15- WIFE

6K 153 21
                                    


Tumigil ang sasakyan sa labas ng isang mamahaling restaurant. Sabay silang lumabas ni Draze at agad naman siyang kumapit dito. Kailangan niyang ayusin ang pagpapanggap niya bilang asawa nito dahil maraming nakatingin sa paligid.

Pumasok sila sa loob ng restaurant at binati naman sila ng mga staff. Sinalubong din si Draze ng tatlong lalaki na may mga kasamang mga babae na sigurado siyang mga asawa ng mga ito dahil may mga edad na ang halos lahat.

"Good to see you again, Draze." Tinapik ng matandang lalaki sa balikat ang binata.

"How's business? You came with a new product again." Gumapang ang kamay ni Draze sa bewang niya kaya medyo nagulat siya pero hindi niya iyon pwedeng ipahalata.

"Always good. You know how I focused on my business, right?" he chuckled. Tumingin ito sa kaniya habang nakatawa pa rin ang mukha. "So, this is your wife?"

"Yes. This is Aurelia Celeste- Moretti, my wife." Nag-init ang pisngi niya dahil ngayon lang naman siya pinakilala mismo ni Draze sa iba na asawa siya nito.

"You're very pretty, no wonder this man fell for you," ani ng isang lalaki at sumangayon naman ang asawa nito.

"Tama! Napakagandang bata. Bata pa lang kayo pero successful na!" singit pa ng isang ginang. Naramdaman niya ang haplos ni Draze sa bewang niya kaya napatingin siya rito. Nakangiti ito sa kaniya at kahit tipid lang iyon atleast ay nakita niya itong ngumiti kahit papaano.

Lumawak lalo ang ngiti niya dahil doon. Sabay-sabay silang umupo sa pwesto nila at nagsimula na rin mag-serve ang mga waiter at waitress sa table nila. Hindi siya masiyadong nagsasalita dahil hindi naman siya maka-relate sa mga pinag-uusapan ng mga ito.

Naiintindihan niya naman pwera lang sa mga business terms na ginagamit nila. She silently eat her food while sometimes smiling and nodding when some of them got her attention.

Tumigil siya saglit nang ipagpalit ni Draze ang plato nilang may laman ng steak. Binigay nito ang hiniwa nitong steak para sa kaniya.

"Salamat," bulong niya. Kahit busy ito makipag-usap habang kumakain ay hindi siya nito pinabayaan. Naging maayos naman ang takbo ng dinner nila. Nakahinga siya ng maluwag dahil walang nagtanong tungkol sa buhay niya o kung saan siya nakilala ni Draze.

Naramdaman niya rin na totoong mabuti ang mga ito at maayos talaga ang pakikitungo sa binata.

Nang matapos ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Inabutan pa siya ng isang ginang ng regalo, sabi pa nito ay magagamit niya iyon dahil bagong kasal lang naman sila at bata pa. Hindi niya alam ang laman ng paperbag pero nagpasalamat siya sa binigay nito.

Palabas na sila ng restaurant nang may tumawag kay Draze at sa kaniya. Sabay na sabay pa iyon kaya nagulat siya.

"Draze?"

"AC?"

Nanlaki ang mata niya nang makita si Zyldian na nakatayong nakatingin sa kaniya. Nakapwesto ito sa window view na table. Katabi nito ang babaeng tumawag kay Draze at may kaharap pa ang dalawa na isang babae at isang lalaki.

"Z-zyldian?" bulalas niya. Ramdam niya ang pagtingin ni Draze sa kaniya kaya napatingin din siya rito.

"He's your guy friend?" ani ni Draze sa mahinang boses.

"Draze!" Hindi siya nakasagot dahil lumapit ang babae sa kanila pati na rin si Zyldian ay lumapit na. Napalunok siya dahil sa kaba, hindi niya alam kung paano kikilos sa harap ng mga ito.

"Jennie..." Ngumiti ang babae kay Draze. Nakita niya ang nagtatanong na mata ni Zyldian, marahil nagtataka kung sino ang kasama ko.

"You're here... Mga co-investors mo 'yong mga lumabas 'di ba? May dinner pala kayo," sambit ng babae habang patingin tingin sa kaniya.

The Mafia Boss Instant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon