23- REASON

5.1K 121 3
                                    

Nakatulala si Ac sa kawalan. Ayaw kumilos ng buong katawan niya. Wala siyang gana kumain at kumilos.

Ang isipan niya ay puno ng pagsisisi. Hindi siya makapaniwalang namatay ang babeng nagligtas sa kanila noong panahon na yon.

Bakit kasi ako natakot at sinunod ang sinabi niyang tumakbo ako?

Bakit hindi ko siya tinulungan hanggang sa makasigurado akong ligtas kami pareho?

Kung hindi ko siya iniwanan siguro buhay pa siya ngayon...

Kung hindi ako natakot at nag isip ng paraan para mahuli ang mga masasamang lalaki na 'yon sana wala ng ibang biktima ngayon...


Kumawala na naman ang luha niya. Hindi niya alam kung paano haharapin si Draze.

Narinig niya na may kumatok sa pinto ng kwarto niya pero hindi niya iyon pinansin.

Hindi niya makita kung sino ang pumasok pero nang maamoy niya ang pamilyar na pabango ay agad siyang napabangon.

It was Draze holding a food tray.

"Eat. Wala ka pang kain buong araw." Nakagat niya ang ibabang labi habang nakatingin sa daladala nito.

Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa binata. Pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit namatay ang kapatid nito.


Oo, tama... kasalanan niya...

"It's not your fault." Naiangat niya ang tingin sa binata. Nakatitig ito sa kaniya ng seryoso. Umupo ito sa gilid ng kama niya at hinawakan ang kamay niya.

Dahil sa paghaplos nito sa kamay niya ay bigla na naman siyang naiyak.

"S-sorry..."

"Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan sa nangyari. I'm sorry for shouting earlier. It just that this is the first time we got information about my sister," he said in his lower voice.

Ramdam niyang pinipilit nitong kumalma.

"Don't think too much and eat. Kailangan mong kumain."

Napahikbi siya lalo nang hatakin siya nito at yakapin. She cry on his shoulder. She cried out loud. She feels sorry to Draze and to his family.


Draze caressed her hair slowly. Yumakap siya ng mahigpit sa binata at hindi siya humiwalay rito.


"What happened to my sister was the reason I entered to a mafia world and underground world," sambit nito sa mahinang boses. Napahiwalay siya rito para titigan ang mukha nito. She wants to hear his story. She wants to know more about Draze.


Hinawakan niya ang kamay ng binata habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mukha nito.


"I was 15 years old when she died. After a couple of weeks the case was closed because of lacked of information. She was abducted but when the police found her, she was in a car. Nakabangga yung kotse sa abandonadong bahay. May nakita rin sa dugo niya na droga." Naikuyom nito ang isang kamay at kita niya ang galit sa mata nito.


"They close the case! It was abduction but they filed it as a suicide and close the case immediately. I don't know what happened. Hindi nga nabalita ang nangyari sa ate ko. I don't trust police anymore that time. Hindi ko alam kung paano nagagawa ng taong pumatay sa ibang bata at sa kapatid ko na magtago ng ganito. If the kid didn't escape and we never met her? We can't find out about the dark website."

Puno ng hinanakit ang boses ng binata. Ramdam na ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito.


"I trained hard so I can find and killed that bastard. Lahat ng sangkot sa nangyari ay papatayin ko, Aurelia. That's my goal and no one can stop me," matigas na ani nito sa kaniya.


The Mafia Boss Instant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon