habang nasa byahe kami may tumawag nanaman sakanya.

"What do you want?"

"Oh please Era, kung wala kang importanteng sasabihin wag mo na akong tawagan." Inend nya yung call agad. Di ko alam kung anong sinabi ni Era at nabadtrip agad sya o sadyang wala talaga syang gana makipag-usap kay Era.

At some point, naaawa ako kay Era since halata namang attracted sya kay Regina at pinagpipilitan nya sarili nya sa taong ayaw sakanya.

Pero at some point naf-feel kong deserve ni Era 'yun sa di malamang dahilan.

Nang makarating na kami sa front building, binaba na nya ako tapos agad naman syang umalis.

Pagbaba ko nakasalubong ko si Floryn.

"Oh Narda diba kotse ni ma'am Regina 'yun?" Tanong nya. "Oo, bakit?"

"Gagi sorry to ask you this pero, kayo ba?" Naglalakad kami papuntang elevator habang tinatanong nya 'yan.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now