20- HEART

5.1K 124 7
                                    

"Ac! Saan ka pupunta?" Sinenyasan niya agad ang isang bata na 'wag itong maingay dahil baka mahuli siya.

Lalabas kasi siya bahay ampunan para lang gumala kahit saglit. Gusto niya mag-ikot pero babalik din naman siya mayamaya.

"Diyaan lang ako, huwag ka maingay."

"Pero magdidilim na mayamaya..."

"Huwag ka mag-alala sa malapit lang ako. Basta 'wag kang maingay ha?"

Wala na itong nagawa at tanging tango na lang ang naitugon nito.

Hindi naman siya tatakas. Maayos naman ang buhay niya sa ampunan. Gusto lang talaga niya gumala saglit at ito ang magandang oras at araw dahil busy ang mga nagbabantay sa kanila.

Tuwang tuwa siya nang makalabas ng gate nang hindi nahuhuli. Sa likod na gate kasi siya dumaan.

Nagliwaliw siya at pinagmasdan ang mga sasakyan na magagara habang naglalakad.

Napunta siya sa may parke na di naman kalayuan. May mga bata roon na naglalaro kaya nakilaro siya.

Hindi niya na napansin kung ilang oras ba siya naroroon basta alam niya ay dumidilim na. Nasobrahan ata siya sa laro.

Paalis na sana siya sa parke nang may marinig na umiiyak. Paglingon niya nakita niya ang batang babae na mas bata pa sa kaniya.

Siguro mga nasa 8 years old ito, sa tingin niya ay dalawang taon ang bata nito sa kaniya.

"Bata... bakit ka umiiyak?" tanong niya nang makalapit siya rito.

Napasinghap siya nang makita ang hugis puso na paso nito sa kamay. Malaki iyon at alam niyang masakit.

Sira rin ang damit nito na parang hinatak.

"Tulong po... papatayin nila ako... hi-hindi ko sila kilala..." hagulhol nito sa kaniya.

"Sino sila-"

"Ayon ang bata!" Nanlaki ang mata niya nang biglang may sumigaw. Tatlong malalaking lalaki ang tumakbo patungo sa kanila. Hindi sila nakatakas at agad hinablot ang batang babae pati na rin siya.

"Nagsama pa ng bago. Okay ito! Matutuwa si boss sa atin," halakhak ng isang lalaki.

"Bitawan niyo kami! Tulong– hmmp... hmmp..."

Pumipiglas siya ng todo kahit nasasaktan na siya sa pagkakahawak ng isang lalaki sa kaniya.

Takot na takot siya pero mas iniisip niya ang isang mas nakababata sa kaniya. Kawawa talaga ang itsura nito kaya mas dumagundong ang kaba niya dahil naiisip niya rin na magiging ganoon ang lagay niya pag hindi sila nakatakas ngayon.

Naisakay sila sa itim na sasakyan. Tuloy tuloy lang ang pagsigaw niya pero sa isang iglap bigla na lang nagblanko ang paningin niya nang may pinaamoy sa kaniya.



Nagising siya dahil naramdaman niya ang pag buhat sa kaniya. Hindi niya agad naidilat ang mata niya dahil nag-a-adjust pa siya. Pakurap-kurap siya nang makita ang kadiliman ng paligid. May ilaw pero sakop ang ibang parte ng pinasukan nila. 

Napadaing siya nang ibaba siya ng lalaki sa isang kwarto. Pabagsak siya nitong nilapag kaya bumagsak ang pang-upo niya sa sahig. Umahon na naman ang sobrang katakutan niya nang makitang mas marami pa ang mga batang babae roon pero dumako ang tingin niya sa isang babaeng mas matanda sa kanila. 

"Hindi pa rin nagigising 'yan?" tanong ng isang lalaki sa isa. Tinutukoy nito ang nakakatandang babae sa kanila na may piring ang mata at walang malay. 

The Mafia Boss Instant WifeWhere stories live. Discover now