8- SCHOOL

5.9K 138 10
                                    


Nagising siya ng maaga dahil sa sobrang excited. First day of school niya at hindi na siya makapaghintay na makita ang paaralan na papasukan niya.

Pakiramdam niya ay hindi pa siya 22 years old, pakiramdam niya 18 pa lang siya. Sobrang lawak ng ngiti niya at magiliw siyang kumain ng umagahan. Hindi niya nakasabay si Draze dahil hindi naman ito umuwi kagabi.

Alam niyang marami kasi itong trabaho. Pagkatapos niya mag-umagahan ay nag-ayos na siya kaagad at lumabas din para sumakay sa sasakyan. May driver at isang bodyguard siya na kasama, ang dalawa ang magiging tagabantay niya palagi at sasabay sa kaniya.

Pero alam niya rin na may nakakalat pa na ibang tauhan ni Draze kung nasaan man siya. Gusto niya sanang sabihin kay Draze na hindi niya na kailangan ng maraming bantay pero hindi na siya nag sabi pa dahil ayaw niya itong magalit sa kaniya, baka hindi pa siya palabasin nito ng bahay.

Habang nasa byahe ay padagdag ng padagdag ang excitement na nararamdaman niya. Nakatingin lang siya sa daan hanggang sa makarating sila sa malaking paaralan. Nang makapasok sila ay halos iuntog niya na ang mukha sa bintana dahil gusto niyang titigan ang kapaligiran.

Maraming estudyante na nakakaalat at ang iba naman ay parang kakarating lang. Bumaba siya ng sasakyan at hanggang sa makarating siya sa principal office ay nakasunod lang sa kaniya ang driver at bodyguard niya.


"Pwede na kayong umalis, kaya ko naman na mag-isa," nakangiting sambit niya sa dalawang bantay.

"Maghihintay po kami sa'yo ma'am hanggang sa matapos ang klase mo," sabi ng driver niya.

"Po?! E-eh, 8 hours ang klase ko ngayon... okay lang talaga ako kuya, hindi ako pupunta at lalabas ng school, promise!" tinaas niya ang kanang kamay na parang nanunumpa.

"Hindi pwede ma'am, sinusunod lang po naming ang bilin ni sir. Draze. Pumasok na po kayo sa principal office para makausap kayo ng principal. Dito lang po kami."

Napabuntong hininga siya dahil sa sinabi ng isa kaya wala na siyang nagawa kun'di kumatok sa pinto ng principal office at tiyaka pumasok dahil narinig niya ang signal nito.

Bumungad sa kaniya ang lalaking nakaupo sa swivel chair. Nakatagilid ito sa gawi niya at nakatutok ang mata sa librong binabasa.

"Magandang umaga po," bati niya. Agad naman siyang nilingon nito at kinunotan ng noo at mayamaya ay ngumisi na parang may iniisip.

"You're too beautiful, that's why..." Nangunot ang noo niya dahil sa binulong nito. Hindi lang siya sigurado kung ano ang sinasabi nito dahil medyo malayo siya rito.

Sa nakikita niya ay hindi ito mukhang matanda at hindi rin mukhang bata o kasing age ni Draze, hula niya ay nasa 30's ito. Moreno ang kulay ng balat at may dimples ito nang makita niyang ngumiti pa sa kaniya.

"This is the student handbook, printed schedule and assessment form. Do you know that this is not my work?"

"Po?"

"Giving this stuff is not my work but why I am doing this?" he clicked his tongue and shook his head before giving the book and printed papers at her. Hindi niya ito naiintindihan kaya nakakunot pa rin ang noo niya.

"A-ano pong ibig niyo sabihin?" pagtatanong pa niya. Baka kasi may magawa siyang mali dahil hindi niya ito naintindihan ng maayos. Umiling lang ito at kinumpas ang kamay na parang sinasabi na 'wag na lang pansinin ang sinabi nito.

"You're 22 years old, right?" pagtatanong nito sa kaniya. Mabilis siyang tumango rito at ngumiti.

"When is your birthday?" Kahit naguguluhan siya sa mga tanong nito ay sinago niya na lang.

"Next next month po, sir."

"5 years age gap is not that bad," bulong nito. Lumikot ang mata niya dahil nagsalita na naman ito na hindi nakaabot sa tainga niya dahil sa hina.

Napalingon siya nang may kumatok at bumukas ng pinto. Isang babaeng may edad at may suot na salamin ang bumungad sa kaniya.

"Ma'am Calinto is here to assist you to go to your first class. I hope you enjoy and learn a lot," sambit ng principal sa kaniya. Ngumiti ito sa kaniya at itinaas ang kamay para sumenyas na pwede na siyang lumabas kasama ang professor.

"Dahil irregular student ka ay iba ibang section at year ang magiging kaklase mo. Tandaan mo na kailangan maging mataas ang grades mo para sa susunod na taon ay maka-enroll ka na sa college at mapili mo ang gusto mong kurso," pagpapaliwanag nito sa kaniya. Marami pa itong pinaliwanag tungkol sa kaniya, tungkol sa mga basic rules ng paaralan at sa mga building na nadadaanan nila.

Napatigil siya nang huminto ang professor na kasama niya sa isang classroom. Kumatok ito at binuksan din naman kaagad ang pinto. May lumapit na babaeng professor sa kanila at kinausap naman ni ma'am Calinto para ipakilala siya rito na irregular student siya.

Pinapasok naman siya kaagad ng professor sa classroom. Ramdam niya ang titig ng mga estudyante sa kaniya kaya bigla siyang nakaramdam ng kaba.

Hindi na siya nagpakilala pa kaya nakahinga siya ng maluwag kahit papaano. Maraming bakanteng upuan kaya sa medyo likod siya umupo. Hindi nagturo ang professor nila ngayong umaga pero binigay nito ang syllabus at mga magiging topic naming para kung may mga gustong mag-advance study ay may idea na sila kung ano ang kailangan pag-aralan.

Naging maayos naman ang klase niya sa unang araw ng pagpasok niya. Naglakad siya palabas sa classroom nang may humawak ng balikat niya.

"Naiwan mo," ani ng lalaki sa kaniya at inabot sa kaniya ang pencil case niya. Umawang ang labi niya dahil naalala niyang nilagay niya ito sa ilalim ng table. Mabuti na lang ay nakita nito iyon.

"Salamat!" nakangiting ani niya rito. Napakamot naman ito sa batok na parang nahihiya.

"Anong pangalan mo? Irregular student ka 'di ba?" pagtatanong nito sa kaniya. Napasuklay ito sa medyo kulot na buhok.

"AC, tawagin mo na lang akong AC. Oo irreg ako, di pa kasi ako nakakapag-aral," pagsasabi niya ng totoo.

Kumunot naman ang noo nito at mayamaya ay ngumiti rin. "Ah! Galing ka sa ibang bansa 'no? hindi ka nakakuha ng diploma kaya hinahabol mo 'yong mga basic subject para makapag-college ka?" tanong nito pero tumango-tango naman. Napatango na lang din siya at hindi na pinaliwanag pa ang sitwasyon niya.

"Ako nga pala si Zyldian. Irreg student ako kasi hindi ako nakapasok ng isang semester, kaya 'yon may hinahabol din akong subject," pagkwento nito sa kaniya. Napatingin siya nang lumapit sa kaniya ang dalawang bantay niya kaya napatingin din si Zyldian sa mga ito.

"A-ah, alis na ako, kailangan ko na umuwi," paalam niya rito at nginitian ito. Kumaway siya rito at hindi na hinintay ang sasabihin nito at dali-daling sumunod sa bantay niya.

Napayuko na lang siya dahil pinagtitinginan siya ng ibang estudyante, marahil ay nagtataka kung bakit may mga bantay siya. Pakiramdam niya mas matutuon ang atensyon sa kaniya kung laging nakabantay ang mga ito sa kaniya.

Siguro kailangan niya kausapin si Draze tungkol dito.

"AC!" napatigil siya sa paglalakad at lumingon kay Zyldian na hinabol na pala siya.

"Bakit?" tanong niya rito. Inabot nito ang cellphone sa kaniya kaya nagtataka siyang tiningnan ito.

"Magkaklase naman tayo sa tatlong subject, pwede ko ba mahingi number mo? Para pag may mga activities tayo, pwede tayong magtulungan," nakangiting sambit nito sa kaniya. Bigla naman siyang napaisip dahil may punto ito.

Magiging mahirap din sa kaniya kung wala siyang magiging kaibigan sa paaralan.

Mabilis niyang binigay ang number niya rito at binalik sa lalaki ang cellphone.

"Salamat! See you tomorrow!" Ngumiti siya pabalik sa lalaki at tumango tiyaka kumaway ulit dito. Dumeretso na sila sa parking lot at nakaramdam siya ng saya nang may makipagkaibigan sa kaniya. Akala niya talaga ay wala ng kakausap sa kaniya dahil simula sa unang subject niya hanggang sa huli ay wala man lang pumansin sa kaniya.

Nahihiya kasi siyang pumasin ng iba at dahil baka hindi naman siya pansinin. Masaya siyang magkaroon ng kaibigan kahit isa lang. 

The Mafia Boss Instant WifeWhere stories live. Discover now