chapter 54: Simula

460 13 0
                                    

Ana POV

Matapos kong maligo at magbihis bumaba agad ako. Nakita ko rin yung mga kaibigan namin na naglalambingan sa mga girlfriend at boyfriend nila.

"Aalis pala kami!" Bungad agad ni grey sakin. Tumingin sila sakin na kinakunot noo ko.

"Ah?"

"Aalis kaming mga boys!"

"Oh, saan kayo pupunta? Maghahanap ng babae? Aba, oh eh, okay lang, may gagawin din kaming mga babae, kaya shuuu"

"Huy, anong gagawin niyo!?"

"Marami, kaya kung aalis kayo! Ngayon na!"

"May kalokohan kayong gagawin noh!"

"Tsk, wala ah!"

"Siguraduhin mo, Rhiana!"

"Oo nga, tsk!" Lumapit ako kila elle at jane saka sila inakbayan. "Manonood lang kami sa movie room o kaya tatambay kami sa garden o pool, basta kahit yun lang gagawin namin!"

"Siguraduhin mo!"

"Paulit-ulit?" Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi. Ngumisi ako saka naglakad papuntang hagdan.

"Saan ka na naman pupunta?"

"Akala ko ba aalis na kayo? Tsk, kukunin ko lang yung laptop ko! Kaya pwede ba umalis na kayo? Naaalibarbaran na ako sa inyo!"

"Wow ah? Ikaw pa talaga? Bakit atat na atat kang paalisin kami? May kalokohan----"

"Tsk" singhal ko bago pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko yung laptop ko sa cabinet bago ako umupo sa kama.

Binuksan ko yung bag dahilan para bumungad yung laptop ko. Kinuha ko yung USB sa computer saka iyon sinalpak sa laptop. Matapos ay bumaba na ulit ako. Nakahinga ako ng maluwag ng wala na lahat ng boys.

"Huy, babae! Alam kong may binabalak ka!" Bungad agad ni elle na kina-irap ko.

"Kung hindi tayo kikilos kawawa tayo dahil sila may alam tayo wala! Alam niyo bang nagka-harap ulit sila grey at jc kagabi? Hindi niyo alam kasi wala na kayo dun!"

"What?"

"Yes, nagsuntukan silang lahat, pero ang nanalo sila grey!"

"Naku naman! Buti na lang talaga wala na kami dun" natatakot na sabi ni chloe sabay kuha sa unan.

"Yun na nga eh! Mas lalo tayong matatakot kung wala tayong alam ni isa!"

"So, what's the plan?" Takang tanong ni ate trisha. Nilapag ko yung laptop ko sa harap nila.

"Elle, hanapin mo yung pangalan nila" utos ko na tinanguhan niya. Napatingin ako kay manang na dinalhan kami ng meryenda namin. Kumuha agad ako ng cookies dahil hindi pa ako nag-almusal.

"Matagal ba yan?" Kinakabahan na tanong ni pia na kinailing ni Jane.

"Madali lang yan kaya, you don't have to worry"

"Baka kasi bigla silang bumalik"

"Hindi naman siguro! Dahil kung hindi buking tayo!" Nakangusong sabi ni jenjen. Agad akong napatingin sa kaniya.

"Jenjen, hanggang kailan ka lang ba dito?"

"Haha, matagal pa!"

"Ah? Okay! So, kung ganun tutulungan mo ko, pati ikaw chloe at sam" baling ko sa dalawa na agad nagtaas ng isang kilay.

"Why?"

"Mapapadali yung magagawa natin kung tutulungan mo ko. Elle, jane kayo ng bahala magpalusot sa mga boys! At kayong tatlo oh, bagong bili yan!" Abot ko ng paper bag sa tatlo na agad binuksan ang laman yun, at lahat sila nagulat sa nakita. Natawa ako ng makita ang sexy net na damit na binili ko sa america.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now