24- BIRTHDAY

5.2K 136 4
                                    

Ilang araw na ang lumipas at patuloy ang binata at ang grupo nito na imbestigahan lahat ng babaeng kabilang sa grupong stallion.

Ayon kay Gunner, ito ang malapit na kalaban nila sa underground world. Pinupuntirya na ang mga ito dati pa dahil naging malaki ang inggit ng boss ng stallion kay Draze nang maging numero uno itong pinakamalakas sa underground world.

"There's a five woman who has a blonde hair in stallion group. 'Yung dalawa kasama noong nakalaban natin sa rambulan ang mga tauhan ni Ramilo tanda," sambit ni Conrad habang tinitingnan ang pictures ng mga babae.

Nasa hideout sila ng knights, katabi niya si Draze na seryosong nakatingin sa malaking LED screen.

Tinitigan niya lahat ng pictures ng mga babae at sigurado siyang wala roon sa lahat ng pinakita.

"Sigurado ka bang lahat na sila? wala kang nakalimutan?" pagtatanong niya kay Conrad.

"Tss. Ako pa! Lahat sila ay kabilang sa grupo ni Ramilo. Bakit?" Inagaw niya ang controller na hawak ni Conrad at nilipat lipat ulit ang pictures, nag-focus siya sa mga blonde ang buhok.

Tiningnan niya ang ibabang labi ng mga ito pero wala siyang nakitang nunal sa mga ito.

"Walang nunal..." bulalas niya. "Wala sa kanila. Sigurado ako sa nakita ko," dagdag niya pa.

"Nunal?" Gunner asked.

Tumango-tango naman siya kaagad. "May nunal sa ibabang labi yung babaeng nasa video. 'Di ba nakunan sa bodycam 'yung video? I-zoom niyo mas makikita niyo," utos niya.

Agad naman ginawa ni Conrad ang sinabi niya. "I can't see the mole because of the video quality but... let's enhance the quality."

Ilang minuto lang itong nangalikot sa laptop at napalinaw nga nito ang video. Pinause nito ang video kung saan makikitang nakangiti ang babae.

Zinoom naman nito kung saan ang tinutukoy niya.

"Woah, how did you notice that?" manghang bulalas ni Casper. "May superpowers ka ba?" he joked.

"Gago!" binatukan ni Conrad si Casper dahil tumawa pa ito.

"What if he's actually a guy and just wore a blonde long hair wig?" biro pa ulit ni Casper.

"Bobo ka ba? babae nga ang boses eh!" sabat naman ni Conrad.

Napailing na lang siya sa dalawa. Madalas na sumama si Casper sa kanila dahil training daw ito para rito, kaya madalas niya na rin makita ang bardagulan ng magkapatid.

"Para makasigurado kailangan nating mahanap si Frank. Kung wala sa grupo niya marahil may alam siya kahit papaano," Gunner said.

Napatingin siya kay Draze na tahimik lang at mukhang malalim ang iniisip.

"Mukhang may alam talaga ang matandang 'yon, bigla ba namang hindi natin ma-trace. Saan kaya nakatago 'yon? pati na rin 'yong mga tauhan naglaho eh," ani ni Conrad at umiling-iling pa.

Napabuga na lang siya ng hangin. Mukhang mas mahihirapan pa sila sa paghahanap.

"Pero iisa lang ang sigurado natin, matalino 'yong babaeng 'yon pagdating sa technology. Lahat ng gamit niya ay pang professional at hindi basta basta. Pareho ng gamit ko at higit sa lahat kaya niyang labanan ang ginagawa ko para mas mahirapan akong maka-access sa kaniya." Pinatunog ni Conrad ang daliri niya.

Pinikit niya saglit ang mata niya at iniimagine ang imahe ng babae. Napadilat naman siya nang maramdaman na may humawak sa kamay niya.

"You have a class tomorrow. You should go home so you can rest," ani ni Draze sa kaniya at tumayo. Ngumiti naman siya at tumango rito.

The Mafia Boss Instant WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon