10- CONDITION

5.9K 152 7
                                    


Days passed and Draze started to teach her basic hand to hand combat and how she can get away if some bad men get her. Kahit papaano ay nagkakaroon siya ng confident sa sarili na kaya niya ng makawala sa mga masasamang tao pag may nangyaring masama.

Draze was helping her to fight to save herself incase of emergency. Hindi niya na mabilang kung gaano kalaki ang utang na loob niya sa binata.

Napatitig siya rito nang uminom ito ng tubig na para bang nagco-commercial ito. Napalunok siya nang bumaba ang tingin niya sa hapit na suot na tshirt nito. Bakat na bakat ang muscles nito at ang pandesal sa katawan.

Nag-init ang pisngi niya nang maalala niya ang nagawa niyang paghawak sa matigas na dibdib nito. Hindi niya rin alam kung bakit niya ginawa 'yon. Nahihiya pa rin siya pag naaalala iyon.

Nasa isang private gym sila ngayon dahil dito siya tinuturuan ni Draze. Nag water break lang sila kaya makakapahinga siya ng limang minuto. Sa totoo lang ay ang sakit na talaga ng katawan niya dahil tatlong araw na siya nitong tinuturuan at sa isang araw ay magaganap na ang party.

Nabaling niya ang tingin sa may bag niya kung saan nakapatong ang cellphone niya. Nakita niyang si Zyldian ang tumatawag kaya sinagot niya iyon.

"Hello?"

"AC! Tapos ka na sa assignment mo?" tanong nito sa kaniya. Napatingin siya kay Draze nang lumapit ito sa gawi niya. Nakaupo siya sad ulo ng boxing ring. Nakatingin ito sa kaniya kaya nailang siya.

"Oo, ikaw ba? Nagawa ko na 'yong dalawa agad."

"Starting next week mag-uniform na raw tayo ah. Nakakainis lang biglaan ang pagkakaroon ng uniform. Ngayon lang 'to nangyari, kahit na free lang ang mga sets nakakainis pa rin." Natahimik siya saglit dahil ang pagkakaroon ng uniform ay parang natupad na pangarap niya. Gusto niya talagang maranasan ang magkaroon ng uniform at masusuot sa loob ng paaralan.

Nagulat talaga siya nang mag-announce ang school na kailangan na mag-uniform at free lang ibibigay ng school. Halos lahat ay nagreklamo pero wala rin nagawa. Bali ang ginawa na lang ng school ay Wednesday at Friday ay pwedeng mag-civillian.

"Masaya akong may uniform! Okay lang para sa akin," pagsasabi niya ng totoo rito. Nilipat niya ang tingin kay Draze nang sumenyas ito sa suot na relo.

"A-ay gano'n ba? Sa totoo lang okay lang din naman sa akin kaso medyo biglaan lang talaga," ani nito at tumawa ng mahina.

"Ah... sige na Zyldian, busy kasi ako at may ginagawa pa. Kailangan ko na patayin ang call," pagpapaalam niya rito.

"Sure... see you on Monday!"

"Sige, see you." Pinatay niya na ang tawag dahil nakasimangot na naman si Draze.

"Who's that? Your classmate?" Magkasalubong ang kilay nito kaya kinabahan siya. Masaya na siyang nakakausap niya minsan si Draze ng hindi ito nakasimangot at galit pero nalulungkot talaga siya pag mukha itong galit sa kaniya.

Ayaw niyang naiinis ito sa kaniya dahil nalulungkot talaga siya. Hangga't maaari ay ayaw niyang madisappoint ito sa kaniya dahil malaki ang utang na loob niya rito.

"Oo si Zyldian," sagot niya kaagad habang nakangiti. Tumayo na siya at lumapit sa binata. Inayos niya ang buhok niya dahil medyo magulo na iyon.

"Why you always with him? Don't you have a girl friend? Lagi mo na ata siyang kasabay sa pagkain," ani nito habang inaayos ang handwrap nito.

Napatigil naman siya dahil alam nito na lagi niyang kasabay si Zyldian.

"Paano mo nalaman? Sinabi sa'yo ng mga bodyguards ko?" tanong niya rito. "Puwede bang hindi na lang sila nakasunod lagi sa akin? Pwede namang umuwi muna sila at balikan nila ako pag tapos ng klase ko. Minsan kasi pinagtitinginan na ako dahil sa mga nakabantay sa akin," ani niya pa nang maalala iyon. Hindi niya pa kasi nakakausap si Draze tungkol doon.

"No." Bumagsak ang balikat niya dahil sa sagot nito.

"Sige na, please? Promise, hindi ako pupunta kung saan saan at hindi ako lalabas ng school nang hindi dumadating ang mga bodyguards ko. Hindi ako gagawa ng ikakainit ng ulo mo o ikakaproblema mo," ani niya pa.

