chapter 57: Jane's Birthday

450 13 0
                                    

Trace POV

Buti na lang nauunawaan ako ni ana, hindi ko na kakayanin kung pati siya iwan ako. Higit na Mahal na Mahal ko si ana kesa kay kc noon. Kaya ganun na lang ang takot ko na iwan niya din ako.

Nang makarating kami sa bahay nila jane nag-park na ako. Marami na ring mga sasakyan ang naka-park sa tapat ng bahay nila jane. Kaya panigurado marami ng tao sa loob. Inalalayan kong bumaba si ana sa kotse ko. Ni-lock ko lang yung kotse ko bago kami nag-lakad papalapit sa gate na may nagbabantay na guard.

"Good evening, ma'am/sir. Invitation po" bungad agad ng guard samin. Binigay ni ana yung invitation naming dalawa na agad niyang kinuha. "Welcome ma'am/sir" tumango na lang kami bago pumasok sa loob.

Tulad ng inaasahan marami ng tao at malakas din yung music. Habang naglalakad kami papunta sa garden pinag-titinginan kami at pinag-bubulungan pero dahil sanay na kami hindi na namin iyon pinansin.

Hindi na namin kailangan maghanap sa mga kaibigan namin dahil nakita agad namin sila sa lakas pa ba naman ng boses ni ate at elle.

"Guys, look who's here! They're late again!" Bungad ni elle na kinangisi ko.

"Wahhh, ana, trace! Akala ko hindi na kayo makaka-punta, huhu" sabay yakap ni jane kay ana. Hindi rin maitatanggi na napaka-ganda ni jane sa suot niyang blue gown na may bulak-bulaklak.

"Pwede ba naman yun?" Ngiwing sabi ni ana sabay kalas. "Sorry, nalate kami, I hope you understand"

"I understand, ana! Bakit ba kayo nalate?" Napangisi ako ng lumunok si ana.

"Si grey kasi inaway ako" parang batang sabi niya na kinatawa namin.

"Ikaw, aawayin? Eh, ikaw nga nang-aaway, eh!" Sabat ni mira na kinatawa namin ulit.

"Ang sama niyo sakin ah! Ops, nagugutom na ko"

"Pumunta ka lang ba dito para maki-kain?"

"Natural! Kaya nga ako pumunta, kasi may pagkain!"

"Anak ka ng---- ang ganda-ganda ng suot mo tapos habol mo lang pala pagkain?" Ani din ni jenjen na kinangisi ni ana.

"Of course, para naman hindi ako mapagkamalan na patay gutom!"

"Grabe, hindi ko inaasahan na patay gutom ka!" Hindi makapaniwalang sabi ni sam na kinatawa namin.

"Tsk, kakain na ko!"

"Alam mo bang karamihan hipon?" Ngising sabi ni elle na kinataka namin.

"What? Ibig sabihin konti lang makakain ko? Nag-aksaya pa akong mag-suot ng ganito! Yun pala walang masarap na pagkain?"

"Bakit ba?" Sabay-sabay na tanong naming lahat except kila ate, josh, karl, vince, mira, jenjen at elle.

"Allergic ako sa hipon!" Nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya dahilan para tignan kami ng ibang bisita.

"Oh, hi there. Mukhang ang saya-saya niyo ah? Can we join?" Nakangiting bungad ng mga kasing edad lang ni mom samin.

"Of course, mom" ngiting sabi ni jane sa nagsalita kanina saka ito nilapitan.
"Ah mom, si trace at ana po pala kaibigan ko"

The Cold GuyWhere stories live. Discover now