3- EXPLANATION

6.8K 164 7
                                    

Doon nga siya natulog sa hospital room nito pero sa malaking sofa siya humiga. Hindi pa nga maayos ang tulog niya dahil sa nararamdaman niyang takot at kaba. Gusto niya lang naman kasi makita ang binata at malaman ang kalagayan nito pero hindi niya naman aakalain na nandito ang lalaking 'yon.

Kinaumagahan ay dumating muli si Gunner, 'yong kaibigan ni Draze. Natatandaan niya na ito, ito 'yong lalaking nakasumbrero noong auction night sa black market, iyong sumundo at hinatid siya hanggang sa labas at makasakay ng kotse ni Draze.

Hindi niya pa alam kung anong klaseng tao ang mga ito bukod sa alam niyang mayaman si Draze at businessman.

Dumating ang doctor at chineck ang binata at mayamaya ay pwede na itong lumabas. Hindi pa siya makapagtanong at makapagsalita dahil alam niyang may nakikinig na iba. Hindi raw iyon pwedeng tanggalin sabi ni Gunner dahil malalaman na ng nakikinig sa kanila na may alam na sila.

Nang makasakay sa kotse na dala ni Gunner ay roon lang siya nakahinga ng maluwag.

"T-talaga bang okay ka na? 'di ba dapat manatili ka muna sa hospital dahil kakagising mo lang?" hindi niya mapigilang hindi mag-alala sa binata. Mukha naman itong malakas pero nabangga pa rin ito at galing sa disgrasiya.

"I already woke up 3 days ago so I'm fine," matipid na tugon nito sa kaniya.

"Paano mo nakilala ang lalaking 'yon?" tanong sa kaniya ni Gunner habang nakatutok pa rin sa daan. Napayuko naman siya at pinagsiklop ang kamay niya. Wala naman na siyang itatago dahil narinig pala ni Draze ang sinabi niya dahil gising naman talaga ito.

"Nasa rooftop ako kasi tapos na ang duty ko... Nakasanayan ko kasing tumingin lagi sa paligid at daan mula sa rooftop. Doon ko nakita kung paanong mabilis ang pagmamaneho ng sinasakyan niya at no'ng malaking truck."

"What exactly you saw? I know its a bit possible to saw the road and the cars clearly if you have a 20/20 vission, but for you to see that man is very impossible," tugon ni Gunner sa seryosong boses. Napabuntong hininga naman siya at pasimpleng tiningnan ang katabi niya, si Draze. Mukhang nakikinig lang ito sa pag-uusisa sa kaniya ni Gunner.

"M-mayroon akong kondisyon sa mata, malinaw sa paningin ko ang mga detalye kahit malalayo. Nakikita ko ang mga detalye na hindi napapansin ng tao kahit 20/20 pa ang vision nila. Nalaman ko lang no'ng 12 years old ako dahil may bumisitang mga doctor sa a-ampunan," mahinang sambit niya.

"I don't care about your eye condition, can you just explain what you saw and how come you suspect that fucking man?" iritableng tanong ng katabi niya.

Napagdikit niya ang labi niya dahil sa kaba. Malaki ang utang na loob niya rito kaya hindi siya p-pwedeng magreklamo. Isa pa siya din naman kasi ang may kasalanan kung bakit siya nadamay sa gulo nito at ngayon ay nasa panganib na rin ang buhay niya.

"Nakita ko kasi siyang nakatanaw nang mabangga ng truck ang sasakyan mo. Nakita ko rin kung paano siya ngumiti nang mas banggain pa ng truck ang sasakyan kaya sigurado akong hindi aksidente 'yon dahil mukhang sinadiya talaga ng driver ng truck."

"Of course, and now he's dead too," mariin na tugon nito.

"Iyong lalaki... may nakakabit na camera sa suot niyang salamin," sambit niya agad nang maalala iyon.

"They will know now your face," ani ni Gunner kaya napatingin siya rito. "You'll be really in danger once you go out without him by your side," dagdag pa nito at mabilis na tumingin sa kaniya gamit ang salamin sa harap.

"S-sino ba kayo? Sila? Bakit gusto ka nilang patayin?" lakas loob na tanong niya sa katabi niyang seryoso ang mukha na parang malalim ang iniisip. Napalunok siya nang lumingon ito sa kaniya at titigan siya.

The Mafia Boss Instant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon