2- PERPETRATOR

6.5K 188 8
                                    

Hindi niya alam kung paano siya nakapasok at nakaakyat sa palapag ng hospital, basta't deretso lang ang pasok niya na parang isa siya sa tagabantay sa mga isa sa pasyente ngayong gabi.

Hindi siya p-pwedeng magtanong kung nasaan ang kwarto ni Mr. Moretti dahil panigurado ay papalabasin siya. Kung ang media nga ay hindi makapasok ay siya pa kaya na isang simpleng tao lang. Agad siyang napapasok sa cr ng girls nang makakita ng naglalakad na mga doctor. Ayaw niya salubungin ang mga ito dahil baka matanong pa siya.

Madaling araw na pero naglalakad pa siya rito sa hallway at pag natanong pa siya ay wala siyang masasagot.

Pumasok siya sa isang cubicle dahil naiihi na rin siya sa kaba. Napalunok pa siya ng sunod-sunod nang makarinig ng tatlong babaeng nag-uusap.

"Kumusta si Mr. Moretti? Hindi pa rin ba gising? Ikaw ang naka-assign na nurse sa kaniya 'di ba?"

"Oo, medyo nakakakaba nga dahil ang daming bantay sa labas ng VIP 403. Parang kada pasok ko kailangna ko ipakita ang I.d ko na nurse talaga ako roon."

"Gusto ko rin siya makita, hindi ko pa talaga siya nakikita ng malapitan. Sobrang gwapo ba talaga?"

"Hay nako! Totoo ang chismis! Hindi lang basta gwapo, sobra sobra pa! 'yong muscles, grabe!"

"Pupunta ako sa 4th floor sa next rounds ko para masilip man lang."

"Kung masisilip mo! Maraming bantay nga 'di ba?"

Pinagsiklop niya ang kamay niya at hinintay lang makaalis ang tatlong nurse sa loob ng comfort room bago siya tuluyang lumabas sa cubicle. Huminga siya ng malalim at dahan-dahan ang pagbukas niya ng cr, nakahinga siya ng maluwag nang walang tao sa hallway.

Mabilis siyang naglakad at tumungo sa elevator at nang makasakay ay pinindot niya ang 4th floor gaya ng narinig niya sa mga nurse kanina.

AC, siguraduhin mong hindi ka mahuhuli sa ginagawa mo!

Napapikit siya ng mariin nang bumukas muli ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na siya. Dumeretso siya at napahinto nang makitang may paliko pa roon. Dahan-dahan siyang sumilip at doon niya nakita ang tatlong bantay sa labas ng kwarto.

Sigurado na siya na roon ang kwarto ni Mr. Moretti.

Hindi niya alam kung paano makakapasok sa loob ng kwarto, kahit anong isipin niya ay wala siyang kakayahan basta basta makapasok doon.

"Pre, aalis lang ako saglit, may pinapakuya si sir Gunner."

"Sige. Sabay na ako sa'yo saglit para makapagbanyo. Ikaw muna bahala rito."

Sumilip siya muli at nakita niyang kinakausap ng dalawa ang isang lalaki. Dali-dali siyang umalis doon at nagtago sa kabilang pasilyo. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya dahil isang pagkakamaling galaw niya lang ay baka mahuli siya.

Nakita niyang nakaalis na ang dalawa at mayamaya ay halos atakihin siya sa puso nang makarinig ng tunog ng cellphone. Akala niya sakaniya iyon kaya medyo nakahinga siya ng maluwag nang makita ang kaisa-isang bantay na umalis din doon. Pumunta ito sa kabilang dulo kaya habang busy ito sa kausap ay marahan na siyang tumakbo at lumiko para makapunta sa kwarto ng lalaki.

Deretso siyang pumasok at aga na sinarado iyon. Halos manlumo siya nang makitang may mga nakakabit dito at may gasa pa ang ulo. Bagsak ang balikat niya dahil naawa siya sa kalagayan ng lalaki. Malaki ang utang na loob niya rito kaya labis talaga siyang nalulungkot at nag-aalala.

Kagat kagat niya ang labi habang unti-unti siyang lumalapit dito.

"Sana magising ka na..." Hindi niya alam kung bakit niya kinakausap ang walang malay na lalaki, parang kahit hindi siya nito naririnig ay gusto niya lang sabihin ang alam niya para kahit papaano ay hindi na siya makunsensiya.

The Mafia Boss Instant WifeWhere stories live. Discover now