36- SCARED

5K 132 18
                                    

Pinihit niya ang doorknob sa hospital room. Pagkapasok ay dumeretso siya kay Draze at umupo malapit dito. Hinawakan niya ang kamay nito at nakangiting tiningnan ito.

Kahit wala itong malay napaka-guwapo pa rin at mas guma-gwapo pa ito lalo sa paningin niya. Hindi niya aakalain na magbabago ang buhay niya dahil sa binata. Nakaramdam siya ng kalayaan dahil dito. Naranasan niyang magtrabaho at gawin ang gusto niya. Naranasan niya rin makapag-aral sa pribado at sikat na paaralan. 

Lahat ng nasa isip niya lang dati ay nagawa niya at dahil iyon sa binata. 

"Masaya akong nakasama kita, Draze." Hinaplos niya ang kamay nito habang nakatitig lang dito.

"Hindi ko alam kung okay lang ba itong nararamdaman ko para sa'yo. Gusto kong umamin pero masiyadong nakakahiya. Ilang beses mo ng niligtas ang buhay ko, ikaw na rin halos ang bumuhay sa akin. Deserve ko ba talaga 'yon? Kahit pa sabihin na nating dahil nagpanggap ako bilang asawa mo, hindi ko pa rin ata deserve lahat ng ginawa mo para sa akin. Parang sobra-sobra kasi 'yon. "

Para sa kaniya ay hindi iyon bayad sa kaniya. Masiyadong maliit na bagay lang ang ginawa niya at kasalan niya rin naman kaya siya napabalik sa mundong ganito. Pero kahit bumalik man siya sa gulo ay hindi siya nagsisisi dahil nakasama niya si Draze.

Siguro ang pinagsisisihan niya lang talaga ay kung bakit na disgrasiya ito.

"Ang tanga tanga ko kasi," bulong niya sa sarili. Napabuga siya ng hangin, ilang minuto siyang tumitig lang sa binata.

"Kakayanin ko kaya pag hindi na kita makikita? Kakayanin ko ba pag lumayo ako sa'yo? Mahal na mahal kita Draze. Hindi ko alam kung kailan nag umpisa 'to. Alam kong isang katangahan ito dahil masiyado kang mataas at ako sobrang baba. Wala akong pamilya, wala akong natapos at pinag-aralan, wala akong ipagmamalaki." Kinagat niya ang labi nang maramdaman ang luha niyang bumuhos na naman muli. 

"Sorry... sorry dahil sa kagagawan ko napahamak ka." Halos pumiyok ang boses niya dahil sa pag-iyak.

Oo, napagdesisyonan niyang umalis at magpakalayo layo. Iyong pera niya na nakatago lang ay gagamitin niya para magsimula ulit. 

Tama si Jennie, hindi niya deserve si Draze. Hindi rin siya hihingi ng tulong dito dahil kaya naman niya mag-isa. Siguro naman ay wala ng hahabol sa kaniya dahil nahuli na ang gobernador na iyon. 

Kakayanin niya mag-isa dahil dapat naman talaga masanay na siya mag-isa.  Tumayo siya sa pagkakaupo at dahan dahan binitawan ang kamay ng binata.

Pinunasan niya ang luha sa mata at inayos ang sarili kahit papaano.

Lumakad siya patungo sa pinto at pinihit iyon pero napatigil siya nang may magsalita.

"I swear... I fucking swear, if you step outside of this room. I'll going to take you right here right now. Hindi ka makakawala sakin dahil sisiguraduhin kong lolobo 'yang tiyan mo."

Nanigas ang buong katawan niya at napahawak ng mahigpit sa doorknob. Hindi siya makalingon.

G-gising na siya?

Labis ang tuwa niya at gusto niya itong yakapin pero hindi niya ito maharap.

"Aurelia... I heard what you said, all of it. I woke up yesterday and you didn't even visit me. No one tell you? Fucking Conrad— Hey!"

Mabilis niyang binuksan ang pintuan at tumakbo palabas.

Para siyang baliw na umiiyak habang tumatakbo. Nakasalubong niya pa si Emmet sa hallway ng hospital pero hindi niya ito pinansin.

Hindi niya talaga kaya harapin ang binata. Nahihiya siya.

Ngayon ang iyak niya ay dahil natutuwa siya nang magising na ito.

The Mafia Boss Instant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon