11- PARTY

6.1K 149 13
                                    

Tiningnan niya ang kabuuan ng sarili sa malaking salamin. Napaka-elegante niyang tingnan sa suot niya ngayon. Kagabi pa lang ay talagang kinakabahan na siya sa mangyayari ngayon pero pilit niyang tinatatagan ang loob niya.

Gusto niyang makatulong kila Draze kahit sa simpleng bagay lang. Oo, sa totoo lang simpleng bagay lang itong gagawin niya kaysa sa nagawa ni Draze at ng grupo nito sa kaniya. Utang niya na ang buhay niya sa binata dahil kung hindi siya nito niligtas noon ay nabubulok na siya siguro sa masamang tao na nakabili sa kaniya.

Mas gusto niya pang maging isa sa grupo ng binata kung ang layunin naman ay puro kabutihan. Mas gusto niyang madungisan ang kamay para sa hustisiya kaysa mapunta siya sa masasamang tao na bababuyin at aalilain lang siya.

Nakarinig siya ng katok at mayamaya ay bumukas din ang pinto at nakita niya si Draze. Simple lang ang suot nito, naka-all black ito at may mga armas na nakakabit sa katawan. Baril at kutsilyo ang mayroon siya sa ilalim ng dress na suot.

"Let's go. Don't forget your I.D." Tumango siya rito at chineck niya sa pouch niya ang pekeng I.D na gagamitin niya mamaya.

Lumabas sila ng bahay at sumakay sa van na gagamitin. Tahimik lang siya sa byahe at paayos-ayos ng damit niya, hindi dahil naco-concious siya sa itsura kun'di dahil kinakabahan siya.

Kaya ko 'to... Hindi ako mapapahamak dahil nakabantay lang sila sa akin... lalo na si Draze, hindi niya ako pababayaan...

Huminga siya ng malalim at pinagsiklop ang kaniyang kamay, medyo nanginginig kasi iyon.

"Do you want to back out?" Napatingin siya kay Draze dahil sa sinabi nito. Inaayos nito ang baril na dala at doon din nakapokus ang tingin nito.

"H-hindi! Kaya ko naman," ani niya at tumawa pa ng mahina para maitago ang kabang nararamdaman niya. Napalunok siya nang lumingon ito sa kaniya. He's in usual emotionless face but suddenly she want to hold Draze hands. Gusto niyang kumuha ng lakas dito at maramdaman ito na nakabantay lang talaga ito sa kaniya.

Pero hindi niya magawa dahil may hiya pa rin naman siya sa binata. Napapitlag siya sa gulat nang hawakan nito ang kamay niya. May sinuot itong singsing sa kaliwang kamay niya kaya napatingin siya roon.

"Tap the diamond if you sense something danger. I'll come and save you no matter what happen, so trust me, us, I'll not let you die," he said in his serious tone. Para namang may kumalabog sa kaniyang puso sa mga sinabi nito. Napabuga siya ng hangin at napatango sa sarili. Kakayanin niya ito at magagawa niya dahil maraming tao ang nakabantay sa kaniya.

Hindi niya napansin na nakahawak na pala siya sa kamay ni Draze kanina pa, kung hindi pa huminto ang van at kailangan niya ng bumaba ay hindi niya malalaman. Hindi naman kasi ito nagreklamo na mahigpit na siyang nakahawak sa kamay nito.

May sarili na atang utak ang katawan niya.

Nahihiya niya iyong tinanggal at hindi na tiningnan pa ang mukha ni Draze nang pagbuksan na siya ni Gunner.

"You'll be transfer at that van. 'Yong naka-dress na violet ang spy at kabilang sa atin kaya sa kaniya ka lang tumabi at sumama," ani nito sa kaniya. Nakita niya naman ang babaeng nakatayo sa van at nakatingin sa kanila. Tinapik siya sa balikat ni Gunner at sinenyasan na na pumunta sa babae. Napatingin pa siya sa paligid dahil wala masiyadong establishment sa lugar at wala ring cctv.

"Huwag kang magsasalita ng kung ano at gayahin mo lang ang gagawin ng mga babae para hindi ka mapahamak," sambit sa kaniya ng babaeng naka-violet dress. "By the way I'm Riley, nice to meet you, Draze wife," dagdag pa nito at ngumisi.

Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan. Napatingin siya sa mukha nito at mas lalo niyang nakita ang kagandahan nito sa malapitan lalo na dahil may ilaw na nasa loob ng sasakyan.

The Mafia Boss Instant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon