Chapter 35 - Karaoke Night

435 24 24
                                    

"NANAMAN? KALALABAS KO LANG NG KWARTO. WHAT ARE YOU SAYING?"














































JINO-JOKE TIME NANAMAN ako nito kaya nag sarcastic laugh ako sakanya. "Haha very funny." Pero pagtingin ko ulit sakanya mukha syang confuse na ewan sa sinasabi ko kaya naging seryoso ako. "Seryoso ba?" Tanong ko ulit tapos tumango sya sa'kin dahan-dahan at awkwardly sabay kamot ng ulo nya. Inoff ko muna 'yung stove tapos nilipat ko sa ibang place 'yung pan para hindi masunog tapos pinaupo ko si Flo sa may upuan dito then kinausap ko sya. "Eh sino 'yun?" Tanong ko.

She chuckled awkwardly na halatang may takot rin. "Anong sino 'yun? Nako Narda wag mo'kong tinatakot ah." Pagbanta nya pa sa'kin habang tumitingin sya sa paligid.

"Hindi ikaw si Flo!" Sinakal ko sya tapos tina-tap nya 'yung kamay ko at pilit nyang nilalayo.

"Ahhkk! G-gaga ka a-ako 'to!"

"Patunayan mo!" Sigaw ko.

"Remember nung pumunta tayo sa bahay ampunan? The kids liked you and we bought jollibee for them and---"

"Okay stop stop! Okay na!" Binitawan ko sya sa pagkakasakal ko tapos huminga sya ng malalim.

"Tarantado ka Narda! What were you thinking?! Are you crazy?!" Galit nyang sabi habang nakahawak sya sa leeg nya at hinahabol ang hininga nya.

"Sorry, akala ko kasi..."

"What is really happening?!" Tanong nya ulit sa'kin.

"Bakit ang ingay nyo?!" Tanong ni Regina na nag show up bigla rin.

Hindi ako nagsalita at bumalik ako sa pagluluto.

Nang masalin ko na ang chicken nuggets sa plate, bumalik ako sa inuupuan ko kanina na ngayo'y nakaupo na rin si Regina sa tabi ng inuupuan ko kanina.

Kaharap ko pa rin si Flo.

Sinerve ko sakanila 'yung chicken nuggets kaya nakinig si Regina sa'kin habang kumakain sya.

"Kanina kasi..." Kinuwento ko 'yung buong nangyari kanina tapos parehas silang nagulat pero si Flo lang 'yung natatakot. Si Regina nagulat lang sya pero kumakain pa rin.

Grabe talaga oo.

"Look Narda tumatayo balahibo ko omg omg!" Takot na reaction at sabi ni Flo na medyo natatawa kami parehas ni Regina kaya nagkunwari kami parehas na inuubo.

"So i have a dopplëganger?" Tanong nya. "Hindi ko alam kung ano o sino 'yun pero kailangan siguro natin maglagay ng security rito, agree ka ba Reg?" Napatingin si Regina samin na seryosong kumakain ng chicken nuggets nya pagkatapos naming tumawa.

"Agree naman ako but kung someone 'to or same person dun sa bumagsak kanina na something, bakit hindi natin hayaan si Darna ang humuli sakanya? Total stalker ko naman sya." Aba ang feeling ah! Di mo lang alam gusto mo laging nasa tabi mo si Darna.

"Oo pero kakayanin ba ni Darna 'yun eh what if mag show up 'yung dalawang person tapos malito si Darna? Tapos mamaya masaktan nya 'yung maling tao?" Rebat ko kay Regina.

"Well, it's already her problem. Sya naman kasi nagdadala ng mga villains na 'yan dito. Kung wala sya dito, walang extraordinary things na nangyayari dito." Totoo naman pero can't she just thank me for saving her life multiple times? I mean, sa Darna form ko?

"Bakit, Darna is great naman ah?" Pagsali ni Flo sa usapan namin kaya inapiran ko sya. "That's what i'm talking about!" Napa english na rin ako habang inaapiran ko sya tapos laki ng ngiti ni Flo ngayon.

Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon