26- STALLION

5.1K 116 11
                                    

Nagsikilos ang kaniyang mga tauhan nang mahanap kung nasaan si Romilo Mercillo. Kasalukuyan itong nasa Cavite, sa isang bahay bakasyunan.

Sumilip siya sa labas ng sasakyan at nakita niyang nagkakatutukan na ng baril ang tauhan niya at tauhan ni Romilo.

Agad siyang lumabas ng sasakyan at naglakad papunta sa harapan ng kalaban.

"Asan ang amo niyo?" tanong ni Gunner. Nakahawak ito ng baril, tanging siya lang ang walang hawak pero mayroon siyang dala.

"What's the commotion here?" Naibaling niya ang tingin sa kanan at nakitang nasa balcony ang matanda. May hawak itong tabacco at sa kabilang kamay naman ay isang alak.

Naka-topless pa ito at kitang kita ang bilugan na tiyan at mabalbon na dibdib.

"Anong ginagawa ng Knights dito sa pamamahay ko?" Kaswal na tanong nito. Tinitigan niya ito at walang bahid na gulat sa mukha ang makikita.

He already expected us to be here...

Naglakad siya hanggang sa makalapit siya ng kaunti dito. Sinundan siya ng ibang tauhan ng matanda, hindi inaalis sa kaniya ang tutok ng baril.

"Hey boys! Huwag kayong mainitin ang ulo sa mga bisita ko. Drop the guns," utos niya rito at tinanguan pa ang mga ito.

He smirked. Romilo is too chill. Mayabang din talaga ito, kahit saan mo tingnan na anggulo ay halatang halata.

"Who's the woman on the video?" deretsong tanong niya rito dahil ayaw niyang mag aksaya ng oras sa matandang ito.

"What video? Please elaborate because I don't have any idea what you are talking about, Mr. Moretti," he smiled and drink his beer.

"I don't have time for your shits Romilo." Agad niyang kinuha ang baril niya at tinutok dito. Naalarma naman ang lahat ng tauhan nito at tinutukan ulit siya ng baril.

"Woah woah woah! Don't be hot headed kid. I'm just asking because I honestly don't have any idea what you are saying. I did found out that you are finding me for some reason so I expected you to be here as soon as possible. Wala namang nakakatakas sa'yo," tawa nito.

Hindi niya alam kung totoong wala itong alam o nagsisinungaling lang ito.

"Pumunta kami sa luma niyong hideout and guess what? Someone surprise us," Conrad said and smiled creeply.

"Alam mo ba tanda? Alam na alam kong wala kang tauhan na kasing galing ko mang-hack. Puro laos naman 'yang mga galamay mo kaya sabihin mo sa akin kung sino ang may pakana noong gabing 'yon?" gigil na sambit ni Conrad.

"Didn't you said that it was our old hideout? Then now it is not mine anymore. Bakit ako ang tinatanong niyo? Matagal nang napabayaan 'yon. Someone bought it from me with a cash and I don't even know the new owner. I love money, I was focus on that one," he chuckled.

"Kung nagsisinungaling ako at gusto ko ng away ulit, eh di sana kanina pa tayo nag barilan dito. Can't you guys see? We're having a vacation break?"

Sinenyasan niya ang isang tauhan at dinala nito ang Ipad niya. Kinuha niya iyon at deretsong nilapitan ang matanda.

"Who's this. If you tell me who's this girl, I will give up my position in underground world." Pinakita niya ang larawan ng babaeng nasa video.

"S-seryoso ka ba sa sinabi mo? Ibibigay mo ba sa grupo namin ang posisyon?" Para itong sinapian ng kung ano dahil sa pinapakitang kagustuhan sa mukha.

"Who's this?" ulit niyang tanong. Pigil na pigil na siyang sapakin ang mukha nito dahil nagmukha itong manyak lalo dahil sa uri ng tingin.

Napabuga naman ito ng hangin at kinumpas ang kamay na may hawak na alak.

The Mafia Boss Instant WifeWhere stories live. Discover now