chapter 59: Manila

450 12 0
                                    

Ana POV

Matapos naming magpractice dumaan pa muna ako kay sir dahil pinapa-tawag niya ako.

Ito na naman ana! Ito na naman siya! Activity na naman!

"Good afternoon sir!" Bungad ko na agad niyang kina-angat ng tingin.

"Ow, Ms. Chua! Pinapunta kita dito para samahan ako!"

"Ah? Saan?"

"Pupunta tayo ng maynila!"

"Gagawin natin dun? Ilang araw? May practice ako sir! Malapit na ang intramural!" Dere-deretsong sabi ko na kinabuntong hininga nila.

"Dalawang araw tayo dun! Pwede mong isama ang dalawa mong kaibigan!"

"What? Ano bang gagawin dun?"

"Pinapasukat ni dean yung lupa nila doon sa maynila! At ako ang napa-assist doon!"

"Kailan tayo aalis?"

Naku naman! May problema pa ako tapos dadagdag pa toh!

"Mamayang madaling araw na! Kaya mag-impake na kayo! Yun lang! Magkita na lang tayo sa harap ng gate ng 4:00am! Makakaalis ka na" napanganga ako sa sinabi niya.

Bakit ako pa? Bakit kailangan kami pa? Pwede namang ibang students ah!
Tsk, kung kailan nandito na sila jessie!

Nanlulumo akong nagpunta sa court na kinataka nilang lahat saka natawa.

"Nangyari sa mukha mo?" Bungad ni grey na kinabuntong hininga ako saka binato sa malayo yung bottle na walang laman.

"Bwiset na sir yun, grrr! Elle, jane sasamahan daw natin si sir pumunta sa maynila!"

"What!?"

"Oo nga! Mamayang madaling araw na tayo aalis! Kita na lang daw tayo dito sa harap ng gate!"

"What the hell! Ilang araw tayo dun?"

"Two days!" Mas lalo silang nagulat sa sinabi ko na kinalumo ko masyado.

"The hell! Anong gagawin niyo dun!?"

"Magsusukat daw ng lupa ni dean! The hell! Ang dami naming students niya bakit kami pa!?"

"Mukhang inaasar ka talaga nun, ah!" Inis na sabi ni jane na kinabuntong hininga ko.

"Bwiset, kung kailan nakadating----"

"Hep, oo nga!" Putol agad ni elle na kina-irap ko.

"Pano? Mauuna na kami! Mag-iimpake pa kami! Bwesit talaga na sir yun! Lagi na lang ako!"

"Baka may gusto sa inyo!"

"The hell, vince! Matanda na siya! Kasing edad niya lang atah si lola! Tapos ano? Sasabihin mo na may gusto yun? Eh, parang apo niya na nga kami!"

"Haha, just kidding!"

"Naku, vince! Magtago ka na!"

"Grabe ka talaga sakin!"

"Hehe, just kidding! Pano, bye! See you again!" Paalam ko na kinatango nila. Inakay ko na agad si grey na nakatitig lang sakin.

Habang nagdri-drive siya ang tahimik niya pa din! Problema ba nito!

The Cold GuyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang