chapter 62: Accident

498 12 0
                                    

Ana POV

Hanggang ngayon nalulutang pa din ako sa napag-usapan namin ni lola kahapon.

"Huy, ana!" Napatingin ako sa mga kasama ko ng sigawan ako ni elle.

"Oh?"

"Kanina ka pa namin tinatawag"

"Ah, ganun ba?" Inabot ko sa kanila yung pasalubong ko na agad nilang kinatuwa.

"Wow, thank you ana. Nag-abala ka pa!"

"May bayad" natigilan sila at akmang ibabalik na sa akin ng tumawa ako. "Joke lang. Teka, magrestroom lang ako" tumango sila kaya agad na akong pumunta doon sa D.O dahil gusto kong maka-usap si dean.

Kumatok na muna ako bago pumasok, nakita ko naman si dean na kausap si sir ramon.

"Oh, hija anong ginagawa mo dito?" Tanong ni dean pagkatapos kong makipag-beso sa kaniya.

"May itatanong lang po sana ako"

"Ano iyon?"

"Alam niyo po ba kung nasaan ang lolo ko?" Magsasalita na sana siya ng may kumatok sa pintuan at bumukas iyon. Nagulat ako ng makita ko si lola at ang asawa ni dean na si lola tynish. "Lola, nasaan si kyle?"

"Pinalibot ko muna dito"

"Lola, Alam mo namang makulit iyon. Baka kung ano-ano na pinag-gagawa dito"

"Hayaan mo na, apo. Minsan lang makalibot ang kapatid mo"

"Rokyla?" Gulat na sabi ni dean at agad hinarap si lola.

"Ako nga, torme"

"Akala namin ay.."

"Sa awa ng diyos ay buhay pa din ako" ngumiti si dean at niyakap si lola.

"Masaya akong malaman na buhay ka" kumalas sila sa yakap at tumango si lola, ngumiti naman ako.

"Sino ang kausap mo? Nahihiya ba siyang humarap sa atin?" Tanong ni lola kay sir ramon na agad humarap sa amin. "Raymondo? Ikaw ba iyan?" Nagulat ako sa sinabi ni lola, bakit niya tinawag ang pangalan ni lolo? At kay sir pa! Nakakahiya si lola!

"Ako nga, aking asawa" mas lalo akong nagulat sa sinabi ni sir ramon, all this time, siya si lolo at hindi niya manlang sinabi sa akin? Kaya ba niya kami pinasyal kasi matagal na niyang alam? Niyakap niya agad si lola na umiiyak na, hindi ko din maiwasang mapaluha. "Patawarin mo ko kung akala ko noon ay wala ka na kaya ako lumisan sa ating pamilya" kumalas sa yakap si lola sa yakap at ngumiti kay sir--or should I say lolo.

"Matagal na kitang napatawad"

"Why didn't you tell me?" Tumingin sakin si lolo at agad yumuko. "Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin kahapon? Ginawa mo akong naghahanap sa taong kaharap ko na pala matagal na" umiiyak kong sabi.

"Patawarin mo ako, apo. Kung nagsinungaling ako. Natatakot akong kamuthian mo ako"

"You should tell me!" Niyakap niya ako at doon na ako napa-iyak lalo ng yakapin ko siya pabalik.

"I'm sorry, apo" tumango ako at hinarap niya ako at pinunasan ang luha ko. "Babawi ang lolo sa inyo" humikbi akong tumango.

Nakipag-kwentuhan pa ako sa kanila bago ako bumalik sa court, napawi ang ngiti ko ng makita ko si kyle na hawak yung bola.

"Ate!" Masayang sabi niya at nilapitan ako.

"Who give you that ball?"

"Haha, it's kuya trace" sinamaan ko si grey na agad nag-peace sign sakin.

"You should go to lola now, nakita na namin si lolo"

"Really? Where?"

"Alam mo naman siguro ang D.O?" Ngumuso siya at tumango. "You should go now"

The Cold GuyWhere stories live. Discover now