chapter 55: Ex Girlfriend

525 9 0
                                    

Ana POV

Maaga akong nagising dahil may practice na kami ngayon. Makikita ko na naman sina jas.

"Babe?" Sigaw ni grey sa labas ng kwarto ko. Kinuha ko lang yung badminton kong bagong labas ulit bago ko binuksan yung pinto ng kwarto ko. Shocks

Bakit ang gwapo-gwapo ni grey ngayon? Tsk, hindi ka pa sanay! Eh, mas lalo siyang gwumapo eh!

"Alam kong gwapo ako kaya huwag mo na akong titigan!" Agad bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi niya.

"Ah? Sino nagsabi?"

"Asus! Kita ko naman na konti na lang maglalaway ka na!"

"Wow! Nahiya naman ako!"

"Haha, dapat lang! Halika na nga mala-late na tayo!" Sabay akbay niya na kinangiwi ko.

Kumain muna kami ng breakfast bago pumunta sa campus at tulad ng inaasahan nandoon na yung mga kaibigan namin sa lagi nilang pwesto! Sa basketball court!

"Naks, aga niyo ah!" Masayang bungad ni miguel sabay hagis ng bola kay grey na agad nitong nasalo.

"Maagang nagising si ana, haha! Baka daw kasi iwan ko siya kung tulog pa siya, haha" natawa sila sa sinabi ni grey na kinangiwi ko.

"Hindi kasi ako makatulog kakaisip sayo" banat ko na kinahiyaw ng mga kaibigan namin at siya naman ang ngumiwi.

"Tsk, kumain ka lang ng sandwich ganiyan ka na?"

"Syempre ikaw naghanda dun!" Mas lalo silang napahiyaw sa sinabi ko. Ngumisi ako na kinasimangot niya.

"Naks naman, trace! Dinaig ka pa ni ana!" Natatawang ani ni miguel na kinatawa namin.

"Tsk, baka kung binanatan ko siya baka mahimatay agad siya!"

"Ang yabang mo ah?"

"Haha, honest lang"

"Oh" agad na singhal ko ng makita ko si grey na biglang nahilo. Lumapit agad ako sa kaniya pero nagulat ako ng ang init niya. "Ang init mo! Tsk, ano bang ginawa mo at may sakit ka?"

"Anong nangyari?" Lapit ng mga kaibigan namin samin ni grey.

"Nilalagnat!"

"What?" Hinawakan nila si grey na nakasandal na sakin. Nagulat sila ng mahawakan nila si grey.

"Oo nga! Nilalagnat ka! Bakit ka pa pumasok?" Sabi agad ni miguel dito.

"Umuwi ka na! Kami na lang magsasabi kay coach na may sakit ka" sabi din ni jake dito.

"Elle, pakisabi na lang kila lannie na hindi ako makakapag-practice" baling ko kay elle na agad tumango.

"Sige na, umuwi na kayo para hindi lalo tataas lagnat niyan" sabi ni klea na tinanguhan ko. Inalalayan nila si grey papunta sa kotse niya. Nagpaalam ulit ako kila ate trisha bago sumunod kila grey.

"Thank you" sabi ko kila jake at miguel ng maipasok nila si grey sa back seat.

"Wala yun! Ingat kayo pauwi!" Tumango na lang ako bago pinaandar yung kotse ni grey pauwi sa bahay.

Nang makadating kami. Inalalayan ko si grey na pumasok sa loob ng bahay na kinagulat ni manang, tinulungan niya akong mapaupo si grey sa sofa bago ako hinarap.

"Nilalagnat pala siya bakit pa kayo umalis? Naku, kayo talagang mga bata, oo! Sige na, hihatid mo na siya sa kwarto niya at dadalhan ko na lang kayo ng dimpo" tumango ako sa sinabi niya saka hinarap si grey na nanghihina.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now