chapter 40: Shopping

549 20 0
                                    

Ana POV

"Yes, nahanap namin!" Sigaw nila elle at jane na kinatuwa ko din.

"Where?"

"Here" napatingin ako sa tinuro niyang pangalan na kinangisi ko.

Leo prank. Humanda ka!

"So, siya ang una natin target, ano deal?"

"Deal" sabay na sabi nila na kinangisi ko. Pinatay ko na yung computer ko saka kami lumabas ng kwarto ko.
Inaya ko sila na manood sa movie room na agad nilang kinatuwa. Kumuha muna kami ng mga chichirya at drinks namin bago kami pumunta sa movie room. Sinara ko ang pinto saka sila tinignan na sumampa agad sa kama na kinailingan ko.

"Anong gusto niyong panoorin?" Ngiting tanong ko sa kanila. Lumapit ako sa CD saka nagtingin "lady in black?"

"Wow, sige yan na lang" inayos ko ang DVD at TV bago ko ilagay yung CD. Kinuha ko din yung remote para mamili sa menu. Pinindot ko ang nasa unahan bago ako tumakbo sa gitna nila na kinatawa nila.

"Takot ka pala eh!" Natatawang sabi ni jane na kinasimangot ko. Kumuha ako ng maraming unan saka iyon pinalibot sakin na mas lalo nilang kinatawa. Hindi ko na sila pinansin dahil mag-uumpisa na yung palabas na agad kinasigaw naming tatlo dahil may bumungad agad na babae na nakabikti.

"Wahhhhhh" sigaw muli namin ng may lalaking walang ulo na naglalakad. Nanginginig kong kinuha yung chichirya ko at nanginginig na kumakain.

Tsk, sinabi mo kasi na yan ang panoorin!

"Woahhh, ana" takot sakin ni jane at elle na kina-irap ko. Nanood na ulit kami at puro kami sigaw dahil laging may bumubulaga na babaeng naka-itim.

Nang nasa gitna na kami ng panood mas lalo kami napapasigaw dahil pati sanggol kinakain nila.

"WAHHH"

"KYAHHHHHHHHH" mas lalo kaming napasigaw ng biglang bumungad sila grey, jake at miguel samin dahilan para magulat kami.

"HAHAHA" tawa nilang tatlo na kina-inis namin.

"Oh, bakit ang daming unan na nakapalibot sayo? Haha" natatawang sabi ni grey sakin dahilan para mamula ako pero hindi nila mapapansin iyon dahil madilim dito tanging TV lang yung nagbibigay liwanag dito sa buong kwarto.

"Paki mo?"

"Haha, isang leader ng bitch takot sa multo, hahaha" natawa silang lahat sa sinabi ni grey. Kumuha ako ng isang unan saka iyon binato sa kaniya. "Oh, bat mo binato? Baka matabihan ka ng multo diyan, haha"

"Aba, gumaganti ka!"

"Tsk, hindi ah" napa-irap na lang ako saktong tumama yung paningin ko sa TV at ganun na lang kalakas ng sigaw ko ng may biglang bumungad dun.

"HAHAHAHA" inis akong humarap sa kanilang lahat ng tumawa sila ng malakas.

"Oh, saan ka pupunta? Haha" binato ko ng unan si grey na agad niyang nasalo.

"Bahala kayo sa buhay niyo! Magsama kayo diyan!"

"Haha, may multo diyan"

"Ehhh, naman eh!" Mas lalo silang natawa ng bumalik ako sa kama.

"Kala ko ba, aalis ka? Haha"

"Tinatakot mo ko eh"

"Hindi na, haha" napabuntong hininga na lang ako saka muling tumingin sa TV na tapos na yung panood. Dali-dali akong lumapit sa ilaw saka iyon swinitch. Bago ko pinatay yung TV at DVD na kinatawa na naman nila.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now