13- FRIEND

5.6K 142 11
                                    

Napabuntong hininga siya dahil akala niya ay maabutan niya ang binata paggising niya pero hindi pala ito umuwi. Balak pa naman niya sana ito ipagluto ng umagahan bago siya pumasok ng paaralan. Tapos na siyang kumain at nakapag-ayos na rin siya. Kinuha niya ang bag niya para tuluyan nang lumabas ng bahay.

Pumasok siya ng sasakyan at pinaandar din naman agad ng driver niya. Tinext niya si Draze na papunta na siya ng school. Ito naman ang napagkasunduan nila, na mag-a-update siya rito sa lahat ng ginagawa at kilos niya para alam nito ang mga ganap sa school.

Mas okay naman 'yon kaysa sundan siya ng bodyguards niya sa loob ng paaralan at pag-usapan siya. Daig niya pa ang isang anak ng presidente.

Nang makapasok siya sa loob ng school ay nakahinga siya ng maluwag nang umalis na rin ang bodyguards niya. Hindi na rin ito nag-park sa loob kaya tuwang-tuwa siya na hindi na siya susundan ng mga ito.

Lumawak ang ngiti niya nang makitang marami na ang mga nakasuot ng uniform. Tumingin ulit siya sa kaniyang suot at mas lalo siyang natuwa dahil na-experience niya na mag-suot ng uniform habang nasa paaralan.

"AC!" Agad niyang nilingon ang kanang gawi at nakita niyang si Zyldian ang tumawag sa kaniya habang patakbong lumapit sa pwesto niya.

"Zyldian," salubong niya rito. "Magandang umaga," ngiting bati niya sa binata. Sabay silang naglakad patungo sa kaharap na building. Kaklase niya ito sa una, pangatlo at panghuling subject sa araw na ito.

"Nagawa mo na lahat ng assignments mo?" tanong nito sa kaniya.

"Oo, tapos ko na lahat. Ginagawa ko kasi kaagad para hindi ako magahol," sagot niya. Masasabi niyang strikto ang paaralan na 'to pagdating sa pag-aaral. May karamihan din kasi ang assignments na pinapagawa pero okay lang naman iyon sa kaniya dahil lahat ng binibigay na assignments ay siguradong naturo sa kanila ng maayos. Wala rin siyang reklamo sa mga professor sa paaralan na ito dahil talagang natututo siya dahil sa mga galing ng mga ito.

Pumasok sila sa room nila at umupo sa bandang gitna. Ibang klase kasi ang mga room dito dahil sobrang laki at ang upuan at lamesa ay isang pahaba na siguro ay bente sa isang linya ang makakaupo. Kahit saan pwede kang umupo kung walang naka-pwesto.

"Nga pala, pwede ka bang maaya sa sabado? Friday talaga ang birthday ko pero sa sabado ko gagawin 'yong party." Tiningnan siya nito ng nakangiti habang inaabangan ang sagot niya.

Natigilan naman siya kasi hindi siya sigurado kung papayagan siya ni Draze.

"Hindi ka ba papayagan ng parents mo?" tanong pa ulit nito. Napagdikit niya lalo ang labi dahil hindi niya alam kung paano sasabihin na wala naman siyang magulang. Hindi niya kasi pwedeng sabihin ang sitwasyon niya dahil masiyadong komplikado.

"Ano kasi... hindi ko pa alam kung pwede ako?" ngumiti siya ng bahagya at napakamot sa ulo niya.

"Sa sabado pa naman, may limang araw ka pa para magpaaalam, o kaya naman gusto mo ipaalam kita."

Agad siyang umiling dito. "Huwag na... ako na lang magpapaalam, ita-try ko kung papayagan ako pero hindi pa ako sure ha?" ani niya rito.

Tumango naman ito sa kaniya. Napaharap na ulit ang tingin niya dahil pumasok na ang professor nila. As usual ay nagturo ito at nagbigay ng activity.

Lumipas ang oras at natapos ang unang subject. Lumipat naman siya ng room para sa susunod na subject. Gano'n lang ang lagi niyang ginagawa sa school wala ng iba. Wala naman na siyang ibang kaibigan bukod kay Zyldian. Ewan niya ba, parang walang gustong makipagkaibigan sa kaniya.

Dumating ang lunch time ay nagkita sila ni Zyldian sa entrance ng cafeteria para sabay na kumain. Tinext niya rin si Draze na lunch time na nila. Bumagsak naman ang balikat niya dahil wala man lang itong reply ni-isa.

The Mafia Boss Instant WifeWhere stories live. Discover now