Chapter 23 - Engagement Party For Who?

399 26 28
                                    

"SI BRIAN ROBLES."






























"AW MAN HE'S LUCKY!" Sambit nya with action pa 'yan ah. "At bakit?" Tanong ko. "Syempre kasi nagustuhan mo sya?" San na ba patungo 'tonv conversation namin? Medyo na a-awkward na ako. Mabuti na sigurong umalis na muna ako dito. "Alis na ako Lor, marami pa akong kailangang tapusin sa office." Sambit ko tapos tumayo na ako. "Teka hatid na kita." Sabay kaming bumalik sa work since hindi ko naman alam 'tong lugar na 'to tsaka wala sa'kin 'yung bag ko. Thankful talaga ako kay Lor dahil nandyan sya for me kanina, ngayon and sana sa future din.

Pagpasok ko ng office ko nandon si Regina nakaupo sa sofa. "Narda." Pagkakita nya sa'kin tumayo kaagad sya tapos niyakap nya ako.

Di mo na ako madadala sa ganyan miss-ma'am, ayoko na talaga sa'yo.

Tinulak ko sya papalayo sa'kin dahilan para matigil 'yung yakap nya sa'kin. She looks shocked.

"What the hell?"

"Let's keep things professional between us, ma'am." Sambit ko pero deep inside nasasaktan ako.

Baka kasi may kailangan nanaman sya sa'kin kaya ganito sya.

Naaalala lang naman nya ako kapag may kailangan sya.

"Ako na nga 'yung nag approach sa'yo tapos aayaw ka pa? Edi okay." Lumabas sya ng office ko ng galit at nakita rin 'yun ni Lor then tumingin sa'kin si Lor tapos nag thumbs up na parang nagtatanong so nag thumbs up rin ako ng nakangiti.

Bumalik ulit ako sa trabaho pero pumasok naman si Lor after a few minutes.

"Be my date." Gago ang straight forward nya naman?

"H-ha?! Hoy Floryn umayos ka ah mag-kaibigan lang tayo."

"No no! What i mean is, be my date sa upcoming party." Ay assumera ng taon talaga Narda!

"Ahhh, eh anong benefits makukuha ko dyan? Di naman ako mahilig sa ganyan."

"Makikilala mo kung sino talaga ako, so ano? Payag ka na?" Nakangiti sya habang naka thumbs up 'yung dalawa nyang kamay sa'kin so tumango ako at nag thumbs up ulit.

"Oo na pero pag di ko talaga nalaman kung sino ka ha." Nag chuckle sya at umiling-iling pa habang lumalabas sya ng office ko.

Feeling ko rin kasi interesting 'yung buhay nya eh, ni hindi nya nga makwento sa'kin o masabi kung anong name ng kapatid nya, kung mas bata ba sakanya o mas matanda.

Baka katulad lang rin sya ni Regina na may daddy issues.

Ano kaya susuotin ko dun? Di nya pala nasabi kung anong kailangang suotin dun.

Tatayo sana ako para puntahan si Lor at tanungin kung anong theme nung party para makahanap na kaagad ako ng bibilhan ng gown pero biglang pumasok si Regina ng office ko kaya napaupo ako ulit.

"You're going with me to a party."

"Hindi ako pwede."

"Wala akong pake."

" I'll wait you there. I'll send you the address and the party is tomorrow. It's an engagement party so don't be late. I'll tell you the plan tomorrow when you're there." Umalis sya kaagad at hindi na ako hinayaan pang magsalita.

Hindi ko sya sisiputin dahil ayokong kung ano pang isipin ng mga tao dun. Hindi rin naman 'yun business party or what. Engagement party 'yun kaya kay Lor nalang ako sasama. Di ko alam kung anong theme at kelan pero atleast nararamdaman kong mag-eenjoy ako.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now