35- HOSPITAL

4.9K 126 8
                                    


Nagising siya bigla nang may marinig na papalapit. Dahan dahan niyang minulat ang mata niya at nakitang nurse iyon.

Inayos nito ang dextrose niya at may sinulat sa hawak nitong papel.

"Gising na po pala kayo ma'am. Kumusta po ang pakiramdam niyo? May masakit po ba?" magalang na tanong nito. Siya naman ay hindi makapagsalita agad dahil nag a-adjust sa liwanag ng kwarto.

"Bakit ako nandito–" Naputol niya ang sasabihin niya at napaupo bigla pero pinigilan siya ng nurse.

"Nako ma'am, huwag po kayo basta basta tumayo dahil mahihilo po kayo."

"Anong nangyari? Paano ako napunta dito? Si Draze nasaan?"

"Dinala po kayo rito ni sir Gunner–"

"Gunner!" sigaw niya nang makita ang lalaki na pumasok sa kwarto niya. Umatras naman ang nurse at yumuko para umalis doon. 

"Nasaan si Draze? Anong nangyari? naalala ko bigla akong nawalan ng malay." Napahawak siya sa ulo niya nang sumakit iyon. Mukhang nape-pwersa siya at nabigla ang gising niya.

"Calm down, okay? Draze will be allright, masiyado iyong matibay at alam kong hindi pa siya kukunin ni lord," he joked but she felt how uneasy Gunner was. 

"A-anong nangyari kay Draze? Please, sabihin mo na!" halos sumigaw siya rito dahil kinakabahan na siya ng sobra. 

Napabuga ito ng hangin bago magsalita. "The operation was successful but the doctor said it's possible for him to be comatose–"

"Nasaan siya?" Nanginginig na ang boses niya nang marinig iyon. Tumayo siya at agad na lumabas sa hospital room kahit hindi niya alam kung nasaan ang binata.

"He's on the left room," sambit ni Gunner na walang nagawa para pigilan siya.  Napahawak siya sa doorknob nang manlambot ang tuhod niya. Walang malay ang binata at maraming nakakabit. May gasa rin ito sa ulo na sigurado siyang napuruhan iyon.



"Ano bang nangyari, Gunner? Bakit siya nagkaganito?" naiiyak niyang tanong sa lalaki.

"There's a bomb in the building where you ran. Malalabas ka ni Draze pag nagpaiwan siya sa building gaya ng utos ni Rafael. Kaya ka ligtas pati na rin kami dahil nagpaiwan si Draze. Na-defuse naman ang tatlong bomba pero may bomba sa 1st floor kung nasaan si Draze at hindi nila alam kung saan nilagay ni Rafael. He commanded the sniper to shoot Rafael but still Rafael has conscious to press the detonator. Mabuti na lang ay nakatakbo si Draze palabas pero nahagip pa rin siya ng pagsabog at may tumalsik sa ulo niyang bakal."


Marahan niyang hinawakan ang kamay ng binata. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang paghagulhol.

"Ako ang may kasalanan... kung hindi ako tumakbo roon eh di sana hindi kayo sumunod..."

"Don't blame yourself, Ac. Kahit hindi ka tumakbo roon hahabulin at hahabulin pa rin namin 'yong lalaki. Wala na tayong magagawa, nangyari na ang nangyari. Kahit papaano ay walang namatay sa grupo." Tinapik siya ni Gunner sa balikat.

Tinitigan niya ang binata habang hindi pa rin binibitawan ang kamay nito.

Kung hindi lang talaga siya nag magaling habulin ang lalaki siguro hindi mangyayari kay Draze ito.

Maraming pagsisisi ang naramdaman niya.

Gusto lang naman niya makatulong pero siya pa pala ang naging pabigat.

Akala niya kaya niya na lumaban. Akala niya kaya niya na ang sarili niya. Akala niya kaya niyang matulungan ang binata pero hindi pala.


Ilang oras siyang nandoon lang sa tabi ni Draze. Dinalhan na lang siya ng panibagong damit ni Conrad pati na rin ng pagkain dahil nagagalit na ang mga ito sa kaniya.

"Eat. Kami ang malilintikan talaga pag nangayayat ka pa lalo!" inis na bulalas ni Conrad sa kaniya.

