38- OFFICIAL

5.6K 129 11
                                    

Tahimik siyang nakaupo sa passenger seat at nakatanaw sa may daan. Malapit lapit na rin naman sila makarating sa bahay.

Napalunok siya nang dumapo muli ang palad ni Draze sa hita niya. Nakasuot lang siya ng shorts kaya ramdam niya ang init ng kamay nito.

Marahan nitong hinaplos iyon habang hindi inaalis ang tingin sa daan.

Hinawakan niya naman iyon at pilit tinatanggal pero tumawa lang ang binata.

"What?" he chuckled. Napanguso siya dahil kanina pa siya nito inaasar.

"Kanina mo pa ako inaasar eh!" ani niya.

"You can still feel my tongue?"

"Draze!" sita niya rito. Sobrang init na ng pisngi niya. Kahapon pa naman nangyari iyon pero ramdam niya pa rin.

"Wife... don't be shy. That was the best breakfast in my entire life."

Hinampas niya ang kamay nito at tinalukbong ang jacket na nasa gilid niya para matakpan ang mukha niya.

Hindi na naman siya nito tinigilan hanggang sa makarating siya sa bahay. Binati sila ng mga tauhan at nang makapasok sa loob ng bahay ay nakita niya sila Dynna at Gabo na nakaabang.

"Welcome back madam!" sigaw nila at tinuro ang dining table. Naglakad naman siya para makita iyon ng husto at halos malula siya sa dami ng pagkain.

"Mukhang masarap! Thank you Dynna at Gabo," ani niya rito at niyakap ang dalawa.

"Omg, omg! Madam! Mabuti na lang talaga bumalik ka. Kung kaibigan lang talaga kita ay sinabunutan na kita dahil sa paglayas mo," maarteng bulalas ni Gabo sa kaniya.

Humiwalay naman siya sa dalawa.

"Bakit? Kaibigan niyo naman ako ha?"

"Ay talaga? Oh sige sabunutan mo na Gabo!" ani ni Dynna.

"Nakatingin si sir! Baka mabugbog ako, pag 'yon nangyari? Ako sasabunot sa'yo!" litanya ni Gabo at pinanlakihan ng mata si Dynna.

Napalingon naman siya kay Draze at nailing na lang sa dalawa.

"Sige na mag-aayos lang ako ng gamit saglit."

Nagpaalam siya sa dalawa. Sabay silang umakyat ni Draze sa kwarto niya at binagsak niya naman ang katawan sa kama.

"Na-miss ko rito." Natulala siya sa kisame at napangiti. Masaya siyang nakauwi na.

"I really thought you don't want to comeback here." Tumabi sa kaniya si Draze at hinatak siya.

Niyakap niya naman ito at ginawang unan ang dibdib. Naririnig niya pa ang pagtibok ng puso nito.

"Siyempre gusto ko... ayaw ko naman umalis eh. Pero hindi ko lang talaga kaya harapin ka no'n. Tapos ginulat mo pa ako na gising ka na pala talaga!" Hinampas niya ang dibdib nito.

"Paano pala... pag hindi ko rin dala ang phone ko? Paano pag hindi mo ako nahanap? Anong gagawin mo?" Biglang pumasok iyon sa isip niya.

Paano kung nagtago talaga siya para hindi siya nito mahanap lalo. Paano kung pati ang cellphone niya ay iniwan niya pala sa bahay ni Draze.

"I don't like medias but I'll use them. I'll use every media to find you. Sasabihin ko kung sino ang makakahanap sa asawa ko bibigyan ko ng 100 million."

Natawa naman siya dahil sa sinabi nito.

"Iyong pera mo nandiyan pa sa ilalim ng kama!" litanya niya.

The Mafia Boss Instant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon