22- PAST

5K 100 2
                                    


Kakatapos lang ng training niya sa martial arts kaya pauwi pa lang si Draze sa bahay nila.

Paniguradong wala na naman ang magulang nila dahil busy ito sa trabaho. Sanay naman siya sa ganoong set-up.

Ang ate niya rin ay busy lalo na't isa na itong detective. Masayag masaya siya dahil natupad nito ang pangarap at isa na ito sa pinakabatang naging detective sa pilipinas.

Nang makauwi siya ay napangisi siya nang makitang may bagong libro siya sa ibabaw ng desk niya.

Alam niya na ang ate niya ang bumili no'n. Mas marami pa itong alam sa kaniya kaysa sa magulang nilang busy palagi.

"Oh, nakauwi ka na pala," ani ng ate Dixie niya. Kakatapos lang nito magluto at napansin niyang nakabihis ito ng maayos.

"May trabaho ka?" kaswal na tanong niya bago umupo sa upuan at magsandok ng pagkain.

"Yes I have... 'Di ba uso ang kidnapp ngayon? May nakuha kaming impormasyon, sasama ako sa pag iimbistiga. Gabi na ha, 'wag ka ng lalabas dito ka lang," sambit nito sa kaniya.

"Tss. Di naman ako gumagala ng gabi," he mocked.

"I know, I just want to remind you my little bro." Napailing na lang siya nang mag make face ito bago sumubo ng pagkain. Sabay silang kumain ng dinner sa araw na 'yon.

Hangga't sa kaya ng kapatid niyang masabayan siya sa pagkain ay ginagawa nito. Nasanay kasi silang lagi lang sila ang dalawang magkasama bukod sa kasambahay at driver nila.

Pag may oras, ang ate niya talaga ang nagluluto ng kakainin nila.

Pagkatapos nila kumain ay nag-ayos lang ang ate niya at umalis na rin ito. Naiwan na siya sa bahay mag-isa. Wala naman siyang klase bukas kaya magpupuyat siya sa pagbabasa

He wants to be a detective too. Malaki ang respeto at paghanga niya sa kapatid niya. Ito yung tipong babae na kaya mong pabayaan dahil alam mong kaya nito ang sarili.

Madaling araw na ata siya nakatulog dahil sa pagbabasa ng documentary. Balak niya pa sanang manood ng crime film kaso dinalaw na rin siya ng antok.

Paggising niya ay hindi niya naabutan ang ate Dixie niya. Hindi niya alam kung nakauwi na ba ito at umalis lang ulit o hindi pa ito nakakauwi talaga.

"Manang, umuwi na ba si ate?" tanong niya sa isang kasambahay.

"Ay hindi pa ho sir. Nakahanda na po pala ang umagahan, pwede na po kayo kumain." Tumango na lang siya rito.

Pumunta siya sa kusina at kumain doon. Nang matapos ay liligpitin na sana niya ang pinagkainan nang makarinig ng may nabasag sa bandang sala.

Mabilis niyang nilapag ang pinagkainan niya sa lababo para tignan kung anong nabasag.

"What's that manang?" He asked while walking.

"Nahulog po ang graduation picture ni ma'am Dixie sir."

Napatingin siya sa basag na frame na nasa sahig. Kumuha naman ang kasambahay nila ng walis para linisin ang nabasag.

Kinuha niya ang picture frame na basag na at maingat na inalis doon ang graduation picture ng ate Dixie niya.

Tinabi niya muna iyon sa sala, bibili na lang siya ng picture frame para roon. Wala rin naman siyang lakad ngayong umaga. Hapon pa rin naman ang training niya sa martial arts kaya sa labas na lang siya kakain ng lunch.

Nang matapos siyang maligo at mag-ayos ay dumeretso na siya sa labas. Nag taxi na lang siya at hindi na inabala ang driver nila dahil babalik din naman siya kaagad sa bahay pagkatapos mag lunch.

The Mafia Boss Instant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon