7- MALL

6.1K 153 6
                                    




Para siyang nabunutan ng tinik nang mapanood sa balita na nahanap na ang mga batang nawawala at nahuli na ng pulis ang mga may kagagawan no'n. Sobrang naaawa siya sa mga bata dahil naranasan na nila ang gano'ng bagay.

Iniisip niya pa lang ang mga trauma na matatamo ng mga ito ay sumasakit na ang puso niya. Nakaraan niya pa kasi nakikita ang mga balita ng pagkakasunod na mga kidnapan sa bansa.

Naranasan niya ang mamuhay sa kamay ng masasama kaya labis na naaawa siya sa mga bata. Naranasan niya na ring ma-kidnap noong 10 years old siya, alam na alam niya ang pakiramdam ng mga ito.

Pinatay niya ang tv nang makitang bumaba na si Draze. Ngayong araw kasi ay lalabas silang dalawa at pupunta sa mall para mamili ng gamit niya para sa pasukan sa Monday. Halo-halo ang emosyon niya, kinakabahan na excited dahil makakatungtong na siya sa paaralan.

"Let's go," ani sa kaniya ni Draze at nilagpasan siya kaagad para makalabas. Sinundan niya naman ito hanggang sa makasakay siya sa kotse. Tahimik siyang nakaupo at nakatingin lang sa harapan nang bigla itong nagsalita.

"Seatbelt." Umawang ang labi niya at agad tumango. Hinatak niya ang seatbelt at kinabit iyon pero medyo nahirapan pa siya dahil masikip ata sa kaniya. Naiipit sa dibdib niya ang seatbelt at hindi niya alam kung paano maadjust iyon para lumuwag.

"Damnit." Nakagat niya ang labi dahil mukhang ginalit niya pa si Draze sa sobrang tagal niya. Napapitlag naman siya nang bigla itong lumapit at inayos ang seatbelt niya at ito na mismo ang nagsuot sa kaniya no'n.

Napatingin siya sa mukha nito at mukhang ginalit niya nga dahil hindi maipinta ang mukha nito. Hindi na ito nagsalita pa at pinaandar na ang kotse. Pinagbuksan naman sila ng mga bantay hanggang sa makalabas sila.

Tanging makina ng kotse at ingay lang sa labas ang naririnig niya habang nasa byahe sila. Hindi siya sanay na silang dalawa lang ang magkasama ni Draze.

Nakarating sila ng mall at nang makapag-park ay nilibot niya ang mata niya. Kunot noo siyang lumingon-lingon dahil wala man lang siyang makitang ibang sasakyan sa parking lot ng mall. Hindi siya sigurado kung sa floor lang na ito ang walang ibang naka-park o wala talaga, pero imposible naman 'yon.

Pumasok sila sa loob at doon na talaga siya nagtaka dahil walang ibang tao pwera sa mga sales lady at staff ng mall.

"Bakit walang ibang tao?" tanong niya kay Draze. Takang-taka talaga siya dahil sabado ngayong araw at walang tao sa mall.

"I reserved the mall so we can buy without worrying." Nalaglag ang panga niya sa sinabi ng binata.

"B-buong araw? Ngayong araw?"

"Yes." Napatakip siya sa bibig niya at tiningnan ito. Nakalimutan niya saglit na sobrang yaman pala nito kaya paniguradong barya lang ang ginawang pag-reserve nito sa buong mall.

"You'll buy clothes, shoes, and school supplies. The university doesn't have a school uniform so you're free to choose what you want to wear." Napatungo naman siya dahil nakaramdam siya ng lungkot.

"Hindi talaga sila nag-u-uniform?" pagtatanong niya pa ulit. "Sayang gusto ko pa naman maranasan ang mag-uniform!" ani niya pa at tumawa ng mahina para itago ang kalungkutan niya. Gusto niyang mag-try magsuot ng uniform at pumasok sa paaralan pero kung wala talagang uniform ang university ay wala na siyang magagawa roon, sadiyang nalungkot lang talaga siya.

Ngumiti lang siya kay Draze dahil nahuli niya itong nakatingin pa rin sa kaniya. Hindi naman ito nagsalita at naglakad na lang deretso sa shop na puno ng school supplies. Namili siya ng mga kakailanganin niya lang. Kaunti lang ang binili niya pero kumuha ng sandamakmak na school supplies si Draze at nilagay iyon sa basket. Napakamot siya sa ulo nang mapuno ang tatlong basket. Pakiramdam niya ay lahat ng klase ng school supplies na hindi niya sigurado kung magagamit niya ay nakuha na.

The Mafia Boss Instant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon