chapter 49: Picture

494 17 0
                                    

Ana POV

"Shhh, huwag nga kayong maingay kung ayaw niyong lagyan ko yang bibig niyo ng tape!" Sita ko sa dalawa habang naglalakad kami papalapit sa nagmamasid samin. Hula din namin na si leo toh. Nagpalit na din kami kanina ng kagaya kay leo kaya hindi niya kami mamumukhaan nito dahil may tabing din ang mukha namin.

Nang makalapit kami nagtago agad kami sa likod ng sasakyan niya. Para kung sakaling babalik na siya sa amo niya makilala namin toh!

Lintek lang ang walang ganti!

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago niya pinaandar yung sasakyan niya. Kinuha ko yung maliit kong flashlight para maghanap kung anong importanteng gamit na naiwan nila dito sa compartment ng sasakyan niya.

"Anong ginagawa mo?" Bulong ni elle yung pinakamahinang boses. Senenyasan ko siyang tumahimik na lang na kinatango niya. Nilibot ko yung tingin dito

Gotha!

Dahan-dahan kong kinuha yung box na may kalakihan din. Binuksan ko iyon at ganun na lang gulat ko ng makita ko kung anong laman nun! Napakaraming dead threats at nasisiguro ko na samin nila lahat toh bibigay! May nakita din akong plastic ng kunin ko yun picture lahat naming magkakaibigan.

Ano bang kailangan nila samin?

Binalik ko iyon ulit. Nang isasara ko na may nakita akong box na kasing laki lang ng unan. Dahil na curious ako binuksan ko iyon. May nakita akong mga pocketbook na kinataka ko. Lumapit sakin yung dalawa na agad nagtaka sa hawak ko. Nagkibit balikat na lang ako. Binuksan namin lahat kung anong laman iyon pero lahat ay walang sulat. Napabuntong hininga na lang kami ng may pumukaw ng atensyon namin. Isang brown na pocketbook.

Kinuha ko iyon saka binuklat ko yun. Sabay-sabay kaming nagulat ng makita namin ang picture ng B3 na may kasamang grupo. Nakita din namin ang buong team ng basketball at iba pang-kalalakihan. Lahat sila ay nakangiti ng kunan sila sa litrato mukhang napakasaya nila sa araw na toh. Binaliktad ko yung picture patalikod pero mas lalo kaming nagtaka ng may nakasulat na 'LEGEND OF THE RED DRAGON' in short 'LRD'

Dali-dali kong pinicturan yung litratong harap at likod nito. Nagtingin pa kami sa pocketbook na yun. Marami din kaming nakita doon halos lahat nandoon ang B3. Pero nagtaka kami ng nasa huli na kami ng page. Nakita namin sa picture na pinapahirapan ang B3 halos maiyak kami ng halos patayin na sila sa litrato na toh. Duguan sila dito kasama ang buong team ng basketball may nakita din kami sulat dito. 'Kulang pa yan! At sisiguraduhin ko na kapag muli tayong nagtuos. PAPATAYIN KO NA KAYO!' Halos kilabutan kami sa sulat na ito kaya dali ko na iyon tinago ulit.

Halos paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang nabasa ko sa sulat.

"Ana, may picture din sila, josh, vince, karl at drake, dito" agad akong napatingin sa sinabi ni elle. Tinignan ko iyon na lalo kong kinagulat ng makita kong may tan tacks ang kanilang mukha saka nila nilagyan ng dugo.

Napakasama ng gumagawa sa lahat ng ito! Tayo muna ang magtutuos! At kapag nangyari iyon ako na din ang papatay sa inyo! Walang pwedeng manakit sa mga taong mahalaga sakin. BUHAY SA BUHAY KAPAG NAGTUOS TAYO!!

Nang huminto ang van sumilip ako sa bintana na kinagulat ko ng nasa tapat kami ng bahay nila vince. Nagtago kami sa sulok dahil panigurado kukuha siya ng dead threats para ilagay sa gate nila vince.

The Cold GuyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum