Chapter 12 - Bar

373 28 54
                                    

"I'M GETTING MARRIED NARDA."






















I JUST LOOKED AT HER shocked. Hindi ko alam kung anong i r-react o sasabihin ko sakanya ngayon. She tried to kiss me for two fucking times tapos anong sasabihin nya? Ikakasal na sya? Ano gagawin nya rin akong kabit kung anong gustong gawin sa'kin ni Noah? Hindi naman ako pinalaki ng lola at mga magulang ko para maging kabit lang 'noh! Isa pa, mataas ang pangarap ko para sa sarili ko. Hindi ko hahayaan na maging kabit lang ako kahit si Regina pa 'yan na perfect!

Pero ang pinagtataka ko, kanino naman sya ikakasal? Kay Era ba? Teka hindi ba homophobic tatay ni Regina para ikasal sya kay Era?

Kaya ba lagi silang nagkikita?

Fuck yung sinabi ng tatay nya!

That makes sense!

Kaya pala ika 'yun at pinutol ni Regina dahil ang complete words ay ikakasal!

Tangina how can i be that stupid para hindi mapansin?!

"N-narda? Are you okay?" Utal nyang tanong sa'kin. Miss-ma'am mukha ba akong okay?! Hindi nga ako makapag salita sa sinabi mo tapos tatanungin mo ako kung okay lang ako?! Malamang hindi!

"Okay lang ako, bakit naman hindi?" Oo nga, ba't naman ako masasaktan sa sinabi nya?

"Next time wag ka nalang magbibigay ng mix signals ha?" Sambit ko sabay tayo at pasok sa kwarto ko at ni-lock at sinarado ko na rin.

Disappointed ako kasi muntik na ako maging kabit.

Ayoko muna makarinig ng explanations nya o maski boses nya ayaw ko marinig.

Ayaw ko na rin muna sya makita pero malabo dahil maliit lang 'tong island na 'to at kami lang ang nandito.

Isa pa, san naman ako pupunta dito para lumayo at wag muna sya makita until ready na ulit ako makita sya?

Sya lang rin naman nakakakabisado dito sa lugar na 'to dahil sakanya 'to.

Kanina pa ako paikot-ikot at palakad-lakad sa buong kwarto na 'to. Baka nga magsalita na yung kama na nahihilo na sya sa'kin eh.

Bakit ba kasi ako pumayag na sumama dito? Ine-expect ko ba na may mangyayari? Kung meron man ano naman yung mangyayari na 'yun?

Tangina punong-puno na yung utak ko ng mga unwanted thoughts, di naman importante ino-overthink ko pa.

"Narda? Are you still awake?" What the hell? Nasa labas pa rin sya?

Ay no Narda baka mamaya bumalik lang sya dun, wag mo na paasahin sarili mo.

"Narda?" Tawag nya ulit sa'kin. Ayoko sya sagutin pero since sya naman ang key para makaalis ako dito sa island nya kakausapin ko na rin.

"Yes ma'am?" Sagot ko. "I told you not to call me ma'am." Inis nyang sabi pero kalmado pa rin yung boses nya.

"I'm sorry Narda for giving you mix signals." Lumapit ako sa pinto tapos sumandal ako habang sya nasa kabilang side ng pinto nagsasalita.

"I didn't know you like me also." Ano?! Napaka feelingera naman talaga! Disappointed lang ako dahil akala ko tutuklawin nya na ako!

"Ano?! Hindi 'noh! Wag ka ngang assuming! Hindi naman 'yun ibig kong sabihin eh!" Galit kong sabi sakanya.

"Then what do you mean by that pala?"

"Ibig kong sabihin dun wag ka bigay nang bigay ng mix signals kasi ayoko maging kabit at isa pa, straight ako." Walang sense yung sinabi ko pero sana mapaniwala ko sya.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now