chapter 26: Mahal?

850 20 0
                                    

Ana POV

Gusto kong matawa ng makita yung mukha ni pia na namumula na.

"Tama na, hindi mo na kaya" awat ni grey ng iinom pa siya. Habang hinahalo-halo ko yung bote pinapanood ko sila

"A-anong hik hindi p-pa hik k-kaya? K-kaya ko p-pa" lasing na sabi ni pia habang tinataas pa ang kamay na may hawak na beer.

"Don't don't worry pia, may bukas pa naman" ngisi kong sabi na kinatawa niya.

"O-oo n-nga hik pala, d-damihan mo n-ng a-alak ah?"

"Yes, kahit anong alak ibibigay ko"

"Sa-la-mat hik" mataas niyang boses na kinatawa ko. Tumingin ako kay jane na hindi na din kaya. Lumapit ako sa kaniya saka siya inalo.

"Tama na" pigil ko na kinatango niya. Kinuha ko yung jacket ni jake saka iyon sinuot sa kaniya.

"Bakit yang jacket ko?"

"Haha, don't worry, babalik ko din mamaya sa taas, tignan mo oh, nilalamig na" turo ko kay jane na yinakap ako sa bewang.

"Wala pala kayo eh, hanggang ngayon hindi kayo sanay" may tama na sabi ni elle sa dalawa na sina vince at karl na inaantok na.

Napatingin ako kay drake na inaantok na din, samantalang sila miguel at jake naman tuloy pa din. Kumalas ako kay jane saka ako lumapit kay drake.

"Kaya pa?" Ngiti kong sabi na kinailingan niya na kinatawa ko.
"Hihahatid ka na lang namin"

"Thanks"

"Mm"

Lumapit ako sa dalawa saka sila natatawang inalo sa likod.

"Grabe hik h-hindi pa din hik n-namin kayo hik m-matalo" lasing na sabi ni karl na kinatawa namin ni elle.

"Ayos pa ba kayo d-diyan? gusto niyo pang u-uminom? M-may dalawa pang boteng beer na naiwan" turo niya sa mesa na kinatawa ko lalo.

"Mukhang may tama ka na, elle"

"K-konti oo, p-pero hindi naman a-ako tulad n-nila, haha" turo niya sa mga kasama naming nalasing na kinailingan ko. Lumapit ako sa dalawang bote ng beer saka sabay iyon binuksan. "H-huy, akin n-na yung i-isa"

"Hindi may tama ka na, akin na lang toh"

"Anong sayo?" Pigil ni grey na kinangisi ko at dali-daling inubos yung isang bote ng beer, pinunasan ko yung bibig ko saka nilagok ulit yung isa pang bote na parang tubig na kinagulat nila.

"Kakaiba kang babae ka, haha" natawa din ako sa sinabi ni miguel.

"Ginawang tubig yung alak, haha" mas lalo akong natawa sa sinabi ni jake.

"Yan, para naman hindi sayang yung binayad ko" natatawang sabi ko.

"Kuripot ka t-talaga" Ngumisi na lang ako kay elle na sumandal kay miguel.

Nilingon ko ulit si pia na sumuka na kaya kumuha ako nang tubig para ipang-mumug niya. Kinuha yun ni grey nang iabot ko.

"Thanks" tumango na lang ako saka pinanood si pia na nagmumumug na. Nag-tawag ako ng janitor para linisin yung kalat namin pero syempre tumulong kaming konti pa lang ang tama. Matapos ay inalalayan ko si vince habang si karl naman kay elle at si miguel naman kay drake, si jake naman kay jane at huli si grey kay pia habang papasok kami ng hotel.

Una naming hinatid ay sila karl at vince, pumasok kami ni elle para ihiga sila sa tag-isa nilang kama.

"T-thanks, h-hanggang ngayon k-kayo hik pa d-din ang g-gumagawa nito, haha" natatawang sabi ni vince na kinailingan ko, tinanggal ko yung jacket niya bago ako umayos ng tayo ganun din si elle.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now