30- CLUE

4.7K 129 18
                                    







Mabilis na minaneho ni Draze ang sasakyan papunta sa hideout nila. Ayaw niya na sanang isama si Aurelia dahil ayaw niyang makita nito kung paano nila pinapahirapan ang mga dinadala nila sa basement.


Pinagbuksan sila ng mga tauhan na naka bantay sa labas. Nakasunod lang sa kaniya ang dalaga habang lumilinga linga sa paligid.


Pagpumupunta kasi ito laging nasa meeting room lang sila ng hideout, hindi niya pa ito dinadala sa basement, ngayon pa lang.


"There's a lot of scary tools at the basement, if you don't want to see it you can stay at the room," baling niya rito. Umiling ito sa kaniya at humawak sa kamay niya. Napabuntong hininga na lang siya at tumango rito.


Bumaba sila sa basement at nakita niya na si Gunner kausap ang tatlong member ng knights. Nakita niya rin si Emmet na naroroon at prenteng nakaupo habang kausap ang isang pamilyar na lalaki.


Nakatalikod ito sa gawi niya pero kilala niya na ito.


"What are you doing here Mikael?" Napalingon ito sa kaniya at tumaas ang isang kilay nang mapatingin sa katabi niya.


"Pwede bang welcome back ang ibungad mo sa'kin?" he chuckled. Napailing na lang siya nang malapitan ito. Mikael is his closest cousin, he's a general surgeon at switzerland.


"He's my cousin, Mikael," ani niya kay Aurelia nang humigpit ang hawak nito sa kaniya.


"Don't look at her like that," saway niya sa pinsan. Hindi naman masama ang tingin nito pero alam niya na may iniisip itong kalokohan sa kaniya at sa dalaga.


"What? Paano ba ako tumingin?"


"Maniac. Maniac na doctor," sabat ni Conrad na kakarating lang.


"I can't believe that we're complete here," Mikael said while smiling.


"Where is he?" tanong niya kay Gunner. Naglakad naman ito at sinundan nila. Naramdaman niyang mas dumikit sa kaniya si Aurelia marahil ay nakaramdam ito ng takot. Sa gawing kanan kasi nakahelera ang mga patalim at baril nila sa kaliwang bahagi naman ay may mga kwarto at pag tinahak ang pa-dereto ay may rehas.


Nakita niyang nakakulong sa isang rehas ang lalaki.


"Siya...siya nga," bulong ng dalaga sa kaniya. "T-tumanda lang ang itsura niya pero hindi ko makakalimutan ang mukha niya... siya ang kumuha sa akin noong bata ako," ani nito.


Hinawakan niya ang kamay nito at pinwesto ito sa likuran niya.


"How did you know my home address?" seryosong tanong niya sa lalaki. Sinenyasan niya ang isang tauhan na kunin ito at bitbitin papunta sa harapan niya.


"N-nagmamakaawa po ako... 'wag niyo ako patayin. Kailangan ko ng malaking pera para sa operasyon ng kapatid ko, nalaman ko sa kakilala kong nagta-trabaho s-sa h-halimaw na 'yon na ikaw ang target nito at ang asawa mo." Nahihirapan ito magsalita at nanginginig ang boses.


His forehead creased. He squatted down so he can see his face clearly.


"S-sabihin ko lahat... lahat ng nalalaman ko," naiiyak na sambit nito sa kanila at pinagsiklop ang kamay.


"Let's see... let's see if you can convince me not to kill you," he said while showing his blank stare. Hindi niya alam kung dapat maawa siya rito, mas nanaig lang ang galit niya sa matadang lalaki na 'to dahil sa nalaman niya sa dalaga.


"Lahat ng pictures na mayroon ako sa halimaw na 'yon ay 'yong mga pinadala ko. Matagal na akong hindi nagta-trabaho sa kaniya. Kinuha lang naman kami para dukutin ang mga batang natitipuhan niya. Hindi namin alam kung sino ang boss namin noon, may lalaking nag-uutos lang sa amin at sa palagay ko tauhan lang 'yon ng halimaw na 'yon."


The Mafia Boss Instant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon