16- HUSBAND

5.9K 148 10
                                    


Ngumunguya siya ng chips habang sa isang kamay niya ay may nakabukas na chocolate. Ngayon lang niya naranasan na makain lahat ng cravings niya pag buwanang dalaw. Hindi siya pinapasok ni Draze at wala na rin siyang nagawa dahil wala rin siya sa mood.

Talagang malala kasi ang dysmenorrhea niya. Noon nga pagnasasaktuhan na malala ang pinapagawa sa kanila ay nilalagnat na siya dahil sa sobrang pagod kasabay pa ng masakit na puson.

Napatingin siya sa may pintuan ng kwarto niya nang bumukas iyon. Si Draze ang pumasok at may dala itong tubig na alam niyang maligamgam.

"What do you feel?" he asked. Draze sat beside her.

Hindi ito pumasok sa trabaho kaya nagtataka rin siya.

"Hindi ka ba papasok sa trabaho mo? O hindi ka man lang aalis ng bahay para pumunta ng hideout niyo?" tanong niya rito bago kumagat ng chocolate. Nagiging komportable na ata siya rito.

"Pinapaalis mo ba ako?" Napanguso na lang siya nang nahihimigan niya na naman ang pagsusungit nito.

"Nagtatanong lang!" Sinundan niya ito ng tingin habang naglalagay ng tubig sa baso. Inabot nito sa kaniya iyon kaya sinubo niya na ang chips na nasa isang kamay. Kinuha naman niya ang tubig at uminom kaagad.

"Paano mo nalaman ang mga kailangan ng babae pag merong menstruation?" Muli niyang inabot dito ang baso pabalik dahil kumakain pa siya. Natigilan naman siya nang lumapat ang hinlalaki nito sa gilid ng labi niya na parang may pinunasan doon.

"I always take care of my older sister when she has a dysmenorrhea." Napalunok siya at marahan na tumikhim. Biglang nag-init ang pisngi niya dahil sa ginawa nitong paghawak sa gilid ng labi niya. Hindi niya ine-expect iyon.

"M-may ate ka? Saan na siya?" Binalik niya ang tingin sa kinakain dahil nailang na siya rito, lalo na't katabi pa niya ito at malapit talaga sa kaniya.

"Yes. But she's far away now," he plainly said. Tumayo ito at inilagay ang baso sa side table.

"Just ask the maids or text me if you are craving for other foods. I'll just go to my office." Alam niya na ang tinutukoy nitong office ay narito rin sa bahay.

Tumango na lang siya rito at ngumiti. Medyo natutuwa talaga siya at hindi mapigilan na makaramdam ng tinatawag na kilig. Paano ba naman ay nakita niya ang ganitong side ni Draze. Alam niya naman na mabuti ito pero hindi niya alam na magaling ito sa pag-aalaga.

Gusto niya tuloy ma-meet ang ate nito dahil panigurado mabait din pati ang magulang nito. Inubos niya ang pagkain niya habang nanonood ng movie sa laptop.

Draze goes to his office at his home. It's kind a like more of library vibes than an office. Mahilig kasi siya magbasa ng kung ano-ano lalo na tungkol sa business.

Umupo siya sa swivel chair na naroroon at binuksan ang laptop niya. Napahinto naman siya sa ginagawa nang mag-ring ang cellphone niya.

Sinagot niya ang tawag nang makitang si Jennie iyon.

"Thank god, you answer my calls!" bulalas nito. Ilang beses na kasi siya nito tinatawagan simula kagabi kaso hindi niya ito masagot dahil busy siyang inaasikaso si AC dahil sa malalang dysmenorrhea nito.

"I was busy."

"Busy? Busy with your pretending wife?" she scoffed. "I can feel it. She's not your wife, Draze. What happened? Do you know how shocked I am?"

"She is, Jennie. She's my wife from now on." Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito. Hindi naman problema kung malaman ni Jennie ang totoo, alam niya naman kasi na hindi nito ipagkakalat ang sikreto na 'yon.

The Mafia Boss Instant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon