chapter 30: The Secret

767 19 0
                                    

Ana POV

Nang matapos kong tumulong konti na lang yung mga tao kaya for sure kaya na nila yan. Bumalik ako sa table namin at lahat sila nagulat.

"Grabe! Hindi namin inaasahan yung ginawa mo!" Sabi agad ni ate trisha sakin na kinatawa ko ng mahina.

"Nalaman nga agad ni mom and dad eh. Oh bakit hindi pa kayo kumakain?" Gulat kong turo sa mga pagkain na hindi pa nagalaw.

"Hinintay ka namin" malamig na sabi ni grey na kinangiwi ko.

"Oh, edi kumain na tayo, hehe" umupo ako saka naunang kumuha ng pagkain, napailing na lang sila saka kumain na din.

"Hmm, ang sarap, hehe" masayang sabi ni jane habang tinitikman yung sausage.

"Hindi na ako magtataka kung bakit sikat toh, ang sarap eh" masaya ding sabi ni pia na kinangiwi ko na lang. Tumingin ako kay Drake na tahimik lang.

"Hey, try this" turo ko sa bangus na tinanguhan niya saka kumagat habang tumatango.

"Masarap!"

"Thanks"

"Grabe! Hindi ko inaasahan na ang daming tao kanina" sabi ni elle habang nakatingin sa kaninang madaming tao.

"Tsk, ako nga din eh! Paglabas ko ng office kanina ganun na lang gulat ko ng madaming tao na pa lang nagsisikan dito"

"Hindi nga namin namalayan na umalis ka!"

"Eh hehe, busy kayo eh!"

"May pasok na pala kayo bukas ano?" Tanong ni kuya josh na tinanguhan namin.

"Nag-aaral ka na ba ng mabuti?" Tanong ni ate Trisha sakin dahilan para tumaas ang isa kong kilay.

"Duh! Nag-aaral naman talaga ako ng mabuti, noon pa"

"Noon iba inaatupag mo!" Napatigil ako sa sinabi niya dahil naalala ko na may sasabihin pala siya sakin.

"Ano nga pa lang sasabihin mo sakin?"

"Ah?"

"Tinawagan mo ko kanina hindi ba? So, sabi mo dito mo na lang sasabihin?"

"Ay oo nga pala! Si jenjen tumawag sakin saka kwenento yung nangyari kay pj"

Sabi na nga ba may problema eh!

"Oh, anong nangyari kay PJ?" Napatingin siya kay elle na nakatingin lang samin.

"Heartbroken ang bakla!"

"What!?"

"Yes, kaya andun nagwawala at naglalasing"

"Oh my god, edi sabihin niyo kay jenjen at john na huwag siyang papasukin!"

"Sa tingin mo makikinig siya sa dalawang yun?"

"Elle, alam mo na gagawin mo!" Baling ko kay elle na agad tumango at lumunok.

"Wait, hindi namin maintindihan, anong alam niya na ang gagawin niya?" Napatingin ako kay jane ng magsalita siya.

"N-na, a-alam niya na kung pano patahimikin si pj!"

"Paano?"

"Syempre takot samin yung baklang yun!" Deretso kong sabi na kinatango niya na lang.

Hindi ko pa pwedeng sabihin kung ano ba talaga kami, baka matakot kayo!

"Takot? Eh, dapat kayo ang matakot sa mga bakla!" Sabi ni drake na kinatingin namin sa kaniya.

Kung lagyan ko kaya ng tape yung bunganga niya, minsan na nga magsalita ganiyan pa!

The Cold GuyWhere stories live. Discover now