Chapter 20 - Jealousy

472 29 26
                                    

"HELLO SORRY WE'RE LATE."
































PASUBO PALANG AKO NG pagkain nang may magsalita sa harapan ng table namin kaya tumangad ako at nabitawan ko 'yung chopstick nang makita ko si Era at Regina na magkasama. Seryoso 'yung mukha ni Regina pero si Era nakangiti sya samin. "Where's our seat?" Nakangiting tanong ni Era. "Sa harap po kayo ni Narda ma'am." Inapakan ko 'yung paa ni Floryn. "Aray!---" na-gets nya agad kung bakit ko sya inapakan. Tumingin naman si Regina at Era samin at napatigil sila sa pagpwesto.

"Mamaya mo na kasi ako kulitin Narda my loves." Tangina seryoso ba sya? Ayan 'yung naisip nyang escape sa aray nya?

Ngumiti lang ako sakanya fakely tapos nakita kong umiling-iling si Regina habang umuupo sila ni Era.

Tss kaya naman pala di sya pumasok dahil magkasama sila ni Era. Not surprised tho.

Umorder pa sila ng another set ng korean food para sa lahat tapos umorder rin sila ng alak.

Really? May pasok pa mamaya at napaka aga pa para uminom.

"Tapos na lunch, balik na ako sa office." Sambit ko habang akma akong tumatayo pero hinawakan ako ni Floryn at pinigilan.

"Baliw andito naman si Ma'am Regina kaya excempted na tayo nyan matic! Binilhan pa nga tayo ng alak oh." Pagtingin ko kay Regina nakatingin rin sya sa pagkakahawak ni Floryn sa'kin kaya agad kong tinanggal 'yung kamay ni Floryn sa braso ko at umupo.

Hindi ako iinom. Papanoorin ko nalang sila at isa pa may misyon pa kami ni Brian na kailangan kong i-prioritize bukod sa trabaho ko.

"Kung gusto nyang umalis, hayaan nyo. She's really that stubborn." Mataray na sabi ni Regina samin kaya tinarayan ko sya.

Napansin naman ni Era na tinarayan ko si Regina gamit ang mata ko kaya sumabat sya. "How dare you to roll your eyes on my---"

"Stop it Era." Agad na nanahimik si Era nang magsalita si Regina sa malamig nyang boses.

Maski ako natakot rin sakanya kahit hindi naman ako 'yung sinabihan nya.

Nakikita ko si Regina na gusto akong tawagin dahil sa shape ng bibig nya pero pinipigilan nya 'yung sarili nya sa paraan ng pag-inom ng alak na inorder nila.

"Dahan-dahan lang Ma'am Regina." Biro ni Floryn sakanya. "Don't tell Regina what to do." Sabay ikot ng mata ni Era kay Floryn.

Namumuro na 'tong Era na 'to sa'kin. Pasalamat sya one of the biggest investor sya ng company ni Regina kaya di ko sya mapatulan.

Isa pa, masakit pa 'yung sabunot sa'kin ni Xandra at wala akong balak dagdagan 'to.

Nilalandi ni Era ngayon si Regina sa harapan ko, hindi ko alam kung para mang-asar o sadyang malandi na talaga sya.

Napansin siguro ni Floryn na uncomfortable ako around them kaya nagsalita sya, "Narda tara labas tayo?"

Partida pa 'yan kaharap nya boss namin ah. "Ha? San naman tayo pupun---" sinipa nya ako sa ibaba ng table namin kaya napa oo nalang ako agad sakanya kahit di ko alam kung saan kami pupunta.

Nang tumayo kami biglang nagsalita si Regina. "You both can't go. It's work hours." Ngayon magsasabi sya ng ganyan eh imbis na nasa work nga kami ngayon nasa labas kami, kumakain at umiinom.

Hindi pinansin ni Floryn 'yung sinabi ni Regina samin at patuloy lang akong tinutulak palabas ng table.

"I said you both can't go!" Sumigaw na si Regina dahilan para tumigil 'yung ingay ng mga kasama naming katrabaho na kumakain dito ngayon.

Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon