9- CONFUSE

5.9K 156 21
                                    


Kunot noo niyang sinagot ang tawag ni Emmet dahil kanina pa siya nito tinatawagan pero hindi niya lang nasagot agad dahil nasa kalagitnaan siya ng importanteng meeting.

"What?" iritable niyang bungad dito.

"Why didn't you answer my calls? Busy?"

"Obviously, I am working. What do you need?" tanong niya agad dito. Pumasok siya sa kaniyang opisina at umupo sa swivel chair.

Ni-loudspeaker niya ang cellphone niya at nilapag iyon sa desk. Pinagpatuloy niya ang mga ginagawa kanina pa.

"Your wife is so beautiful. Kaya pala hindi mo matiis at nagpagawa ka pa ng uniform ng school ko 'no?" tumawa ito ng malakas.

"Shut up. Can't you see I am helping your school to have a uniform like other university." Mas nag-isang linya ang labi niya nang tumawa pa ito lalo dahil sa sinabi niya.

"Dude! Most of students in my school doesn't like to wear uniform because they can ramp their own fashion! Sabihin mo na lang na binayaran mo ako ng malaki at nag-invest ka pa sa school ko para matupad ang request ng asawa mo!"

"Do you want me to spread the news that Emmat Luz, the principal of Elite University is well known for being the top assassin?" he mocked. Napatigil ito sa pagtawa kaya napangisi siya.

"Hindi ka talaga nagpapatalo sa lahat ng bagay," pinatunog nito ang dila. Naiimagine niya na ang pag-iling nito sa kaniya. "Mas matanda ako ng tatlong taon sa'yo pero ako yung napapasunod mo?" dagdag pa nito.

"Because I am your boss," he simply said.

"Bakit hindi mo na lang pala sabihin sa lahat na hindi mo siya asawa? I mean, sa underground lang naman nakakalat na may asawa ka na. 'Di ba mas mapapahamak siya kung nasa tabi ka niya?"

Napatigil siya sa pagpipirma ng mga documents.

"No. Mas mapapahamak siya kung bigla kong sasabihin na naghiwalay na kami at hindi ko na siya asawa. Sigurado akong mas pupuntiryahin pa siya ng mga kalaban."

"Bakit mo kasi nasabing asawa mo siya?" Napapikit siya at napabuntong hininga. Noong oras na 'yon, hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil bigla nalang ito sumulpot sa hospital room.

Kung hindi niya ito pinakilalang asawa ay baka mas mapahamak pa ito dahil iisipin ng iba na may alam na ito kung sino sila. He mean it but somehow, he is asking himself why did he blurt out the wife word. Marahil ay hindi na siya nakapag-isip kung ano ang dapat sabihin lalo na't naroroon ang lalaking inaabangan nila kumilos at magpakita.

"You are asking way too much. I'm busy, goodbye."

"Hey! Hey!"

Hindi niya na ito pinansin pa at tuluyan nang pinatay ang tawag. Napatingin naman siya sa sinend na message nito at halos magsalubong ang kilay niya nang makita niya ang larawan ni AC, nakangiti ito habang kausap ang isang lalaki.

Mas lalong lumukot ang mukha niya dahil sa mensahe pa ni Emmat.

'They look good together. Mukhang magka-edad lang sila hindi katulad mo matanda na!'

Napailing na lang siya dahil sa kakulitan ni Emmat. Alam niyang gusto siya nitong asarin dahil si Conrad at Emmat lang naman ang laging nang bu-buwisit sa loob ng grupo niya.

"The fuck are you saying?!" inis na bungad niya rito nang sagutin nito ang tawag niya. Tinawagan niya ito dahil naiinis siya sa kakulitan nito. "Don't bother to send me a pictures of her with men. She's not my real wife, it doesn't affect me," he added.

"Oh damnit. Did you just call to say that to my face? Interesting... really inter—"

Pinatay niya ang tawag at tinuon niya na lang ang sarili sa ginagawa. Tatlong minuto pa lang ang nakalipas ay agad niya ng binitawan ang ballpen at napatayo. Agad niyang pinatay ang pc niya sa opisina at kinuha ang coat at bag niya para umalis na.

The Mafia Boss Instant WifeWhere stories live. Discover now