18- ACTOR

5.1K 123 5
                                    


Hindi siya hinatid ni Draze sa school. Galit nga talaga ito sa kaniya. Gusto lang naman niya kasi mag ingat.

Hindi biro ang itsura nito, sigurado siyang pagkakaguluhan ang binata.

Humikab siya nang matapos ang pangatlo nilang subject. Break time muna nila ng isang oras bago ang last two subject niya.

Hindi niya kaklase si Zyldian ngayon sa pangatlong subject kaya naman ay wala siyang kasabay.

May mga iilan naman siyang nakakausap na sa mga nagiging kaklase niya kada subject pero sadiyang hindi lang siya madalas sumama sa mga ito.

Pumunta siya sa cafeteria para bumili ng corndog at isang onion rings. Sa garden kasi siya tatambay para mahangin. Hindi sobrang init kaya napagpasiyahan niya na roon tumambay ng isang oras.

Umupo siya sa bench na bakante. Sa pwesto niya ay tanaw niya ang naglalaro ng soccer sa field.

Pinicture-an niya ang pagkain niya bago tuluyang kumain. Sinend niya iyon kay Draze bilang update kahit na mainit ang ulo nito sa kaniya.

"I'll pick you up later."

Napangiti naman siya sa mensahe nito sa kaniya. Hindi na siya tatanggi pa ayaw niya sa pakiramdam ang hindi siya nito pinapansin.

Oo at sanay naman siya sa ugali ng binata pero nitong mga nakaraang araw na pinapansin siya nito madalas ay nasasanay na rin siya sa gano'ng sitwasyon.

"Watch out!" Huli na para mag-react ang katawan niya. Napapikit siya sa sakit nang tumama ang bola sa braso niya. Masakit iyon dahil malayo ang pinanggalingan.

Natulala na lang siya at napatingin sa pagkain at cellphone niyang nasa damuhan na.

Agad niyang dinampot ang cellphone at nakahinga ng maluwag nang hindi iyon nasira o nabasag man lang.

"Are you okay?" Naiangat niya ang tingin sa matangkad na lalaki. Moreno ito na may pagka-singkit.

"You have bruise. Let me accompany you to the clinic."

Hinawakan nito ang braso niya at napadaing siya kahit dumikit lang naman ang kamay nito sa nagpasa niyang braso.

"O-okay lang... ako na ang bahala," ani niya rito.

"No. I insist. Kami ang nakatama sa'yo. Pasensiya na," sambit nito. Nag-aalala ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.

Ngumiti siya rito at umiling para ipakita na okay lang siya. "Ako ang may kasalanan kasi dito ako pumwesto."

Natigilan ito sa sinabi niya at bahagyang tumawa.

"It's not your fault. Don't worry I will not bite you. I promise, I'll just accompany you to the clinic and buy you a food because your food can't be eat by now because of us then I'll go," he explained while smiling.

"Parang natatakot ka kasi sa akin," dagdag niya pa at tumawa ulit.

"H-hindi! K-kaya ko naman kasi at ayoko ng maistorbo ka pa sa laro niyo. Hindi mo naman kailangan samahan ako."

Hindi sa takot siya dito, hindi naman ito mukhang nakakatakot. Kahit hindi niya ito kilala.

"Kami ang nakaistorbo sa'yo. Huwag ka ng tumanggi para rin sa ikapapayapa ng konsensiya namin," he chuckled. Nanlaki ang mata niya nang hawakan nito ang palapulsuhan niya para hatakin siya at  binitbit na rin nito ang bag niya.

Dumeretso sila sa clinic. Ang lalaki ang nagpaliwanag sa nurse kung anong nangyari. Ginamot naman ang pasa niya at pinatungan ng cold compress.

Hindi naman sobrang laki ng pasa pero masakit talaga dahil sa lakas ng pagkakatama.

The Mafia Boss Instant WifeWhere stories live. Discover now