17- DINNER

5.7K 135 11
                                    


Humarap siya sa salamin nang matapos maligo. Mag aayos kasi siya dahil sa labas sila magdi-dinner ni Draze ngayong araw. Tuwang tuwa siya nang malaman iyon dahil siyempre makakasama niya muli ang binata sa pagkain.

Mas madalas na niya ito makasama at makausap nitong mga nakaraang araw at masasabi niyang medyo hindi na siya nahihiya magsalita o kumilos sa harapan nito.

Hindi niya ba alam pero pakiramdam niya may nagbago, hindi niya lang alam kung ano iyon.
Ngumiti siya sa harapan ng salamin nang matapos magbihis. Sinuot niya ang isang magandang dress na isa sa binili rin sa kaniya ni Draze.

Sinuklay niya ang buhok niyang pinatuyo gamit ang blower. Nang okay na siya ay lumabas na siya sa kaniyang kwarto bitbit ang sling bag niya na may laman na cellphone at wallet.

Pinagbuksan siya ng bodyguard niya para makapasok sa sasakyan. Ihahatid kasi siya ng mga ito sa restaurant kung saan sila kakain ni Draze. Galing kasi sa kompanya si Draze kaya para hindi na ito mahirapan para sunduin siya sinabi niyang magpapahatid na lang siya sa mga bantay niya.

Saglit lang ang byahe dahil wala namang traffic sa dinaanan nila. Pagbaba niya ng sasakyan ay natanaw niya na si Draze sa loob ng restaurant. Glass wall kasi ang restaurant kaya naman ay kitang kita niya ang nasa loob.

Sinalubong niya ng ngiti ang binata at umupo sa harapan na upuan nito.

"I already ordered some foods but if you want to add something just tell me," ani nito sa mababang boses.

Umiling naman siya rito. Panigurado ay marami na itong inorder kaya hindi na niya kailangan pa magdagdag. Nilibot niya ang paningin sa restaurant. Sa gitna ay may wine bar, maari kang mag order ng mga alak.

Maganda ang lugar na ito. Kahit glass wall ang restaurant ay safe naman dahil bago ka makarating dito may malaking gate at pagpasok mo may dadaanan ka pang malaking garden.

"Bakit tayo lang ang customer dito?" tanong niya rito habang nililibot pa rin ang paningin.

"Of course, it's more safe and I don't want other people here."

Napatango naman siya.

"You look good on that dress."

"Ha?"

"You look good on that dress. It suits you."

Natameme naman siya at hindi talaga makapagsalita. Parang hindi nagsi-sink in ang sinabi sa kaniya ni Draze.

Nag init ang pisngi niya sa hiya dahil ngayon lang siya nito pinuri.

Napaiwas ito ng tingin at umubo pa. Inayos nito ang necktie na suot at bahagyang niluwagan.

Saktong dumating ang mga pagkain kaya hindi na siya lalo nagsalita pa. Hindi niya alam ang sasabihin niya o itutugon dito.

"You have 8am class tomorrow, right?"

Tumango siya kaagad nang tanungin siya ng binata. Marahan siyang ngumunguya ng steak at ninanamnam ang lasa no'n. Masarap kasi talaga at hindi siya magsasawa sa lasa no'n.

Nasasanay na rin siya sa mga mamahaling pagkain dahil sa binata.

"I'll drop you at your school tomorrow."

Napatingin siya rito dahil sa sinabi nito.

"Ihahatid mo ako?" pagkukumpirma niya ulit.

Draze nodded while munching his food.

"B-bakit?"

Nagsalubong ang kilay nito nang ibaling ang tingin sa kaniya.

"You look like you don't want me to drop you off at your school. Are you hiding something?"

The Mafia Boss Instant WifeWhere stories live. Discover now