"You already giving me a headache." Napakamot naman siya sa tainga niya dahil sa sinabi nito. Hindi na lang siya nagsalita at nanahimik. Nag-start ulit siya sa pag-eensayo niya. Medyo humina na ang suntok niya dahil pagod na rin naman siya dahil kanina pa silang 7pm dito, pagkatapos kasi nila mag-dinner ay deretso na kaagad sila sa gym.

"If you show me that you can stand by yourself, I might grant your wish." Nanlaki ang mata niya at napangiti kaagad dahil sa sinabi nito.

"Hindi na sa akin susunod ang mga bodyguards sa loob ng school? Hatid sundo na lang nila ako?" tanong niya pa at nilapit ang sarili sa binata para tingnan ito sa mata. Nakatitig naman ito sa kaniya ng seryoso at hinawakan ang balikat niya para paatrasin.

"Yes, but still I have conditions," kibit balikat na ani nito.

"Kahit ano basta hindi na ako sundan ng mga bodyguards pati sa loob ng school ay okay lang sa akin," desidido na sambit niya.

"Okay." Sinenyasan siya nitong mag-ready na at nang makita niyang na go signal na ito ay agad niyang sinugod ito.

"You need to pin me down," ani nito habang relax siya nitong iniiwasan at dinedepensahan ang atake niya.

Hindi niya mabasa ang mukha nito kung anong sunod na gagawin kaya inobserbahan niya ang mga galaw nito para kahit papaano ay malaman niya kung paano ito gumalaw.

Nahawakan niya ang balikat nito at malakas na tinulak pero dahil mas malakas ito sa kaniya ay hindi man lang ito natumba. Binigyan niya ito ng suntok pero naisalag nito iyon gamit ang kamay. Nagulat siya nang mahawakan nito ang kamay niya at mabilis siyang hinatak para paikutin kaya ngayon ay nasa likod niya na ito habang hindi binibitawan ang kamay niya.

Pinilit niyang makawala rito sa pamamagitan ng pag-apak ng paa dahil iyon na lang ang tanging naisip niya pero hindi man lang ito dumaing.

"Nice try," bulong nito. Nakaramdam naman siya ng inis dahil parang inaasar lang siya nito. Napatingin naman siya sa paa niya at nakaisip ng gagawin. Agad niyang pinulupot ang isang legs niya sa legs nito at malakas na hinatak 'yon.

Mukhang hindi nito inaasahan ang ginawa niya dahil bumagsak ito at dahil hawak siya nito ay bumagsak din siya sa katawan nito.

Napadaing siya dahil malakas lakas ang pagkabagsak niya pero mas nag alala siya kay Draze dahil bumagsak na nga ito, nadaganan niya pa.

"Sorry!" sigaw niya kaagad habang nakahiga pa rin sa katawan nito. Hindi siya kaagad makatayo dahil sa gulat din ng pagkakabagsak nila.

"Damn... get up," he groaned.

"T-teka lang—"

"Just get up! Do you know that you're sitting on my crotch?" iritableng ani nito. Agad siyang bumangon at umupo kaya mas lalo itong dumaing. Napaupo na rin ito at hinawakan kaagad ang siko niya para tulungan siyang tumayo.

"Pa-pasensiya na..." Sinundan niya ito nang tingin nang hinubad nito ang handwrap. Lumabas ito ng ring kaya sinundan niya rin ito.

"Papayagan mo ba ako sa gusto ko?" pagtatanong niya rito habang sinusundan pa rin ito. Ayaw niya na talaga niyang sundan pa siya ng mga nagbabantay sa kaniya hanggang sa loob ng school dahil pinagtitinginan siya araw-araw ng ibang estudyante.

"Update me every day on happenings on your school and with you." Humarap ito sa kaniya nang tuluyan nang mahubad ang handwrap. Tiningnan siya nito ng husto na parang binabasa ang reaksyon niya.

"H-huh?" wala sa sariling bulalas niya dahil hindi niya naman ito naintindihan.

"That's my condition." Unti-unting sumilay ang ngiti niya sa labi nang maintindihan na ang sinasabi nito. Mabilis siyang tumango rito para malaman nitong okay na okay sa kaniya iyon.

Mas okay ang pag-a-update kay Draze araw-araw sa nangyayari sa kaniya sa school kaysa naman sundan siya ng sundan ng mga bodyguards niya kung saan siya magpunta kahit nasa loob lang naman ng unibersidad.

"Salamat!" Hindi siya nito pinansin at deretsong pumunta sa men's comfort room kaya naman ay dali-dali niya ring kinuha ang bag niya para pumunta sa women's comfort room at doon mag-ayos at magpalit ng damit.

The Mafia Boss Instant WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora