PROLOGUE

10.5K 194 6
                                    


Halos magkandadapa-dapa na si AC habang tumatakbo palayo sa malaking orphanage kung saan siya lumaki at namulat sa impyernong mundo. Hindi niya na kaya magtiis pa na roon tumira para lang may bubong na matutulugan at may pagkain na makakain sa araw-araw.

Ilang taon na siyang nagtitiis mabugbog at maging utusan doon at hindi na niya kaya pa lalo na't nalaman niya kung anong ginagawa ng mga nag-aalaga sa kanila. Hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng mga kasamaan na nangyayari sa orphanage pero nalaman niya at siya mismo ang nakarinig sa pag-uusap ni Madam Felicia— ang babaeng nagbabantay sa kanila — at ng kausap nitong lalaki na may ibebentang dalawang babae sa black market at ang tatlo ay naibili na.

Hindi siya tanga para hindi malaman ang black market. Hindi man siya nakapag-aral sa eskwelahan pero halos lahat ng libro na pinapadala sa orphanage at dino-donate ay nabasa niya na. Para sa ibang tao ay swerte sila dahil maayos ang orphanage na tinitirhan nila pero hindi alam ng iba na may kasamaan na na ginagawa sa loob na 'yon.

Takbo lang siya ng takbo at tangin nasa harapan lang siya nakatingin. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang makalabas siya ng maayos nang hindi nahuhuli. Madilim ang daan at umuulan pa, hindi masiyado malakas ang ulan pero malakas naman ang hangin.

Napatigil siya sa pagtakbo at dahan-dahang naglakad dahil nakaramdam ng panghihina. Nailingon niya ang tingin nang may makitang van na dadaan. Hindi iyon pamilyar sa kaniya kaya agad siyang kumaway para humingi ng tulong. Hinintuan siya ng van at may isang lalaki na lumabas doon.

"Anong ginagawa mo sa gitna ng daan? Umuulan ha," ani nito sa kaniya. Hindi siya kaagad nakapagsalita nang makitang may lumabas na isa pang lalaki. Nanlaki ang mata niya at agad nang kumaripas ng takbo nang makita ito ang lalaking kausap ni Madam Felicia.

"Habulin niyo! Siya ang ibebenta sa black market bukas!" sigaw nito na nakaabot sa tainga niya. Bumuhos ang luha niya nang maramdaman na hinahabol na siya ng mga ito. Napadaing siya nang tumama pa ang paa niya sa bato, mabuti na lang ay hindi siya nadapa. Pero dahil nanghihina na nga siya at pagod ay bumagal ang takbo niya at nahablot siya ng isang lalaki.

"Ahhh! Bitawan niyo ako!" sigaw niya nang hablutin nito ang buhok niya at buhatin siya na parang sako.

"Parang awa niyo na! gusto ko ng umalis, pabayaan niyo na ako!" pakiusap niya habang umiiyak. Pinasok siya ng mga ito sa van at bago pa siya makapagsalita ay may tinurok sa kaniya ang pamilyar na lalaki at doon na siya nawalan ng malay.

"Hindi ito p-pwedeng makatakas. Mahal ang benta natin sa kaniya dahil panigurado ay maraming mag aagawan sa magandang babae na 'to." Iyon na ang huli niyang narinig bago siya kainin ng dilim.

Nagising siya nang may yumugyog sa kaniya ng malakas. Bumungad sa kaniya ang galit na mukha ni Madam Felicia. Napapikit pa siya ng akma siya nitong sasaktan pero hindi nito tinuloy.

"Gusto man kitang kaladkarin, sabunutan at 'wag pakainin ay hind pu-pwede dahil mamaya ka na dadalhin sa auction. Kailangang maganda at maayos ka sa harapan ng maraming tao para pag mataas ang bid sa'yo ay mataas din ang makukuha ko, kaya umayos-ayos ka. Dito ka lang sa kwarto na ito at hindi ka makakalabas hangga't hindi dumadating ang sundo mo!" galit na bulalas nito sa kaniya. Pumasok ang isang babae na taga bigay ng pagkain sa kanila at inabutan siya ng dalawang tray ng pagkain.

Pakiramdam niya ay bibitayin na siya dahil sa masasarap na pagkain na inihain sa kaniya.

"Pagkatapos mong kumain ay maligo ka na at aayusan ka pa," dagdag pa nito bago tuluyang umalis sa loob ng kwarto. Inilibot niya ang tingin kung nasaan siya ngayon. Ngayon pa lang niya nalaman na may malaking kwarto pala sa bahay ampunan.

The Mafia Boss Instant WifeWhere stories live. Discover now