Inabot nito ang ramen sa kaniya kaya tinanggap niya na para hindi na siya nito pagalitan.

Kasama niya sa hospital room si Conrad at Mikael, si Gunner kasi ay may inaasikaso kasama si Emmet.

"Huwag kang mag-alala kasi maraming nang dinanas 'yan na aksidente. Sanay na ang katawan niyan, matibay na kung baga," ani ni Mikael.

Alam niyang pinapagaan ng mga ito ang loob niya dahil kanina pa siya iyak ng iyak at magang maga na ang mata niya.

Tahimik lang siyang kumakain pero napatigil siya nang may maalala.

"S-si Zyldian pala?" tanong niya sa dalawa.

Binaba ni Mikael ang bowl na hawak at tinignan ito.

"He's in funeral... Leo Gatchalian was head shot by the sniper. He's dead. Also the one who shot Leo and Rafael? They are also dead. Malapit pala sa pwesto nila ang bomba na sumabog."


"Ugh... Huwag na nga natin 'yan pag usapan. Sumasama ang tiyan ko sa kanila," hindi maipinta ang mukha ni Conrad habang umiiling iling.


Napalingon siya nang bumukas ang pinto at bumungad doon si Jennie. Nagtama ang paningin nila at masama siyang tiningnan nito.


"Kumusta? Naitago ba sa higher ups na sangkot kami sa nangyari?" tanong ni Conrad.

"Of course, no. They just know that Draze is taking a revenge but still they doesn't know about the knights mafia. You are all safe, si detective John na rin ang umako sa nangyaring insidente. Hindi naman siya natanggal pero nasuspend siya."

Binaba niya ang tingin nang umupo ang babae sa tabi ni Mikael at nakaharap ito sa kaniya.

"Donya Caress is the behind about the orphange that turns into selling girls. 'Yong pinanggalingan niya," turo nito sa kaniya.

Inangat niya muli ang tingin para makinig.

"Nahuli na rin lahat ng tauhan ni Donya Caress at magiging ligtas na rin ang nasa orphanage. I can't believe that they are doing that because of money. Wala silang pakialam sa ibang tao. Fame, power, money, that's all they want."


"Bobo naman 'yan si Cesar, peke lahat ng achievements lalo na sa school. I mean, hindi naman peke pero ang lahat ng nagpasa no'n ay si Rafael. Kaya pala tinatago nila lahat ng krimen dahil ginagamit pa nila si Rafael," bulalas ni Conrad.



Pinaglaruan niya ang kamay, nakikinig lang siya sa mga ito at hindi nagsasalita.

Tumayo siya at nagpaalam sa mga ito para magpahangin lang sa rooftop. Pinayagan naman siya nila Conrad dahil may nakabantay naman daw sa buong building at suot naman niya ang tracker bracelet.


Pinindot niya ang elevator at pumasok doon nang magbukas.

Pasara na ang elevator nang may humabol at nagulat siyang si Jennie iyon.

Tahimik itong pumasok at pumwesto sa gilid niya.

"Are you thinking to leave Draze now? If yes then it's a good decision. Alam mo naman siguro kung bakit nagkagano'n si Draze."

Napayuko siya at nakagat ang ibabang labi. Tama naman ang sinasabi nito sa kaniya.

"Kung aalis ka man walang pipigil sa'yo. Kung nag aalala ka sa kaligtasan mo dahil alam ng mga humahabol kay Draze na asawa ka niya ay 'wag kang mag-alala. I'll help you with that. I'll help you to migrate to a far country."

Hindi siya makapagsalita lalo na ng inabot nito ang calling card.

"Text me so I can arrange your documents and all." Nasundan na lang niya ng tingin si Jennie nang huminto ang elevator at lumabas ito. May mga pumasok naman na pasyente kaya napaatras siya.



Humigpit ang hawak niya sa calling card na 'yon.




Wala naman sa isip niya ang iwanan si Draze pero bigla siyang napaisip.

Mas makakabuti sigurong umalis na siya sa bahay ni Draze. Kahit anong gawin niya ay isa siyang pabigat sa binata.

Pinunasan niya ang luha nang may nakatakas sa mata niya. Muling tumunog ang elevator nang makarating na siya sa rooftop.











The Mafia Boss Instant WifeWhere stories live. Discover now